KAORI POV
Hindi ko alam bakit kami humantong sa ganito. Saan ba ako nagkamali? May binigay ba akong motibo sa kanya para mahulog sya sakin?
Sumobra ba ako sa linya ng pagkakaibigan namin?
Mahal ko si Jelay pero bilang kaibigan lang yun. Hanggang dun lang yun.Kung nagseselos man ako kay Ashley dahil di lang ako sanay na may ibang malapit kay Jelay, na may ibang nag - aalaga at nagpapasaya sa kanya..
Kung sobra ko man alagaan si Jelay dahil Bestfriend ko sya.. Mahal ko sya na parang kapatid ko.
Hindi ko alam paano pa kami maayos gayong sinabi nya sakin na hindi nya na kayang maging kaibigan ako.
Maisip ko pa lang na walang Jelay na mangungulit sakin araw araw sumisikip na dibdib ko.Yung mga ngiti nya ang kumukumpleto sa araw ko, yung mga kwento nya ang nagpapawala ng pagod ko, yung mga haplos nya nagpapagaan ng buhay ko.
Miss na miss ko na sya. Simula ng gabi ng Party nya ay tatlong araw na syang hindi nagpaparamdam kahit kanino samin.
Kinausap ko si Ashley pero di nya rin daw alam kahit sila ate Ailyn nag-aalala na dahil hindi rin daw nagpaparamdam sa kanila.
Hindi ko alam kung totoo sinasabi nila o tinatago nila sakin si Jelay dahil alam nilang ako ang dahilan ng pag-alis nito.
Kahit sa training ng Volleyball ay wala sya, hindi rin sya napasok sa mga klase nya.
Baby kigwa, asan ka na ba?
Halos di na ako makakain at makatulog kakaisip kung saan sya nag punta, kung ayos lang ba sya. Mababaliw na ako kakaisip.
Mabuti na lang andiyan si Dianne kahit papano ay dumadamay sakin.
Nakausap ko na siya..
Sinabi ko na ang totoo. Sinagot ko lang naman sya dahil nahihiya ako sa pamilya nya at ayukong mapahiya sya sa harap ng mga tao.
Sinubukan ko syang mahalin dahil sa totoo lang ay may naramdaman din naman ako para kay Jelay pero nilabanan ko ito dahil ayukong isugal ang pagkakaibigan namin.
Hindi ako sumugal pero bakit natalo pa rin ako?
Nung una ay hindi pumayag si Dianne. Dinadahilan nya pa ang Mommy nya na nasa Ospital na hindi daw magugustuhan ng Mommy nya kapag nalaman na hiwalay na kami.
Napamahal na ako sa pamilya ni Dianne. Mabubuti silang tao pero gusto kong maging totoo na kay Dianne.
At kung nagseselos sa kanya si Jelay ay kailangan ko syang layuan para hindi si Jelay masaktan.
Mahal na mahal ko ang Bestfriend ko na handa kong gawin o ibigay ang lahat sa kanya.
Pagkatapos ng klase ko ang dumiretso ako sa Volleyball Training, nagbabakasakali na umattend si Jelay dun.
"Andito ka na naman? Wala dito Bestfriend mong iresponsable" salubong sakin ni Reign.
Galit sya sakin kasi nakipag break ako sa kapatid nya. Iniisip nya rin na si Jelay ang dahilan nun dahil akala nyo ay may gusto ako kay Jelay.
"She's not here" malumanay naman na ani ni Ashley. Hindi ko na talaga sila kailangan tanongin dahil sa tatlong araw na pabalik balik ko dito ay si Jelay lang naman hinahanap ko.
"Hindi pa rin ba sya nagtetext o tumatawag sayo?" umiling si Ashley sa tanong ko.. Nanghihina naman akong tumango
"I told you hundred times, pag nalaman ko kung asaan si Jelay sasabihin ko agad sayo" nahihiya naman akong tumango kay Ashley. Nakukulitan na ata sya sakin.
BINABASA MO ANG
Why Not Me?
FanficIt's good to have a Bestfriend until you fell in love and BEST wasn't enough anymore. FAN FICTION. KATHANG ISIP.