Sobrang kahihiyan ang binigay sakin ni Jelay pero tanggap ko naman. Narealize ko na binalik nya lang sa akin ang mga nasabi ko sa kanya.
Napag desisyonan kong HINDI kalimutan iyon dahil HINDI iyon pagkakamali lamang. At lalong HINDI yun walang ibig sabihin.
Papalampasin ko ang ginawa nyang iyon.
Maaga ako gumising dahil halos hindi naman ako nakatulog. Maaga ko syang pinagluto.
Lumabas sya ng kwarto na pupungay pungay pa ang mata na pinupunasan yun habang nahikab.
"Good morning" masayang bati ko sa kanya. Tinitigan lang nya ako at walang ganang dumiretso sa ref para kumuha ng tubig.
"Kumain na tayo.. Pinagluto kita" lambing ko sa kanya
"Sa labas na ako kakain" sagot nya na kinainit ng ulo ko.
Maaga ako nagising para ipagluto sya tapos di nya kakainin.
"Di ka lalabas dito ng hindi kinakain ang luto ko!" ma-awtoridad kong pahayag
Tinitigan nya ako at pinagtaasan ng kilay. Nagsusukatan kami ng tingin ngayon
"Fine" pag suko nya na palihim akong napangiti.
Naupo sya sa hapag at masaya naman akong pinagsilbihan sya.
Nilapag ko sa tabi ng plato nya ang kape na tinimpla ko para sa kanya. Pinagsandok ko sya ng kanin at ang paborito nyang Buttered shrimp.."Kakain ko lang nito kahapon." turo nya sa Buttered Shrimp.
"Edi kainin mo ulit. Favorite mo yan diba?"
"Ayuko. Nagsasawa ako." napabuntong hininga ako
"I'll cook for myself" akma syang tatayo ng pigilan ko sya
"Ako na. Ano ba gusto mo?"
"I want tinola." gusto ko syang irapan sa request nya dahil medyo matagal lutuin yun dahil sa papaya pero wala naman akong magagawa. Inaamo ko sya.
"Righy away baby kigwa" nginitian ko sya at kumuha na ng ingredients sa ref.
Nag-Kape na lamang sya habang hinihintay ang niluluto ko.
Napansin ko na bago ang cellphone na ginagamit nya at parang may katext sya na ngingiti ngiti pa sya. TskPagkatapos ko magluto ay kumain agad kami. Di sya nagsasalita at maya maya ang hawak nya sa cellphone nya na para may nirereplyan.
"Kumain ka muna" utos ko sa kanya na tahimik na sinunod naman nya.
Pagkatapos kumain ay naghanda na kami para sa pagpasok namin. Pinilit ko syang isabay nya ako sa school. Di naman sya naka-hindi sakin.
Masaya ako na kahit cold sakin si Jelay ay hindi nya pa rin ako nagagawang balewalain. Napapasunod ko pa rin sya sa mga gusto ko.
Habang nasa klase ay nagkareceive ako ng notification from twitter.
Jelay Pilones tweeted for a while.
Mabilis kong binuksan yun.
BINABASA MO ANG
Why Not Me?
FanficIt's good to have a Bestfriend until you fell in love and BEST wasn't enough anymore. FAN FICTION. KATHANG ISIP.