XIII

55 10 2
                                    

"Uy! Rhea! Ang guwapo ng lalaki doon sa baba!"

"Oo nga sis! May hinahanap ata o hinihintay! Kanina pa kasi ata 'yon sa labas kaya pinapasok ni ate doon sa lounge."

"Shet! Nakaihi ata ako sa kilig!"

"Mukhang mayaman!"

"Model ata!"

"Mga gag* kapag kayo pinagtri-trip-an ninyo ako, ililibre niyo ako ng milktea!"

"Gora ka girl! See it by yourself!"

"To see is to believe!"

Hindi ko alam kung bulungan ba o sigawan na ang pag-uusap nitong mga ka-dorm ko. Nagising na lamang kasi ako dahil sa mga boses nitong matitinis. Parang kinikilig ang mga babaita.

Gising na ang aking diwa ngunit nakadapa at nakapikit pa rin ako sa higaan. Alam kong tanghali na pero gusto ko pa talagang matulog. 'Dibale at linggo naman kaya ayos lang.

"Hmmmm... Ayoko pang bumangon Rhea. Antok pa ako."

Niyuyogyog na ako ni Rhea para lang bumangon ngunit ayaw pa ng katawan ko. Maaga pa naman noong natapos ang pag-uusap namin ni sir sa cellphone pero antok na antok pa rin talaga ako.

"Bruha ka! Andiyan ang yummy boss mo!"

"A si sir... ANO? SI SIR ARCANE?" Bigla naman akong napaupo mula sa pagkakahiga dahil sa gulat. Sa pagkakaalala ko ay wala naman kaming usapan na magkikita kami o papasok ako a?

Humiga ako ulit kasi baka hindi naman ako ang sadya niya. Pero sino naman kaya? Sabi ni Ate Mareng (landlady namin) ay puro babaeng estudyante lang ang nagre-rent dito. O GOSH! Hindi kaya may nobya si sir dito? Well, hindi na ako magtataka, ang dami kayang magagandang dilag sa IBA STATE UNIVERSITY!

"Bakit ka pa nahihiga aber? Hindi mo ba pupuntahan?"

"Baka hindi naman ako 'yong sadya Rhea. Wala naman kasi kaming usapan."

"Imposible! Check mo nga 'yong phone mo!"

"Pe-"

"Walang pero pero!"

"Sabi ko nga."

Agad ko namang kinuha ang phone ko mula sa ilalim ng aking unan. Pero bago ko pa man mabuksan ito ay pinalibutan na ako ng mga usisera kong roommates.

"Boss mo pala 'yong Greek God sa baba?"

"Tangna! Ipasok mo naman ako sa trabaho mo! Bakit siya nandito?"

"Kung ako may boss non, magpapabuntis na ako Rosetta! SANA ALL MAY SUMUSUNDO!"

Ilan lamang 'yan sa mga sinabi nila sa akin pero si Rhea na lang ang sumagot kasi kailangan ko pang i-charge ang lowbat ko pa lang cellphone.

Hindi ko talaga ginagamit ang cellphone ko kapag nagtsa-charge ito pero kailangan ko talagang malaman kung may text ba si sir o wala.

I'll fetch you @ 9:00 am.

Patay! Lagot talaga ako nito! Ayaw na ayaw pa naman nito ng nahuhuli. Alas diyes na ng umaga!

Matapos mabasa ang mensaheng kagabi pa pala pinadala ni sir, ay kumaripas na ako ng takbo.

"Hoy! Uso magsuklay!"

"Tsaka mag-tooth brush!"

Pahabol na paalala ng mga roommates ko pero hindi na ako nakasagot pa. Sino ba namang maiisip pang magsuklay sa ganitong sitwasyon?

Daig ko pa ata si Flash dahil sa bilis ng aking pagtakbo. Takbo lamang ako ng takbo at mas lalo pa itong binilisan ng makitang totoo ngang narito si sir. Nakatayo ito at seryosong nakatingin sa gawi ko. Lord! Kayo na pong bahala!

The Laws of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon