"Rosetta! Hindi ka pa ba tapos magbasa diyan? Kain na tayo!" Napatingin naman ako sa orasan at napagtantong alas-otso na pala ng gabi. Napasarap ang pag-aaral ko a. Nagrereview kasi ako dahil may quiz kami sa apat na subject namin bukas. Malaking tulong din talaga na panggabi ang tatlo naming kasama dito sa room kasi tahimik. Kapag kasi kompleto kami dito ay parang talo pa ang world war II sa ingay. Although medyo maingay pa rin kasi kanina pa sumisigaw si Rhea dahil sa boyfriend niyang pinakikilig siya sa tawag at text.
"Kakain lang tayo pero ngiting-ngiti ka pa? Nakain mo girl? Atsaka hindi ka na naman nagreview! Sinasabi ko sa iyo Rhea a! Isusumbong kita kay Auntie May!"
"OA nito! Nagbasa naman na ako e no. Paano ba naman kasi ililibre niya raw tayo ng jollibee!"
"Ayoko sumama Rhea. Matutulog ako ng maaga."
"So, hahayaan mo na lang talaga ang kaibigan mo? Ha Rosetta?" Bakit may pagpapaawa siya? At bakit ako naapaektuhan ng pagpapaawa niya?
"Ikaw talagang babae ka. Ginagawa mo pa akong third wheel e!"
"Kasama naman niya iyong tropa niya sis! Guwapo din at single like you!"
"Wala pa sa isip ko iyang mga ganiyang bagay Rhea. Tsaka kahit pa ireto mo ako, hindi na magbabago pa ng isip ko tungkol sa pakikipagkasintahan na iyan."
"Oo na madam! Magbibihis muna ako a. Dapat maganda ako no!" Napairap na lamang ako sa kawalan. Napatingin naman ako sa sarili ko. Naka t-shirt at pajama lang ako pero hindi na ako magbibihis. Hindi naman ako makikipagdate e. Kakain lang naman, so ayos na ito.
"Hindi ka man lang ba magpapalit sis?"
"Hindi na."
"Kaya ka walang jowa e."
"Ok lang, hindi ko pa naman kailangan."
"Kahit magpaganda ka lang sana sis! Malay mo type ka pala ng tropa ni Vince ko."
"Ayos na ako dito Rhea. Lagi ko namang sinasabi sayo na hindi pa ako ready di'ba?"
"Kailan ka magiging ready? Kapag end of the world na?"
Nakakaloka itong si Rhea. Hindi naman niya sinabi na naka-single pala itong boyfriend niya. Malamang ay aangkas ako doon sa friend ng boyfriend niya! Alangan namang isingit ko iyong sarili ko sa kanila, edi nahulog na ako. Wala pa namang sasalo. Char! Well, magkakilala lang kami ng boyfriend niya at hindi kami close. Basta ang alam ko, one year na sila at road to forever na raw iyon. Iyon ang sabi ni Rhea. Ilang beses na siyang nasaktan ng mga nagiging boyfriend pero sige lang siya. Lagi niyaang sinasabi na YOLO (You Only Live Once)!
"Rhea, bat di mo naman sinabing naka-single pala sila?" Pabulong kong sabi kay Rhea para hindi marinig ng boyfriend niyang papalapit na sa amin.
"Hihi sorry sis! Alam kong hindi ka papayag e. Ayoko namang mag-tricycle ka baka mapaano ka pa."
"Peerrrooo--" Magproprotesta pa lamang sana ako ng nagtatalon na at akala mo ay kiti-kiting tumakbo si Rhea papunta sa boyfriend niya.
"Rosetta, si Vincent, boyfriend ko. Nagkita na kayo one time, remember?"
"A. Oo. Hello I'm Rosetta!"
"Hmm... Hello Rosetta! Kasama ko nga pala itong friend ko. Si Carlo. Gusto ka niya kasi talagang makilala." Bakit naman kaya? Why do I smell something fishy? Did they set me up on a date?
"Hi Carlo! I'm Rosetta! Nice to meet you." Imbes na mag-shake hands kami ay napakaway na lang ako sa kaniya ng Hi. Medyo nahihiya kasi ako. Feeling ko talaga sinet-up ito ni Rhea e. She really wants me to have a boyfriend already. Kesyo hindi na raw ako bumabata. E bakit ba di'ba? 21 pa lang naman ako ayyy!

BINABASA MO ANG
The Laws of Love
Roman d'amourArcane Loxias Marcos is the perfect example of superb masculine countenance, wealth, and resounding success. As an engineer and an attorney, he is a genius bachelor who knows almost everything; however, in love, he knows nothing. But as a first-time...