I

214 17 1
                                    

"Okay love, dahan-dahan lang. Just keep walking." Malambing na utos ng aking boyfriend habang inaalalayan niya ako dahil nilagyan niya ng piring ang mga mata ko. Ewan ko ba naman dito sa lalaking ito! Gustong-gusto na sinusurpresa ako! Napapangiti na naman ako tuwing iniisip na sinusurpresa ako ngayon ng boyfriend ko!

Sinunod ko na lang ang gusto niyang lumakad ako ng dahan-dahan. Ngunit matapos lang ng ilang saglit na paglalakad ay pinatigil niya rin ako.

"Can I take this blindfold now Love?"

"Yes Love." At bago ko pa matanggal ang blindfold ay ginawaran na niya ako ng saglit ngunit matamis at puno ng pagmamahal na halik sa noo. I smiled at the thought that he is not only a rich and handsome man, he is also respectful. I have nothing more to ask.

"Ikaw talaga! Chansing!" Sinabi ko ito pagkatanggal ng blindfold at hinampas siya ng mahina sa kaniyang dibdib. Hindi ko agad napansin ang nasa paligid ko sapagkat naipako ang paningin ko sa lalaking nasa harapan ko.

Napakaguwapo ng boyfriend ko! I feel so proud! Bukod ba naman sa kaguwapuhan ay napakatipuno din ng kaniyang pangangatawan. Ito ang dahilan kung bakit ako napalunok ng sunod-sunod at huminga ng malalim. Teka, bakit parang uminit? Sa pagkakaalam ko ay gabi naman na at nasa labas kami. At mas lalo pang napako ang atensiyon ko sa kaniya ng napatitig ako sa magaganda at malalalim niyang mga mata na animo'y ako lang pinakamagandang babaeng nakikita.

"Surprise Love! I hope you like it!" Naalis lamang ang tingin ko sa kaniya at patuloy na napatulala ng dumako ang aking paningin sa aking paligid. Hindi ko agad napansin ito dahil nakatingin lamang ako sa kaniya. Sa lalaking mahal na mahal ako. I can say this because it's my heart that dictates me.

We are along the swimming pool area. There are candles and roses shaped into a big heart, whereby inside of it are one table and two chairs facing each other. Then, a band playing the instrumental version of my favorite songs. The set up is perfect; the breeze of the night makes me feel the love. In spite the perfect moment, tears suddenly fall from my eyes, as if there is a race. Yumuko naman bahagya ang boyfriend ko at pinunasan ang nag-uunahang pagtulo ng aking luha.

"Didn't you like it Love?" Pagkataranta at lungkot ang nakita kong sumilip sa kaniyang mga mata ng sabihin niya ito.

"Should we go out for a date instead?" He is about to go but I hugged him from behind.

"No! Of course not! I love it so very much! It's fine if we stay here! My heart is just flattered! I am so surprised!"

Humarap naman siya at ngumiti ng malawak.

"My goal is to make the most special woman in my life happy." Hearing those words from him made me smile. A genuine smile which I haven't shown to anyone yet.

"Tara na nga't kumain. Masyado mo na akong pinapakilig, baka masanay ako niyan!"

"You should be accustomed to it Love, because you will experience this as long as I am alive and kicking." Ipinaghila niya ako ng upuan at inalalayang umupo. Matapos nito ay umupo na rin siya.

Hindi na lamang ako sumagot dahil sa sobrang kilig ko ba naman! Kumain na lang kami at napansin kong lahat ng nasa hapag ay ang mga paborito kong putahe. This man really knows me!

"May I have this dance?" Nakaluhod siya sa gilid ng kinauupunan ko ngayon. Bakit mukha siyang prinsipe? I am such a lucky lady because he is my prince charming. I hope this night won't end. I am just very happy.
Ngumiti naman ako bilang pagsang-ayon. Buong gabi yata akong matatahimik dahil sa walang mapaglagyang kilig sa dibdib ko! Kaunti na lamang ay sasabog na talaga ako.

Tinugtog naman ng banda ang kantang gustong-gusto ko, nang ikaway ng boyfriend ko ang kamay niya sa mga ito.

Now playing: Wonderful Tonight

It's late in the evening; she's wondering what clothes to wear
She puts on her make-up and brushes her long blonde hair
And then she asks me, Do I look all right?
And I say, "Yes, you look wonderful tonight

We go to a party and everyone turns to see
This beautiful lady that's walking around with me

Nilagay niya sa magkabilang gilid ng baywang ko ang kaniyang mga kamay habang ang aking mga kamay naman ay nakasiklop sa batok niya. I love this closeness between us. It feels like we are united, united by the authenticity of our love.

And then she asks me, Do you feel all right?
And I say, "Yes, I feel wonderful tonight"

"You look wonderful tonight Love!"

"Napakabolero mo talaga!" Tumigil muna kami sa pag-uusap at nagpatuloy sa pagsayaw na sumasabay sa ritmo ng kanta.

I feel wonderful because I see
The love light in your eyes
And the wonder of it all
Is that you just don't realize how much I love you
It's time to go home now and I've got an aching head
So I give her the car keys and she helps me to bed
And then I tell her, as I turn out the light
I say, "My darling, you were wonderful tonight
Oh my darling, you were wonderful tonight

Natapos na ang kanta at tumigil na kami sa pagsayaw. Alangan namang sumayaw pa rin kami ng walang tugtog di'ba? Tinanggal ko naman ang kamay ko sa kaniyang batok. Ayoko na sana e! Haha! Ngunit imbes na bumalik sa kinauupuan namin kanina ay nanatili pa rin kaming nakatayo. Ang mga kamay niyang kanina ay nasa baywang ko ay nasa akin ng mukha ngayon. Sa bawat haplos at dampi ng kamay niya sa balat ng aking mukha ay pawang nag-uupaw na pag-ibig ang aking nadarama.

"Happy First Monthsary Love! I love you so much!"

"I love you too!"

Nanatili ang titig namin sa mata ng isa't-isa na tila ay kami lang ang taong nasa lugar. Malapit na kami ngayon sa isat-isa ngunit mas lalo pang naglalapit ang aming mga mukha. Sa bawat paglapit ay siya ring pagkain ng kaunting distansya na naglalayo sa aming mga labi. Paano na ito? Pipikit na ba ako? Sa tana ng buhay ko ay ngayon lamang ako mahahalikan ng isang lalaki. First time ko ito kaya dapat memorable! OMG! Ito na! Ito na! Pinikit ko ang aking nga mata at naghintay sa paglapat ng kaniyang labi. But I suddenly fell on the ground and hit my head hard... Blood is running from my head yet I saw my boyfriend laughing hard, I cried and ended up dying...

"Ouch! Aray ang sakit! Nakakainis!" Nahulog ako mula sa papag na kinahihigaan ko at naiinis talaga ako sa napakasama kong panaginip. Walang ya! Ang ganda na sana e. Haha! Parang Fairytale na e! Hanggang panaginip talaga ay manloloko ang lalaki! Hay naku! Buti na lang at ang tatay ko ay hindi kagaya ng ibang kalalakihan sa panahon ngayon... Pero umaasa pa rin ako na may taong karapat-dapat para sa akin. Not now but soon.

Well, I don't need a perfect romantic relationship; a merely genuine love is enough. Always keep in mind that fairytales only exist in our imagination which are being shown on television; hence, always let the reality about love prevail.

The Laws of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon