Hinila ko na palabas ng kwarto si Recca. Masyado na kaming naging ma-drama sa loob. I look at him, at mukha pa rin siyang babae sa paningin ko. Mukhang hindi pa siya okay. I hold his hand. "Recca, what do you want? I will make something for you. Tara baba tayo." Hihilahin ko na sana siya pero hindi ito gumalaw at hinila pabalik ang kamay niya kaya nabitawan ko siya."No, it's okay Miss Defne. Thank you for listening to me and giving me some advices. I will take it to my heart and I will never ever forget your kindness." He even bowed gracefully in front of me. Tinaasan ko siya ng kilay at mariin na hinawakan sa braso.
"Sasama ka sa'kin sa kusina at hindi ka tatanggi doon. Kaya tara na." I said while smiling, pero may halong pagbabanta ang boses ko. Hindi siya sumagot pero nang hinila ko siya ay hindi na siya tumutol. Pababa na kami ng hagdan ng makita ko ang mga kalalakihan na nagkukumpulan sa may sala.
"Oi, ano yan? Nanunuod kayo ng porn?" Tanong ko sa kanila. Agad namang naisara ni Giovanni ang laptop na naka-upo sa sahig at nakaharap sa laptop mismo.
"Fvck! Baka masira laptop ko g'ago ka!" Binatukan ni Seven si Gio at marahas na kinuha ang laptop nito. Napatingin silang lahat sa amin.
"Nanunuod lang kami ng sugal / Naglalaro kami ng Y8 / Omegle lang kami." Nagtataka ko silang tinignan dahil iba-iba sila ng sagot. Pero pare-parehong seryoso ang mga mukha nila at walang halo ng pagbibiro. But I can sense that they are lying, dahil obvious naman, maybe they are doing something confidential.
Napadako ang tingin ko kay Primo na hindi nagsalita at tahimik lang na nakatingin sa'kin habang umiinom ng can beer. I suddenly remembered what happened earlier, I feel the frustration runs in my body. I closed my eyes to calm myself.
"Seven, na-trace mo na ba si Kalen?" Napamulat ako ng marinig kong magsalita si Primo. Binuksan ni Seven ang laptop at kung may anong pinipindot doon.
"Yep. She's still on the exact location simula kanina, to her favorite restaurant, sa Sincerely yours." Napatitig ako kay Seven dahil sa sinabi niya. Sincerely Yours? I suddenly remembered Sin. Or coincidence lang?
"Doon? Diba sarado na iyon at hindi na magbubukas pa? Sayang nga masarap pa naman mga pagkain nila doon." Marcillus said as he check his phone.
"Kahit sarado iyon, maganda kasi ang tambayan sa tabi ng restaurant na iyon. Lalo na kapag gabi na" Sagot ni Seven habang tinititigan nito ang laptop niya.
"Rebecca, ayos ka lang ba?" Tanong ni Aziel habang nakatingin sa likod ko kung saan nakatayo si Recca. I look at my behind, and there's no expression on his face.
"Ayos lang ako. Aalis na lang muna ako para mag-grocery. Marami kasing kulang dito sa bahay." He simply said in his flat voice.
It looks like he is really inlove with Kalen. Kahit na hindi ko alam ang feeling na iyon. Lumapit ako sa harapan niya. Napansin ko ang unti-unting paglaki ng mga mata nito at ang pag-awang ng mga labi niya. Nagkaroon ng emosyon ang mukha nito. He is looking at my behind. Sinundan ko ito ng tingin. At hindi ko ito inaasahan.
Nagkaroon ng katahimikan sa amin. I look at Giovanni and he's also looks surprised. Si Primo na mukhang walang pakialam kanina ay ngayon ay hindi na. Magkasalubong na naman ang mga kilay nito, may binulong pa dito si Cree pero walang nagbago sa expression nito. Ang iba naman ay tahimik lang habang nakatingin sa mga nangyayari.
YOU ARE READING
Her Only Prime
RomanceWARNING: SPG | R - 18 | Mature Content Started: May 3, 2020 On-going FOLLOW ME FOR MATURE CONTENT Primo Castelferrato Levi-Monfalcone. A mysterious man. They are afraid of him. They hate him. Nobody cares about him, but why is he still powerful and...