"Ang ganda ng ngiti natin a!"
Pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa opisina namin ay ito na ang ibinungad ni Cassie sa akin. At nang purihin din ni Cassie ang aking pagngiti ay doon ko lamang napagtanto na halos lumabas na pala ang mga ngipin ko mula sa aking bibig dahil sa laki ng aking ngiti.
"Ang ganda mo kasi!" Hindi ito ang tunay na dahilan pero baka lang naman makaligtas ako kasi kapag nalaman niya ang dahilan ay hindi na niya ako titigilan sa kaniyang pang-aasar. Ang lakas pa namang mang-trip nito.
"Liar! Kinikilig ka lang sa pinsan ko e. Yiiieeee! ArRo? MarCane? Rosxias? Hahaha!"
Abnormal talaga itong si Cassie! Bakit naman ako kikiligin kay sir? E, hindi ko naman siya crush. Atsaka hindi ba pweding masaya lang ako dahil ilang araw na akong hindi nasusungitan? At may nalalaman pa si Cassie na pa-merge-merge ng pangalan. Parang baliw talaga!
"Naku Cassie tingin ko kailangan mo nang mag-boyfriend para hindi mo na kami kailangang pagtambalin ni sir para kiligin ka!"
"Magbo-boyfriend lang ako kapag naging kayo na! Haha!"
"Edi tatanda kang dalaga kasi hindi magiging kami ni sir!"
"Haha! E bakit ka namumula? Yieeee kinikilig ka lang e. Aminin mo na!"
Napairap na lamang ako dahil sa kakulitan ni Cassie. Nerdy-like siya pero mas maingay pa siya sa lasing kapag nag-umpisang mang-asar. Juice-colored kailan kaya siya titigil kakaasar sa akin? Paano kapag nalaman ito ni sir? Nakakahiya! Pero okay lang naman kasi hindi naman ako guilty kasi WALA AKONG GUSTO SA KANIYA.
"Basta HINDI AKO KINIKILIG! Ang dami ko pang gagawin! Istorbo ka girl!"
"Haha! Tulak ng bibig kabig ng dibdib. Kumanta pa nga ang babaita."
"Tumigil ka nga Cassie! Kapag ako nalaman ko kung ano ang pang-asar sayo lagot ka sa akin."
"Haha! Oo na! Pero share mo na lang kasi kung bakit ngiting-ngiti ka galing sa opisina ni sir? Napapansin ko na araw-araw na iyan a!"
"Okay. Masaya lang ako kasi hindi na ako sinusungitan ni sir. Basta iba iyong aura niya. Atsaka nakita ko na rin siyang ngumiti, although most of the time ay poker face siya. Actually, mas bagay niya ang nakangiti."
"So kinikilig ka nga? Haha!"
"Bahala ka kung ayaw mo maniwala Cassie!"
Binalewala naman ito ni Cassie at patuloy na nang-asar. Issue talaga itong si Cassie! Tawa ng tawa! Gusto na siguro niya mag-asawa! Haha!
"Manong isa pa nga pong ten pesos na kwek-kwek." Ang sarap talaga ng kwek-kwek kaya naman ang hirap magpigil ng sarili sa pagbili nito. I love kwek-kwek!
Narito kami nila Maggy, Sheena, at Rhea sa bilihan ng mga street foods sa kanto palabas ng eskuwelahan namin. Tuwing may pasok kasi ay nakalinya ang mga tindera at tindero ng kung ano-anong pagkain dito. 2:30 pm kami pinauwi ng professor namin kasi may emergency daw. 3:30 pm pa naman ang pagsundo sa akin ni manong Berto kaya sumama na akong kumain, kapag kasi hindi ay maghe-hysterical na ang tatlong bibi ko. Pero in fairness, wala silang date ngayon! Wala na sigurong pera mga jowa nila, sa dalas ba naman kasi nila mag-date e. Char!
"Ang hilig mo naman sa maliit Rosetta! Kuya ako nga pabili ng tokneneng. Mas masarap kasi kapag malaki, mataba, at malaman!" Muntik ko pang maluwa ang kinakain ko ng sabihin ito ni Maggy kay manong tinderong napatawa na lamang. Dahil sa kaniya ay naging green-minded na ako. Sa araw-araw ba naman kasi ay kung ano-anong experience niya raw with jowa niya ang kinukuwento. Naloloka ako!
"Kinurot ko naman siya ng mahina sa tagiliran niya."
"Oops! Sorry may baby Rosetta pala kami rito!" Nagtawanan naman silang tatlo at ako naman ay nagpatuloy na lang sa pagkain.

BINABASA MO ANG
The Laws of Love
RomansaArcane Loxias Marcos is the perfect example of superb masculine countenance, wealth, and resounding success. As an engineer and an attorney, he is a genius bachelor who knows almost everything; however, in love, he knows nothing. But as a first-time...