Muli kong tinext si Rhys upang makausap..
"What do you want now?! Hindi na ako pinupuntahan ni Jelay!" bulyaw nya agad sakin pero pinilit kong kumalma..
"Rhys, pinapunta kita dito hindi para makipag-talo..." medyo lumambot ang expression ng muka niya pero andun pa rin ang pagka kunot ng noo
"Gusto ko sana magpasalamat sayo. Sa pag-aalaga mo kay Jelay ng mga panahong wala ako.. Salamat din dahil sa mga sinabi mo noong huli nating pag-uusap ay marami akong narealize." hindi siya natingin sakin. Natanaw lang sya sa malayo at parang di ako pinagbibigyang pansin..
"Rhys, S-sorry. Sorry talaga sa nagawa namin ni Jelay. Hindi namin gusto manloko. Lalo na si Jelay, hindi ka niya gustong masaktan. Minahal ka niya ng totoo.." medyo nagselos ako ng sinabi ko yun ah..
Napalingon naman na si Rhys sakin.
"Sorry. Sana mapatawad mo kami, lalo na si Jelay."
"Totoo? Did Jelay really love me?" tumango tango naman ako sa tanong niya.
"Oo.. Nakita at naramdaman ko yun." pag-amin ko
"Hmm.. Sometimes knowing that they loved you back is enough to let go." pagka tapos nya sabihin yun ay tumayo na sya at umalis.
Napangiti na lang ako.. Magaan sa loob ang mapatawad ka. Hindi man nya sinabi ng deritso, alam ko napatawad nya na kami ni Jelay.
Sunod kong pinuntahan ay si Ashley..
"Kaori?" nagulat sya ng makita ako sa labas ng dug-out. Pinagpatuloy nya ang pag-Volleyball. Isa na syang kilalang personalidad sa bansa dahil sa pag-Volleyball.
"Hi?! I'm a fan! Can i ask you for a dinner?" ngumisi naman si Ashley sakin
"Ayuko sayo. Mas gusto ko yung jowa mo." i rolled my eyes sa sinabi niya. Hindi ko napigilan..
"Hahaha Kidding.. Let's go?" tumango naman ako at kumain kami sa labas..
"What's the deal all of a sudden?" tanong ni Ashley habang hinihiwa ang steak sa plato niya..
"I'm planning to marry Jelay."
"Oh? Hindi naman ako wedding planner." may halos irita at pagka pilosopo ang boses nya. May pagka maldita talaga ito
"Gusto ko lang bago kami mag-settle down ay ma-settle din namin ang past namin." ngumiti muna ako sa kanya bago tuloyang nagsalita
"Ang daming nadamay sa relasyon namin ni Jelay.. At isa ka na dun."
"That was from the past. Naka move on na ako"
"Alam ko. But i just want to thank you for everything. Pakiramdam ko hindi pa kita napasalamatan sa lahat ng nagawa mo para kay Jelay at para sa amin." huminto siya sa pagsubo at tumitig sakin
"May isang tao na nagsabi sakin na maraming mas higit at karapadat dapat para kay Jelay kaysa sa akin." ngumiti ako ng mapakla
"Tingin ko totoo yun.. Mas deserve mo si Jelay kaysa sa akin.."
"Kaori.." malungkot na tawag nya sa pangalan ko
"Salamat sa tulong at pag-aalalaga mo noon kay Jelay. Salamat sa pagpupuno nyo sa mga pagkukulang ko sa kanya. Sinisigurado ko sa inyo, bibigay ko lahat ng kaya ko para sa kanya." ngumiti si Ashley ng ubod ng tamis at hinawakan pa ang kamay ko.
"You deserve Jelay more than you know. And you two are very much Welcome. Don't forget to invite me in your wedding!" ngumiti naman ako sa kanya kasabay ng pag tunog ng cellphone ko..
Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makita ko ang tumatawag sa akin..
"I'll just answer it Ashley.." tumango naman sya sa akin.
BINABASA MO ANG
Why Not Me?
FanficIt's good to have a Bestfriend until you fell in love and BEST wasn't enough anymore. FAN FICTION. KATHANG ISIP.