Chapter Twenty One

664 33 6
                                    

"Good morning" tahimik akong naiyak ng batiin ako ni Jelay kaya agad akong nagpunas ng luha.

"Kao, naiyak ka ba?" pilit nyang tinitignan ang muka ko pero iniiwas ko yun

"Bakit ka naiyak?" halo halo ang nararamdaman ko. Basta pag-gising ko kanina at nakita syang nakayakap sakin bigla na lang akong naiyak.

Sobrang saya dahil sa wakas na pakawalan ko na nararamdaman ko sa kanya at nangangamba na baka sa una lang masaya ang lahat.

I just really can't afford to lose Jelay.

Pinilit nya akong i-angat ang muka ko.

"Bakit ka naiyak?" nagugulohang tanong  nya

"M-masaya lang ako. Sobra. Na nakakatakot na" pinunasan nya ang luha ko at hinalikan ako sa noo.

"Ssshhhh.. Mula ngayon hindi mo na kailangang matakot. Papasayahin kita araw araw. Mula ngayon bubuo tayo ng saya na walang limitasyon, yung saya na hindi nauubos, yung saya na hindi aakalain ng kahit sino."

You know just what to say
Shit, that scares me, I should just walk away

"Jelay.." mahigpit ko syang niyakap na tinugon nya ng mas mahigpit.

Hindi ko namalayan muli pala akong nakatulog.

Pag-gising ko ay wala si Jelay sa tabi ko. Nagmadali akong lumabas at napangiti ng makita syang nagluluto.

Ngayon na lang ulit sya nagluto para sakin kaya napangiti ako.

"Namiss ko luto mo!!" masayang yakap ko mula sa likod nya habang nagluluto siya.

"Hahaha ikaw e, tagal mong pumayag maging girlfriend ko." nilingon nya ako at kinurot ang pisngi ko

"Diba sabi ko sayo kapag pagod ka na tumigil ka na? Kasi ako naman manliligaw sayo"

"Hindi naman ako mapapagod sayo.. Masaya akong pinagsisilbihan ka" nakita ko naman ang pagngiti nya.

Ayiieh. Kinilig ang kigwa

Fried rice na may hotdog, egg at beans ang niluto nya. May mushroom soap din at marinated bangus

Ako naman nagtimpla ng kape namin.

Natawa sya ng ilabas ko ang baso na binili ko last week sa isang mall na nadaanan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natawa sya ng ilabas ko ang baso na binili ko last week sa isang mall na nadaanan ko.

"I'm well prepared for this. Hehe" nangingiting ani ko

"You know i don't like too sweet in my coffee.. And this is so sweet." kinikilig na ani nya tukoy nya sa baso.

Sabay kaming humigop sa kape habang tinititigan ang isa't isa.

This is too good to be true.

Dahil kalewete si Jelay ay nakahawak ang kaliwang kamay ko sa kanang kamay nya habang nakain.

Why Not Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon