Chapter Fourteen

495 37 9
                                    

Kakalimutan na kita
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo
Napagisipan mo na ba
Dahil kakalimutan na kita

Ito na

Kakalimutan ko narin
Mga sinabi mong wala palang ibig sabihin
Pati narin ang 'yong ngiti
At mga luha sa 'yong paghikbi

Ito na

Buburahin na sa isip
Ang hugis ng iyong mga mata sa 'yong pagtawa
Kung pano ka ba manamit
Pati kung pano ka ba umidlip

Ito na

Hindi ko alam kung nasaan na ako. Basta umalis na lang ako sa hotel at nagdrive. Palayo sa lahat.

Walang makakasagip ng nararamdaman ko ngayon. Tanging sarili ko lang.

Nagising ako sa isang resort dito sa Pagudpud.
Tahimik ang lugar wala gaanong turista. Medyo malamig ang simoy ng hangin at nakakarelax.

Nagsuot lang ako ng gray sports bra with black cycling and put a sheer cover up on it na nasayad sa buhangin ang haba.

Naglakad lakad ako sa tabing dagat, ng may makitang malaking bato ay napagdesisyonan kong maupo dun.

Napansin kong vibrate ng vibrate ang cellphone ko. Kagabi pa kung sino sino tumatawag sakin.
Tiningnan ko ang screen ng phone at nakita kong si Ate Ailyn ang natawag. Tss

Sa irita ko ay marahas kong binato sa malayo ang cellphone..
Nanlaki ang mata ko ng may biglang umahon sa pinagbatohan ko at nakahawak sya sa kanya ulo. Natamaan ko ata sya..

"Sino nag bato nun?!" galit na tanong nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sino nag bato nun?!" galit na tanong nya.

May itsura sya pero mukang masungit. Tss

Syempre nagpatay malisya ako. Nagtingin tingin sya sa paligid habang ako'y nag-iiwas ng tingin.

"Hey! Sayo ba ito?" tanong nya sakin at pinakita ang cellphone..

"Ha? H-hindi. Hindi akin yan" pag mamaang maangan ko.

Nilagay nya ang isang kamay sa bewang at ang isang kamay na hawak ang cellphone ko ay tinapik tapik nya sa kanyang muka na wari'y nag-iisip..

Biglang nagvibrate ang phone na kinagulat nya.

Yawa! Nagana pa pala yan.

"Uy! May natawag.. Kaoni ko." basa nya sa screen na kinagulat ko.. Bigla kong naramdaman na naman ang pagsikip ng puso ko.

"Sagutin ko kaya?"

"Wag!!" mabilis na tutol ko na kinatingin nya sakin.

"Bakit? Akala ko ba hindi sayo ito? Baka itong natawag ang may-ari, sasagotin ko." akma nyang pipindotin ang answer button ng agawin ko sa kanya ito ng marahas.

Why Not Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon