Chapter Eleven

541 35 11
                                    

JELAY POV

"Maligo ka na o papaliguan kita?" sobrang lapit ng muka nya sakin at kitang kita ko ang mga mata nyang nakatutok sa mga labi ko.

Hindi ako makapag salita. Hindi ko alam gagawin ko.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa nya tsaka yumuko.

"Sorry. Maligo ka na. Paghahanda kita ng makakain" hindi pa rin ako makapag salita hanggang mawala na sya sa paningin ko.

Hindi mapirmi ang puso ko. Nagwawala pa rin ito.

Sinunod ko ang utos nyang maligo na.. Paglabas ko kwarto ay nakahanda na rin ang mga pagkain.

"Kaoni.." tinawag ko sya at maya maya lang ay lumabas na rin sya ng kwarto nya.

"May kailangan ka pa?" tanong nya sakin ngunit hindi sya makatingin ng deritso.

"Kain na tayo" aya ko sa kanya dahil parang wala syang balak samahan ako

"Ikaw na lang muna. May ginagawa ako sa loob. Tawagin mo ko kapag tapos ka na, ako magliligpit ng pinagkainan mo" pagkatapos nya sabihin yun ay muli na syang pumasok sa kwarto nya.

Nagkibit balikat na lang ako at sinimulan na ang pagkain.

Habang kumakain ay nakarinig ako ng sigaw mula sa kwarto ni Kaori at malakas na tunog ng bagay na parang binato.

Agad akong kumatok sa kwarto nito.

"Kaoni" tumahimik naman ang ingay sa loob at maya maya ay binuksan nya ang pinto

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tingin ko sa kanya. Hindi nya talaga ako tinitignan

"Sorry na. Galit ka ba sakin? Promise di na ako mangungulit." baka nagalit sya sa pang-aasar ko kanina.

Nagbabakasakali lang naman na baka nagseselos nga sya.

"Hindi ako galit. Tapos ka na ba kumain?" sobrang cold ng pagkakatanong nya sakin. Ito na nga ba sinasabi ko kapag nagparamdam ako sa kanya posibleng masira pagkakaibigan namin.

I really should know my limit.

Umiling iling ako tsaka hinawakan kamay nya

"Samahan mo ko kumain. Malungkot kumain mag-isa" bumuntong hininga naman sya tsaka ako inalalayan pabalik sa dining.

Tahimik kaming kumain ng haponan. Hindi nya talaga ako tinitignan kahit kung ano ano na kinuwento ko sa kanyang nakakatawa.

Pagkatapos kumain ay hinatid nya ako sa kwarto ko. Lalabas na sana sya pero hinawakan ko ang laylayan ng damit nya.

Lumingon naman sya sakin ngunit mabilis ding tinanggal ang tingin nya sakin.

"Bandage" nakalabing sabi ko.

Tahimik syang kumuha ng bandage at nilagyan ang paa ko.
Pinagmamasdan ko lang sya habang maingat nya itong ginagawa.

Ang ganda talaga ng Bestfriend ko. Ang swerte swerte ni Dianne kasi sya ang pinili ni Kaori. Napalambing, napaka-maalaga, napaka-maalalahanin medyo may topak nga lang hihihi.

Napangiti naman ako sa isiping yun.

Pagkatapos nya lagyan ng bandage ang paa ko ay inayos nya ang unan ko.

"Matulog ka na ha?" aalis na sana sya pero hinawakan ko ang kamay nya tsaka sya hinila palapit sa akin.

Niyakap ko sya ng maghigpit.
"Thank you Kaoni ko.. Wag kang magpapagod sa akin ha?" tinapik tapik nya ang braso ko kaya niluwagan ko pagkakayakap sa kanya. Dinala ko ang mga kamay ko leeg nya.

Why Not Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon