Kabanata 18
"Girl, ayos ka lang ba? kanina ka pa tulala d'yan e!" ani Adley habang nasa loob kami ng cafeteria dahil hinihintay si Farah.
"Ayos lang ako may iniisip lang." sagot ko kaya lumipat sya sa tabi ko at inakbayan.
"Ano naman? Lalaki ba ya'n? Share mo naman!" aniya pa at nakangiting tumingin sa akin kaya inirapan ko sya. Mukha talagang lalaki psh.
"Hindi, Adley." magsasalita pa sana s'ya kundi lang dumating ang mga kasama n'ya sa Theatre Art kaya nginisihan ko nalang s'ya na isa isang niyayakap ang kasamahan.
"AC!!!! si Adley nasaan?" ani Farah pagdating kaya nginuso ko sa kanya si Adley na abala sa kasamahan.
"May demonstration kami ngayon sa major namin tara na!" aniya kaya binalingan ko si Adley na abala pa din.
"Adley girl, papasok na kami dya'n ka nalang ba?" tanong ko kaya nakatinginan ang mga kasamahan n'ya bago bumaling sa akin. Oh shit! Mukhang iba ang pagkakaintindi nila, hindi ganon ang ibig kong sabihin!
"Uhm I mean una na kami ni Farah?" ulit ko kaya natawa si Farah at tumalikod na.
"No sasabay na ako malapit na start ng class!" aniya at bumaling sa mga kasamahan. "Guys sorry, Kitakits nalang sa practice!" sabi niya bago kami umalis.
"Hindi naman ako papasok sa room, may practice kami right?" sabi ko sa kanya.
"Hanggang kailan practice n'yo?" singit ni Farah.
"Idk siguro 3weeks? Before the intramurals" sagot ko at binalingan si Adley na nakabusangot.
"Bakit na naman?" tanong ko.
"Lagi kang wala eh, ako tuloy lagi napagiinitan ni Mrs. Gonzales." reklamo n'ya kaya natawa ako..
"Ikaw din naman!" sabi ko at natatawa s'yang tinignan.
"Anong ako? Puro weekend lang kaya practice namin kaya walang ligtas!" aniya.
"Tss ang drama mo bitch kaya mo yan panlalalaki nga nagagawa mo eh. Una na'ko girls byeeee maya nalang!" ani Farah at tumakbo na takot na baka batuhin pa siya ni Adley.
Hinatid naman ako sa studio ni Adley kung saan kami magp-practice ngayon sigurado na ako do'n!
"Oh pasok na ako kita nalang mamaya!" aniya at niyakap na ako.
"Uhm baka kasi hindi ako makasabay sa inyo eh" sabi ko kaya napakunot ang noo nya. May itatanong pa sana s'ya kaso tumunog na ang bell hudyat na maguumpisa na ang klase.
"Just call me later byee!" sigaw n'ya at nagmamadaling umalis.
"May lakad ka mamaya?" sulpot ni Jaru na nasa likuran ko.
"So what?" mataray kong baling sa kanya bago sya nilagpasan.
"Sungit mo naman, naglilihi ka ba?" tanong n'ya at sumunod na sa akin sa loob.
"Goodmorning AC!" bati ni Dennis kaya nginitian ko lang sya bago nilingon si Jaru.
"Shut up!" ani ko at tumalikod ulit sa kanya. Laking pasasalamat ko nalang din at dumating na si Mr. Agustin kaya natigil na sya sa kanyang pangungulit.
Seryoso at istrikto si Mr. Agustin maghapon kaya seryoso din kami sa aming pag-eensayo hanggang sa matapos na kami. Medyo natagalan ang araw namin ngayon kumpara kahapon kaya papalubog na ang araw nang matapos kami.
YOU ARE READING
Fall for you (on-going)
RandomWhat if you are destined to marry the cousin of the person you want? Paano kung nahulog ka sa maling tao, maiitama mo pa ba ito? ACA✨