Nanatili pa ako sa resort na pagmamay-ari ni Achi.
Sa kakulitan nya ay napilit nya akong ikwento kung bakit ako andito sa resort.Inaasar nya pa ako na di daw pala kami talo, akala mo naman papatusin ko syang yawa sya.
Mabait naman ang hambog na yun kaso mapang-asar. Tulad ngayon inaasar nya akong di marunong mag sagwan.
Nag-Iisland hopping kasi kami. Sobrang ganda dito. Wala akong masabi kahit papaano ay nalilimutan ko si Kaori.
Odiba? Kahit papaano lang kasi sya pa rin talaga laman ng puso't isip ko. Sama mo pa ang mata, nguso, ilong, tenga at lahat ng body parts.
Bigla na naman akong nalungkot. Dito sa gitna ng karagatan ko pa talaga sya maalala.
May problema ka ba, matutulungan ba kita?
Sa akin ay huwag kang mangamba
Ah haha, ah haha, ah haha, ah haha, ah haha la laNapangiti ako sa bigla nyang pag kanta. Lagi syang ganyan, biglang kakanta na tugma sa nararamdaman at iniisip ko.
Tandaan mo nalang ang sasabihin ko sa'yo
Ang pag-ibig kong ito'y
Di magbabago, kahit malayo ka sa piling ko
Umula't bumagyo, ayos lang,
Huwag kang mangangamba, ayos lang,
Kumusta ka mahal ko ok ba?
Sana'y di pa rin nagbabago"Dami mo alam" natatawa kong hampas sa kanya
"Nalulungkot ka na naman kasi. Tandaan mo last day mo na bukas dito pero parang di ka pa nakakahakbang miski isa" sabi ko kakalimutan ko na sya, sabi ko papalayain ko na ang damdamin ko sa kanya pero bakit ang kulit kulit ng puso ko.
Pinipilit na baka may pag-asa pa. This hope is killing me.
"Nagugutom na ako Jillian" pambabasag nito sa inisip ko. Lagi naman syang gutom
"Halika na, bumalik na tayo sa Resort" ilang minuto ay nakabalik na kami sa Resort.
Maraming mga bagong dating na Guest kaya inasikaso muna sila ni Achi. Nalaman ko na sa batang edad ay siya talaga nakapagpundar nito.
Nagsimula sa pagbebenta ng Bike nya pinang invest nya sa Stock Market at sinuwerte. Nagtayo sya ng restaurant hanggang nag tuloy tuloy na.
Dun ko narealize na wala pala akong maipagmamalaki sa kanya. Kahit gaano kalalaki mga hotels na pagmamay-ari namin ay wala naman akong ambag dun.
Natutunan ko rin maging practical. Di na ako lumalabas ng gabi na naka sleeveless dahil sinipon ako ng huling gabing nag sleeveless ako.
Pinakita ni Achi sakin ang mundo kung saan mag-uumpisa ka sa baba. Mag uumpisa kang nahihirapan.
Na kailangan mo munang paghirapan ang isang bagay kung gusto mong makuha iyon.
Nothing worth having comes easy.
Nabanggit nya rin sakin na may babae syang taga-Manila na nagustohan noon. Halos kaugali ko daw yun, maarte, makasarili, mainipin, spoiled brat at kung ano ano pang masasamang binato nya sakin.
Kaso matapobre ang babae.. Di nanggaling sa mayamang pamilya si Achi kaya iniwan sya ng babae. Nagsumikap sya para umangat sa buhay at naipundar nya ang napakagandang resort na ito.
Hindi simpleng resort pagmamay-ari ni Achi dahil sa arte kong ito di naman ako magChecheck-in sa pucho puchong Resort.
Kung ako dun sa babaeng nang-iwan kay Achi magsisisi akong pinakawalan ko sya..
Ngayon ang tumatakbo sa isip ko pagbalik ko ng Manila ay mag focus sa pag-aaral ko at sa Volleyball. Aayosin ko muna ang sarili ko hindi para kay Kaori o kanino pa man kundi para sa akin.
BINABASA MO ANG
Why Not Me?
FanfictionIt's good to have a Bestfriend until you fell in love and BEST wasn't enough anymore. FAN FICTION. KATHANG ISIP.