KAORI POV
Hindi ata alam ni Jelay kung gaano ako nag-alala sa pagbagsak nya kanina parang wala lang sa kanya ang nangyari. Ngiting ngiti pa sya.
Nang makita ko ang pagbagsak nya kanina ay hindi agad ako nakagalaw. Hanggang sa mawala sya sa paningin ko dahil napalibutan sya ng mga ka-Teammate nya.
Halos talonin ko ang bleachers o baka nga natalon ko ito makalapit lang agad sa kanya.
Nakita ko kung gaano sya namimilipit sa sakit nun.
Hindi ko alam ang gagawin ko, nanginginig ang katawan ko nun halos maiyak ako habang dinadala sya sa clinic pero heto sya't akala mo'y hindi nasaktan."I'll drive you home" aya samin ni Dianne.
"Hindi na. Dala ni Jelay kotse nya. Ako na magda-drive." hindi naman na sumagot si Dianne.
Hawak ni Jelay ang isang kamay ko habang ang isa naman ay ginagamit ko para haplosin ang buhok nya.
"Wag kang ngumiti dyan na kigwa ka. Pinag-alala mo ko"
"Tss.. I told you, ayos lang naman ako. I might miss 3 or 4 games pero ayos lang ako" mahal na mahal ni Jelay ang volleyball kaya kahit 1 game lang yan ang di nya malaro alam kong malungkot sya.
"Papasayahin na lang kita sa birthday mo." nagliwanag naman ang muka nya sa sinabi ko.
"Weh? Promise?" tumango ako at muli syang hinalikan sa noo.
You're still my baby.
"You can go home na.. Baka gabihin kayo sa daan" sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Dianne.
Kaya naman maglakad ni Jelay pero inaalalayan ko pa rin sya para di mapwersa ang paa nya.
Hinatid kami ni Dianne hanggang sa kotse ni Jelay.
Nasa loob na si Jelay ng kotse ng magpaalam ako kay Dianne."Aalis na kami. Salamat sa pagsama"
"You're spoiling her" nakita ko ang inis sa mata nya
"She's my best friend" nakita ko ang pag-irap nya.
"I'm you GIRLFRIEND but you never did that to me. You don't even kiss me. Kanina, hindi ko mabilang ilang beses mo syang hinalikan" inemphasize nya pa ang girlfriend.
"Dapat binilang mo" walang ganang sagot ko at nakita ko ang pag tangis ng panga nya.
"I'm serious Kaori" Kaori ha? No more honey?
"What's your point Dianne?" Sinilip ko si Jelay sa loob ng kotse. I guess, nagtataka sya bakit ang tagal ko pumasok.
"Feeling ko mas mahal mo sya kaysa sa akin"
"I do." hindi sya nakapag salita sa sinagot ko.
"Kung wala ka ng sasabihin aalis na kami. Kailangan na magpahinga ni Jelay" iniwan ko na sya at sumakay sa kotse.
Binusenahan ko pa sya kasi nakaharang sya sa dadaanan namin.
Tumabi naman sya at agad ko ng pinasibat ang kotse."Bakit parang galit si Dianne?" walang muwang na tanong ni Jelay. Para talaga syang baby. Hihihi
"Wala yun. Wag mong intindihin" hindi naman na sya nangulit pa sa akin.
"May iba ka pa bang gusto?" nakita ko ang pag-ngiti nya. Hindi ako magsasawa sa mga ngiti na yan.
"I want ice cream Kaoni ko" nginitian ko sya sa sinagot nya. Kulit talaga.
Nang tinanong ako ni Ashley kung ano gusto ni Jelay, ito ang secret na hindi ko sinabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Why Not Me?
FanfictionIt's good to have a Bestfriend until you fell in love and BEST wasn't enough anymore. FAN FICTION. KATHANG ISIP.