Chapter Twelve

542 30 13
                                    

Hindi ko kinayang umuwi sa amin at makita si Kaori. Sinama ako ni Ashley sa bahay nila.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Namamaga ang maganda kong mata. Hays.

"Good morning" dahan dahan pumasok sa pinto si Ash na may dalang food tray.

"Pasensya na di ako marunong magluto. Si Yaya Coring nagluto nyan." nahihiyang saad nya habang ngumingiti ng alanganin.

Napansin ko ang isang pirasong rosas sa tabi ng pagkain.

Hindi ko alam anong meron sa mata ko, kusa na lang lumuluha.

Nakita nya naman ito at agad nya akong dinalohan.

"Sshhh.. Why are you crying?" pinunasan ko ang luha ko..

"Pangit na ba ako? Namamaga na mata ko" umiling iling naman si Ashley pero pakiramdam ko di sya nagsasabi ng totoo.

Ang pangit ko na.

"Sinasabi mo lang yan kasi kaibigan mo ko"

"No. You're so pretty kahit namumula ang ilong mo at ang gulo gulo ng buhok you're still beautiful. But your eye's don't suit your pretty face. Stop crying"

Sinunod ko naman ang sinabi nya..
Nagsimula na akong kumain ng maalala ko na naman ang nakita ko kagabi..

Para akong tanga na umiiyak habang kumakain.

Nakakainis na mga luhang ito parang may sariling buhay.

"Jelay.. Fix yourself. We still have a class." bilin sakin ni Ashley kaya kumilos na ako.

Pagpasok sa school ay parang gusto ko na naman maiyak.

Potek na yan!! Valentines nga pala. Gusto ko na naman maiyak sa daming pulang puso, rosas at kung ano ano pang tanda ng pag-ibig sa paligid.

"Mag brebreak din kayo!!" sigaw ko dun sa couple na binigyan ng teddy bear nung lalaki ang babae.

Di naman nila ako maririnig kasi nasa loob ako ng kotse. Tss

Natatawa naman akong nilingon ni Ashley.

"Wag kang tumawa dyan!" bulyaw ko sa kanya na lalo naman syang natawa.

Chineck ko ang phone ko. Wala man lang text or call na galing kay Kaori. Nakalimutan nya na talaga ako. Nice

Pagbaba ko sa kotse ay rinig na rinig ko ang mga kantang pang Valentines na parang lalong pumapatay sa puso ko.

May mga nagbibigay din sakin ng bulaklak at kung ano ano pa pero wala dun ang makakapagpagaan ng nararamdaman ko.

Hinatid ako ni Ashley sa room ko at nagpasalamat naman ako sa kanya.

Habang nasa klase ay nakarinig kami ng malakas na tugtog sa labas. Malamang isa na naman sa pakulo ng mga corny na magjojowa.

Nagsilabasan naman ang lahat pati ang professor namin. Wala akong gana kaya nanatili lang akong nakayuko sa desk.

Narinig kong naghiwayawan ang mga studyante na parang kinikilig. Eww

"I LOVE YOU KAORI!!" sa narinig ko ay napukaw nun ang atensyon ko.
Sumilip ako kung saan nanggagaling ang tunog

"Tabi!" pagpapatabi ko sa lalaking nakaharang sa harap ko..

Nakita ko si Kaori napapalibutan ng mga nagkalat na petals sa paligid. Lumalapit sa kanya si Dianne habang nakangiti.
Inabot nito kay Kaori ang hawak nyang Bouquet of Red Roses.

Masaya itong tinanggap ni Kaori. Niyakap nya ito na agad tinugon ni Kaori. Nice

Bumalik na ako sa pwesto ko.

Why Not Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon