XII

56 9 0
                                        

Nagising ako dahil sa bigat ng kung anomang nakapulupot sa beywang ko. Gosh! Baka may ahas dito sa dorm!

Ayaw ko pa man ay minulat ko ang aking mga mata at nagulat dahil sa kamay ng lalaking nakayakap sa bewang ko.

OMG! Nasaan ako? Anong nangyari? Teka nga may nangyari ba sa amin? Napatingin naman ako agad sa ilalim ng kumot na bumabalot sa aking katawan. Mabuti naman at ito pa rin ang damit na suot ko kagabi. Pagkatapos nito ay tinapunan ko ng tingin ang lalaking nakalingkis sa akin.

Ow! Naalala ko na, narito nga pala ako sa kuwato ni sir. Pero ang pagkakaalam ko ay sa sofa ako natulog at hindi rito sa tabi ni sir. Hala! Hindi kaya nag-sleep walking ako? Minsan pa naman ay naglalakad ako sa gitna ng pagkakatulog.

Pakiramdam ko ay naninigas na ang aking katawan ngayon para na akong yelo. Sino ba namang hindi? Si sir lang naman ang payapang natutulog sa tabi ko at nakayakap sa beywang ko! Halos nakadikit pa nga ang kaniyang mukha sa beywang ko. MeThis is so INFORMAL!

Napatingin naman ako sa aking cellphone at nakahinga ng maluwag-luwag ng malamang alas singco pa lang pala ng umaga. Mabuti naman at may oras pa akong magpalit gayong alas otso ang pasok ko ngayon sa trabaho.

Inalagaan ko kasi si sir Arcane kagabi dahil pinakiusapan ako ni Manang Iseng. Mukhang antok na antok na kasi ang matanda kaya hindi na ako nakatanggi pa. Biyernes naman kagabi at kapag Sabado naman ay wala akong pasok kaya ayos lang. 'Wag lang malaman ng tatay at nanay ko dahil yari ako.

Hindi ko kailanman pinagplanuhan na matulog dito sa malambot at mabangong kama ni sir ha! Sadyang hindi lang talaga ako makaalis dahil 10:00 pm ang curfew ng dorm na tinutuluyan ko. Atsaka binantayan ko kaya si sir! Baka kasi tumaas ang lagnat nito at magkumbulsyon ito. Concerned citizen lang talaga ako.

Sa totoo lang ay kinabahan talaga ako ng malala kagabi noong bigla akong niyakap ni sir Arcane. Akala ko kasi may balak siyang paglaruan ako. Na baka gusto niya akong mahulog sa bitag niya. Pagkatapos ay iiwan akong nagpapakatanga at umaasa sa atensyon at pagmamahal niya, bandang huli.

Mabuti at nakasisiguro akong hindi. Kasi una sa lahat ay hindi talaga ako ang tipo ni sir na babae. Marahil ay maputi at mukhang Kana ang mga tipo nito katulad ng ex nitong si Marion Smith.

At napatunayan ko rin na ang pagyakap niya sa akin ay pawang walang malisya at kahulugan dahil nadala lamang siya ng kaniyang mataas na lagnat. Paanong hindi? E matapos niyang sabihin na "I'm sorry. I just don't like the idea of sharing the beauty I see in you." ay nakatulog ito sa balikat ko. Nang tinangka kong alisin ang pagkakayakap ni sir sa akin ay napaso ako sa init ng kaniyang balat. Pinilit kong alisin ang yakap niya sa akin subalit napakahigpit nito. At sinubukan ko rin siyang gisingin pero waepek.

Kinakabahan nga ako kasi baka patay na siya. O kaya nilason pala siya ng tito este tita niya tapos sinet - up ako, pagkatapos ipakukulong ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa!

Ang OA ko na masyado, well, this is the side effect of reading wattpad on me. In spite of that, no one can stop me from reading wattpad! It's my way to escape whenever life in reality gets rough. I love watty!

Dahil sa kaba na baka totoo ang nasa isip ko ay agaran kong kinapa ang kamay ni sir at dinamdam kong may pulso pa ito. Masaya naman ako at mayroon pa!

Kaya para hindi na tumagal pa ang pagkakayakap ni sir sa akin ay tinawagan ko na si Manang Iseng na utusan si Mang Berto na puntahan at sunduin kami sa lugar na aming kinalalagyan.

"Sabi ko na nga e! Bagay talaga kayo! Para akong nanonood ng loveteam sa teleserye!" Ito naman ang binanggit ni Mang Berto matapos makita ang posisyon naming dalawa ni sir. Malamang ay namula na naman ako sa sobrang hiya. Naku! Kapag nalaman ito ni Cassie ay magiging tampulan na naman ako ng tukso.

The Laws of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon