Kabanata 9

46 10 0
                                    

Kabanata 9

Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising para makapagpractice kahit papaano ng kakantahin ko mamaya. Hindi na nagparamdam sa akin si Jaru dahil sabi ni Manang ay nagpunta s'ya dito kahapon at nang malamang umalis na ako ay basta basta nalang umalis. Tss pakialam ko kung galit s'ya diba?

Nagpractice pa ako ng ilang minuto bago gumayak. Pagkababa ko ay nagpaalam na agad ako kay Manang na sa school nalang kakain dahil may usapan kami nina Adley na pag natanggap kami ngayon din ay kakain kami sa labas bilang celebration. Lahat kami ay may sasalihan si Adley ay sa Theater Art daw habang si Farah ay sa Dance troupe at ako naman ay sa banda.

Pagkadating ko ay sinalubong agad ako ng dalawa. "AC, naiba yung place ng audition!" salubong ni Farah na excited para mamaya.

"Saan daw?" Tanong ko.

"Yung mga sports lang daw ang sa Gym at yung iba sa hall like singing and dancing. Kami ay sa theatre auditorium mismo." sagot naman ni Adley.

"Huh? Eh san kami?" naguguluhan kong tanong.

"Sa open field!" masayang sabi nilang dalawa na ikinalaglag ng panga ko. Srsly?

"ANO!?? edi madaming makakapanood? What the hell?" sigaw ko kaya napawi ang ngiti nila.

"Ano ka ba girl! Okay lang yo'n pang-contest naman ang boses mo and madami nang nabighani dahil d'yan!" banat ni Adley sa akin kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Okay lang yan manonood kami! Hindi naman sabay sabay ang audition eh mamaya pa akong 3 si Adley ay 4-5 pa." pang-alo ni Farah sa akin.

Nagusap kaming magkita nalang mamaya sa open field dahil 2 ang audition namin at humiwalay na ulit kami ni Adley kay Farah.

Puro lecture, recitation at quizzes ang nangyari sa klase namin ngayon kaya nung makalabas kami ay parehas sumasakit ang ulo namin lalo na sa principles of management na subject.
Ikaw ba naman ang magquiz ng 100 items ewan ko lang kung matuwa ka.

"Grabe talaga si Ms. Mary magpaquiz parang naubusan ako ng braincells!" reklamo ni Adley.

"Yeah, Her name mary doesn't suit her. Hindi makatarungan" gatong ko sa sinabi n'ya.

Kumain kami saglit sa cafeteria at dumiretso na sa open field na ngayon ay medyo madami ng tao kaya nabuhay muli ang kaba ko. Shit pag talaga ako pumiyok dito mamaya I will punch myself when I get home!

"Huy AC, are you okay?" Tanong ni Farah ng makita nya na kami. "Yes, I'm just a little nervous." sagot ko at luminga linga sa paligid at nakikita na ang ilang kabanda dati.

"Don't be nervous then, magaling ka kaya!" ani Adley.

"And besides hindi ito ang una mo no kaya kaya mo yan!" si Farah. Nginitian ko lang silang dalawa at bumaling sa nagsalita sa harapan.

May mini-stage do'n na mukhang pinaghandaan para sa Audition.

"Goodmorning students, I am Mr. Agustin, I will be in charge of the band this year and I want to tell you that our school band is one of the most anticipated during events so hopefully we will have good vocalists today, good at guitar, drummer and so on, most of all of course know how to follow the rules." nakangiting sabi n'ya sa harapan.

"Oh girl, You are the great vocalist they are looking for!" sigaw ni Farah sa akin.

"For participants. you can go backstage now, we will prioritize the guitarist and vocalist first because it is really difficult to find a good vocalists thank you." dagdag ni Mr. Agustin.

Fall for you (on-going) Where stories live. Discover now