Mas binuhos ko ang oras ko sa pag-aaral. Hindi ko hinahayaan mabakante ang utak ko dahil sa oras na wala akong binabasa si Jelay ang pumasok sa isip ko at di ko mapigilang umiyak.
"Ate Kaori, kumain ka na" andito lang ako sa kwarto nagkukulong.. Sinusunog ang kilay sa pag-aaral
"Wala akong gana Kare"
"Ate Kaori, di na pwede yan. Halos wala ka ng kain at tulog. Baka mapaano ka na talaga" pangaral nya sakin pero di ko pinansin.
Ewan ko. Kung may mangyari mang masama sa akin ay bahala na. Wala na akong paki.
Pinasok ako ni Karina at tinitigan ako ng masama.
"Kapag di ka kumain dyan tatawagan ko si Jelay! Sasabihin ko na di ka nakain" pananakot sakin ni Kare dahil alam nyang break na kami ni Jelay
"Ito na tatayo na" sa pagtayo ko ay bigla akong nahilo..
Nandilim ang paningin ko at wala na akong maramdaman.
----
Nagising ako na may humahaplos sa muka ko ng idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang mata nya na sobrang lungkot. Di ko na kailangan mag-isip halatang nasa ospital ako.
Niyakap nya ako ng mahigpit at dun muling bumuhos ang mga luha ko.
"Mommy!" pakiramdam ko ay isa akong bata muli. Umiiyak habang kalong kalong ng kanyang ina.
"Ssshh.. Kaori.. Ayos lang, andito ako." pag-aalo sakin ni Mommy.. Ang sakit sakit.
Masakit hindi ang dextrose na nakakabit sakin kundi ang isipin na wala na sakin si Jelay.
Natalo ako sa laban. Maybe i played my cards wrong. It's been a month ago.
"Gusto mo ba tawagan ko si Jelay? Papuntahin natin sya dito." gusto ko. Gusto kong pumunta sya dito baka sakaling kaawaan nya ako at bumalik sya sakin.
Gusto ko na alagaan niya ako. Gusto kong makitang nag-aalala siya sakin.
Gusto ko pero mas lamang sa akin ang ikakasaya nya at hindi na yun sa piling ko.
I hope Achi taking care of her. She deserves to be love. Hindi ko sinubukang makibalita. Hindi ko pa kaya makita syang hawak ng iba.
"Don't bother her Mom, i'll be ok. Ano sabi ni Doc?" tumigil na ako sa pag iyak at iniba ko ang topic.
"You're anemic and fatigue na din. Hindi ka kumakain ng maayos at hindi ka natutulog. Is it because of Jelay?" umiling ako kay Mommy.
"Mom, walang kinalaman ang break up namin ni Jelay dito. Ako ang nakipag break sa kanya" ayukong magalit si Mommy kay Jelay kaya sinabi kong ako ang nakipag-break dito. Sinabi ko na gusto kong mag focus sa pag-aaral ko.
Naniwala naman si Mommy pero sinabi nya rin sa akin na hindi naman hadlang si Jelay sa pag-aaral ko. I know Mom, she's my inspiration.
"Okay. Magpahinga ka na anak." hinalikan ako sa noo ni Mommy at muli akong pumikit.
Sa pagpikit ko ay nakita ko ang muka ni Jelay na nakangiti sa akin. Nakapikit ako pero naramdaman ko ang pag-agos ng luha sa pisngi ko.
---JELAY POV
"New years eve kiss." hindi ako nakasagot sa sinabi nya..
Kinabig nya ako palapit sa kanya at naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi nya sa labi ko.
Kasabay ng putokan ng paputok at mga fireworks..
Fireworks.. Napapikit ako at marahas na tinulak si Achi.
BINABASA MO ANG
Why Not Me?
FanfictionIt's good to have a Bestfriend until you fell in love and BEST wasn't enough anymore. FAN FICTION. KATHANG ISIP.