VIII

52 10 0
                                    

"Good afternoon po!" Binati ko agad ang tila mayor doma ng mansiyon na ito. Napagitnaan naman siya ng dalawa pang kasambahay.

"Magandang hapon din madam Ganda!"

"Hala, Rosetta na lamang po ang itawag niyo sa akin ate."

"Napakaganda mong bata Rosetta. Halika at ito-tour kita sa opisina ni sir at sa magiging opisina niyo ni Cassie. Sunod ka lang sa akin 'nak."

"Cassie po ba ang pangalan ng secretary ni sir?"

"Oo hija."

"Mabait po ba siya? Magkakasundo po kaya kami?"

"Mag-iisang buwan pa lang kasi sila dito ni sir Arcane e. Hindi talaga dapat mag-i-stay dito si sir kaso may nakita siyang dahilan para manatili dito."

"Ibig sabihin po ba ay bago pa lang na secretary ni sir si ma'am Cassie?"

"Hindi hija. Pinasunod ni Arcane si Cassie. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ni sir e. 35 years old na siya pero walang asawa."

"Dito po ba siya nakatira?"

"Naku hindi hija. Nangungupahan siya, malapit sa bayan."

"Hmm... Manang may relasyon po ba sila? Hehe natanong ko lang po baka po kasi alam mo na po magselos po ganun."

"Naku hindi hija. Magpinsan sila. Tsaka hindi agad-agad nagkakagusto si Arcane ng kung sino-sino."

"Ilang taon na po kayo dito manang?"

"27 years na hija. Ako na ang naging pangalawang ina ni Arcane. Nalayo lamang siya sa akin ng mag-aral siya ng hayskul sa ibang bansa at doon naisipang tumira."

"O narito na pala tayo sa opisina ni Arcane. Nakabisado mo ba ang daan?"
Nakabisado ko nga ba? Malawak kasi ang mansiyon at kailangan pang gumamit ng sosyal na elevator para makarating sa opisina ni sir na nasa third floor pa.

"Opo manang. Nandiyan po ba siya?"

"Wala siya ngayon e. Pero nandiyan naman si Cassie na mag-a-assist sa iyo. Kung may tanong ka man. Mamaya na kita i-tour diyan sa opisina ng sir mo. Punta muna tayo sa opisina ninyo ni Cassie."

Kumatok naman si manang sa kabilang pinto na malapit-lapit din sa opisina ni sir. Bale sakop ng dalawang kuwarto lamang ang ikatlong palapag na tinatayuan namin. Marahil ay malaki talaga ang opisina ni sir. Noong nakaraang nagpunta ako roon ay napakarami talaga ng libro. Parang gusto ko na nga tumira doon sa dami e. Pero at the same time parang ayaw ko rin kasi intimidating ang presence ni sir!

"Come in."

"O manang kayo po pala. Ano pong kailangan niyo?" Masayang bati ng babaeng maganda pero nerdy. Kung hindi siya nakasalamin at balot na balot ay mas maganda pa sana siya. Pero maganda talaga. Ito na siguro si ma'am Cassie.

"Magandang hapon Cassie! Ito nga pala ang makakasama mong isa pang sekretarya ni Arcane." Itong si manang ang weird din! May pakindat pa siya kay ma'am Cassie. Ano kaya iyon?

"Owww! Ikaw pala! Good afternoon!"

"Good afternoon din po ma'am! Nice to meet you po."

"Cut the "ma'am" Cassie na lang itawag mo sa akin. Pareho lang naman tayong secretary ni sir e. Well manang upo ka muna diyan at ipapakita ko lang ang office dito kay Rosetta. Tama ba?"

"Opo."

"Ang ganda mo nga talaga!"

"Hala, hindi naman po."
Mabuti na lamang at mabait itong si ma'am este Cassie. Lagi niyang sinasabi na ang ganda ko raw talaga. Jusko, bulag ba siya? Hindi naman ako ganoon kaganda pero kapag siya ang pumupuri sa akin ay daig ko pa ata si Aphrodite sa ganda e.

The Laws of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon