JELAY POV
Bakit kahit pilitin kong sabihing kalimutan na siya? Huwag ng umasa? Siya pa rin talaga?
Linggo linggo pa rin akong napunta kay Kaori, minsan twice o trice a week pa pero di ako nagpapakita. Sabi ko lang naman hindi ko sya gugulohin pero di ko sinabi na kakalimutan ko na siya.
Gabi gabi din siya hinahatid ng Attorney na yun.
Ano ba naman laban ko diba? Nurse lang ako.
Ang sakit makita na yung dating sayo lang ay hawak na ng iba.
Masakita pero masaya ako para sa kanya. Mukang mabait ang lalaki, mukang matino at di sya sasaktan.Masaya na akong panuorin siya mula sa malayo. Sa katunayan ay sa Ospital sa Nueva Ecija ako nagtrabaho para mapalapit kay Kaori. Wala na talaga akong ibang nakikita pang mamahalin ko kundi siya lang.
I deactivated all may Social Medias account after that night. I stop texting her or call her.
Here's my daily routine..
Duty sa umaga hanggang gabi kapag hindi hectic ang schedule at di kailangan mag Straight duty ay pupuntan ko si Kaori.After ko siyang puntahan ay magpupunta sa bar at mag-iinom para mabilis akong antokin at agad makatulog.
Pinapagalitan na ako nila Mommy pero hanggat nararamdaman ko pang mahal ko si Kaori patuloy lang ako sa ganitong routine.
Ako ay pinag palit at yun ay napakasakit. Alam ko sa sarili ko siya ang mas higit.
"Hey! Alone?" lapit sakin na isang kano na lalaki. Sanay naman akong may lumalapit sakin tuwing nag pupunta dito sa bar pero wala naman akong pinapansin. Di nila nakukuha interes ko.
"One cuervo please" ani nya sa waiter. Naupo sya sa tabi ko at tinitigan lang ako.
"You look familiar." alam ko na mga ganyang linyahan ng mga lalaki kaya di ko sya inimik.
" You came from Pilones Clan right? Having a well known 5-stars hotels and Advertising Buildings in our country?" akala ko ay hindi sya seryoso ng sinabi nyang kilala niya ako..
Nakuha nya ang atensyon ko at napalingon ako.
Di naman sya nakatingin sakin dahil saktong inabot sa kanya ang order nya na Cuervo.
Kinuha nya ang baso at dinilian ang asin na nasa paligid ng nguso ng baso. Mabilis nyang ininom ito at piniga ang lemon sa kanyang bibig.
"You don't look familiar to me" ani ko sa kanya..
Nilingon nya ako at ngumiti
"You never had an interest on business, that's why." tumango naman ako sa sinabi nya
"Your sister know me very well. I'm the Only son of Eugenio Builders." ahhh.. Eugenio Builders ang partner namin sa Construction. Lahat ng hotels at buildings namin ay sila ang nag-construct.
Hindi na ako umimik at muling iniinom ang masarap na Margaretta sa harap ko..
"Why are you here? Why you are alone?"
"Why are you bothering me?" masungit na tanong ko sa kanya..
"I thought we could be a good friends since our family have a perfect partnership. And you're a girl. You shouldn't be alone in this kind of place.. Here.." inabot nya sakin ang calling card nya..
Rhys Miguel Eugenio
"Call me if you need a friend." nakangiti nyang ani at muling ininom ang bagong serve na cuervo sa kanya.
Pinasok ko lang sa bulsa ng Jacket ko ang calling card na binigay nya. Wala naman akong balak tawagan sya.
BINABASA MO ANG
Why Not Me?
FanficIt's good to have a Bestfriend until you fell in love and BEST wasn't enough anymore. FAN FICTION. KATHANG ISIP.