Chapter Twenty Five

463 30 6
                                    

"Good morning" nagising ako ng tinapik tapik ni Kaori ang muka ko.
Inaantok pa ako.

"Baby love, gising na ikaw. Umaga na" bulong nya sakin at nararamdaman ko ang mga mumunting halik nya sa pisngi ko.

Imbis dumilat ay niyakap ko lang sya.

"May pasok pa ikaw, baby love" dahan dahan ko minulat ang mata ko

"Love, di na muna ako papasok." namilog naman ang mga singkit na mata nya sa sinabi ko.

"Hindi pwede Jelay. Pumasok ka"

"Hindi ako papasok ngayon at bukas. Birthday mo na bukas diba? Salubongin natin Birthday mo ng magkasama. Dito ako hanggang Sunday. Sa Monday na ako uuwi" napa-isip sya sa sinabi ko

"Jelay... Hindi pwede, papasok din naman ako e" malumanay na sagot nya

"Hihintayin kita dito. Sige na Love, ngayon lang naman. Regalo ko na sayo yan at sa akin na din" pangungumbinsi ko sa kanya.

Namiss ko talaga sya at ayuko ng umuwi pa. Kung pwede lang

"Wala ka bang practicum? Baka maapektuhan grades mo." sa totoo lang ay may practicum ako mamaya at bukas pero kaya ko naman habolin ang hours at kapag sinabi kong meron di papayag si Kaori sa gusto ko.

"Wala. Hihihi" nakangiting sagot ko sa kanya at confident kong sinabi para di sya mag duda

"Osige. Ngayon lang Jelay ha?" pagpayag nya kaya naman ngiting ngiti ako.

"Pero kailangan ko ng kumilos may pasok ako."

Habang nakilos si Kaori ay pinagluto ko naman silang tatlo. Nagising si Lie sa amoy ng niluluto ko at naki usyoso.

"Wow. Mukang masarap yan ate Jelay. Akala ko tuwing Sunday ko lang matitikman luto mo. Dito ka na titira?" natawa naman ako sa tanong ni Lie kahit kelan ay ang daldal talaga nito

"Ngayon lang Lie. Sinabi ba ni Kaori sa inyo na Birthday nya bukas?" nagulat naman si Lie sa sinabi ko

"Hala! Totoo ate Jelay?? Hindi ko alam. Karina!!" tawag nito kay Karina na pupungay pungay pa ang mata

"Dito ka pala natulog Jelay." masayang bati nito sakin

"HOY Kare! Ako tumawag sayo e... Alam mo bang Birthday bukas ni ate Kaori?" tulad ni Lie ay nanlaki din ang mata nito.

"Weh??" sinenyasan ko silang tumahimik.

"Hindi mahilig maghanda yun pero gusto ko sya I surprise. Matutulongan nyo ba ako?" sumang-ayon naman sila at sinabi ko na sa kanila ang mga kailangang gawin.

Muntik pa kaming nahuli ni Kaori sa biglang pagsulpot nito.

"Bakit nyo pinagkakagulohan si Jelay dyan?" masungit na tanong nito na gumulat samin

"Tinitignan lang namin niluluto nya. Hehehe" sagot ni Lie dito na naupo na sa Sala. Sinundan naman sya ni Karina.

Lumapit sakin si Kaori at tinitigan ako ng masama.. Tss..

"Bakit? Kumain na kayo" pinitik nya naman ako sa tenga ko habang nag aayos ako ng hapag

"Diba sabi ko sayo, Ako lang dapat pinagluluto mo" kinamot kamot ko naman ang tenga kong pinitik nya

Nakakahiya naman kasi nakiki-luto ako tapos para sa kanya lang.

"Kain ka na Love.. Maya mo na ako pa galitan hehe" inirapan nya ako at nagsimula na rin kumain.

Sinabayan ko syang kumain. Bumabalik sa ala-ala ko ng mga panahong nasa iisang bahay pa kami. Araw araw at gabi gabi kaming ganito.

Nagmadaling kumain si Kaori dahil malalate na daw sya..

Why Not Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon