V

54 10 1
                                    

"O Maria lagi kang mag-iingat dito ha! Wala kami ng tatay at kapatid mo para sa'yo. 'Wag kang mag-alala, ako na ang bahalang kumausap sa tatay mo. Pasensya ka na kung napagtaasan kita ng boses ha. Nagtitiwala ako sa'yo at alam kong makakaya mong maabot ang mga pangarap mo." Pinunasan ko naman ang luhang tumakas mula sa mga mata ni mama. Pati tuloy ako ay naiiyak na rin.

"Ma, 'wag na po kayong umiyak. Magkikita pa naman po tayo. Tsaka nagpapasalamat po ako kasi nagtitiwala kayo na makakaya ko. Napalaking bagay po 'yon para magpatuloy po ako."

"Naku, napakadrama natin 'nak! O siya ayos na ba lahat ng mga gamit mo? Huwag ka magpapalipas ng gutom. 'Wag ka rin agad magtitiwala sa mga tao. Atsaka kapag may nobyo ka na, ipakilala mo agad sa akin!"

"Hala si mama talaga! Wag na po kayong mag-alala. Lagi ko pong tatandaan lahat ng bilin niyo. "

"Sige na Maria uuwi na ang mama ha. Tumawag ka lang palagi sa amin kapag may kailangan ka 'nak"

"Opo. 'Wag niyo po pabayaan ang sarili mo ma. Bantayan niyo po ai Jupiter, may nililigawan na!"

"Asus! Normal lang 'yon! Ikaw ba ay kailan magnonobyo?" Dapat pala hindi ko na sinabi pa ang tungkol kay Jupiter. Sa akin tuloy nabaling ang pang-aasar ni mama.

"Hay, pati ba naman kayo ma?"

"Baka kasi tumanda kang dalaga. Mahirap ang mag-isa Maria! Haha!"

"Ma! 21 pa lang po ako."

"O sige na. Uuwi na ako baka umiyak ka pa e." Niyakap ko saglit si mama at inihatid sa gate ng dormitoryo na tinutuluyan ko ngayon.

Malapit lamang ang nakuha kong dormitoryo mula sa school kaya hindi ko na kailangan pang gumising ng alas kuwatro ng madaling araw para gumayak. Pinag-iisipan ko nga rin kung magpapanggabi ba ako ng pasok sa school o hindi. Nag-apply kasi ako sa Jollibee para maging part time job ko. Pero kahit na ganoon ay kailangan ko pa rin maghanap ng ibang trabahong mas madali at maganda ang sahuran. Laking pasalamat ko talaga sa mga kaibigan ko dahil nagtulong-tulong sila para magkaroon ako ng pera. Nangutang ako sa kanila pero hindi sila pumayag, tulong na raw nila ang perang iniabot nila sa akin. Sabi ni Rhea ay magdodorm na lang din siya para makasama niya ako. Lima naman ang kasiya dito sa boarding house na tinutuluyan ko at apat pa lang naman kami kaya pwede pa siya.

"Ay butiking nagbigti!" Nagulat ako dahil sa biglaang pag-vibrate ng cellphone ko. Buti na lang ay mag-isa ako rito sa kuwarto! Kundi ay nagulat ko rin ang mga kasama ko.

"O napatawag ka Chris?" Si Chris Gonzaga ay hindi ko BOYFRIEND, BESTFRIEND ko siya. Ang dami kasing magsasabi na kesyo bagay daw kami at wala raw lalaki at babaeng sobrang close sa isa't-isa. Well, mayroon no. At kaming dalawa 'yon ni Chris. Close kami pero hindi iyong tipong nagyayakapan at nagdidikitan ng katawan na akala mo ay magjowa. Alam namin na babae at lalaki pa rin kami.

"Naghahanap ka pa rin ba ng part time job?"

"Oo. Naka-apply na ako sa JaBee kaso parang mahihirapan ako sa trabaho doon."

"May alam akong part time job. Naikuwento kasi ni sir naghahanap siya ng estudyanteng gusto mag-part time. Tapos ayon kinuwento ko iyong kalagayan mo ngayon." Computer Engineering ang course niya.

"Yey! The best ka talaga!"

"Syempre basta ikaw! Vacant ka ba ng 9:00 am bukas?

"Oo!"

"Ayy yun lang! May calculus kami. Hindi kita masasamahan. Iyon lang daw bakante ni sir e."

"Hala! Baka naman may mangyari sa akin niyan Chris! Mukha bang matino 'yan?"

"Sira 'to! Ipapahamak ba kita? E mahal kita." Lagi siyang may pagbanat pero alam ko namang joke lang.

"Gusto mo lumipad sa Mars?"

"Sabi ko nga! Ito hindi naman mabiro! Mabait 'yon si sir Marc Ganaden."

"Sure ka ha! Saan ba kami magkikita?"

"Sa McDo na lang daw. Huwag ka kikiligin do'n. Babaero 'yon! Haha!"

"A, parang ikaw! Hay naku ewan ko sa'yo! Sige na babush!" Babaero itong bestfriend ko palibhasa may itsura at engineering pa ang kurso nito. Lagi ko nga siyang binabatukan tuwing nagsusumbong sa akin ang mga babaeng pinapaiyak niya e.

"Sige, sige mahal kita." Pinatayan ko na lang siya kasi ganoon siya lagi.

Nandito na ako ngayon sa McDo dahil nga kikitain ko iyong sinasabi ni Chris. Nakita ko naman na siya dahil sinearch ko siya sa FB. Guwapo nga ito tulad ng sabi ng mga kaibigan ko. Nagsisigawan nga ang mga kaibigan ko ng sinearch namin ang account ni sir sa FB. Sikat daw kasi si Engr. sa buong ISU kaya nagtataka sila kung bakit hindi ko ito kilala. Gusto pa nga sana akong ayusan ng mga udang (malandi) para magkajowa na raw ako. Parang kailan lang ay pinu-push nila ako kay Attorney e! Ay bakit ko nga ba naisip? Wala lang. Luminga-linga na lang ako para makita kung nasaan si Engineer.

"Excuse me sir. Kayo po si Engr. Marc Ganaden di'ba?"

"Yes. And you are miss Maria Agustin?"

"Opo sir."

"Okay. Have a seat."

"A kaya pala e. Maganda. Nakahanap din ng katapat ang loko."

"Ha? Ano po iyon sir?" Hindi ko masyadong narinig kasi naman parang bumulong lang siya.

"Wala miss Agustin. So what's your course again?"

"BSA po sir. 3rd year." Sinulat naman niya ito sa kapirasong papel na hawak niya.

"So the job I'm offering you is about secretarial job. Can you do it?"

"Yes po sir. If it will fit to my schedule po."

"Ok so your interview will be tomorrow. I'll fetch you."

"Hmm... Hindi pa po ba ito 'yon?"

"He still doesn't have the guts to face you."

"Pardon?"

"No. I'm not going to be your boss. Ang magiging boss mo ay kaibigan ko. He's an attorney."

"Ok po sir."

"Well, the job is really for you. He even hired a private investigator to know more about you." Kanina pa siya bulong ng bulong no? Hindi ko tuloy maintindihan. May lahi ata itong lamok o bubuyog.

"Ano po ulit sir?"

"None. Just give me your phone number so I can inform you." Binigay ko naman ang number ko sa kaniya at nagpaalam na uuwi. Mukha namang mabuting tao si sir kaya nagtitiwala ako. Kaya lang ang weird niya bumubulong-bulong kasi lagi. Hihi! Sorry sir!

Kapag talaga ito naging maganda, ito ang pipiliin kong trabaho. Minsan lang magkaroon ng ganitong Job Offer! Magiging secretary ako ng isang ATTORNEY! In favor ito sa akin kasi gusto ko talagang maging attorney. Soon they'll call me Atty. Agustin.

The Laws of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon