Takbo.
Takbo.
Takbo.
Mabilis ang tibok ng puso ko, parang hinahalukay rin ang tiyan ko, at nanghihina ang mga tuhod ko dulot ng halik ni Loxias ngunit hindi ko ito ininda at patuloy pa rin ako sa pagtakbo.
Takbo.
Takbo.
Alam ko na nasa likod ko siya at hinahabol ako. Kailangan kong bilisan dahil malapit na niya akong maabutan.
Binilisan ko pa ang takbo pero...
*Plak!
Tingin ko, ako na ang pinakamalas na babae sa buong mundo! Kung kailan kailangan ko ba naman kasing makalayo rito ay nadapa pa ako! Susme! Kasalanan ito ng stilleto na ito e!
"Ano ba! Huwag mo nga ako hawakan! Kaya ko naman e!" Ito na lamang ang mga katagang nasambit ko ng maramdaman kong inaalalayan ako ni Loxias para makatayo.
Alam kong ang sungit - sungit ko kay Loxias pero kailangan. Baka sa paraang ito, tigilan na niya ako sa kahihingi ng chance na patunayan ang kaniyang sarili na gusto niya talaga ako. Baka kapag nakita niyang hindi ako tinatablan ng charms at moves niya, matigil na siya sa kung anomang plano niya sa akin.
Sinubukan kong tumayo.
"Ouch!"
I tried to stand from being tripped, but I can't.
Bukod sa parang na-sprain ang paa ko, ang laki rin ng sugat ko sa aking magkabilang tuhod. Buti na lang talaga at naisangga ko iyong mga kamay ko. Kung hindi, paniguradong burado na ang mukha ko.
Sinubukan ko pa ulit na tumayo pero hindi ko talaga kaya. Mukhang gagapang ata ako pauwi ng bahay ngayon.
Iniisip ko pa lang kung paano ako gagapang pauwi nang walang pasabi ay binuhat ako ni Loxias ng pa-bridal style. Pa-bridal style kaya naman hindi ko maiwasang pagsiklopin ang aking mga kamay sa likod ng leeg niya. Nadapa na ako kaya ayoko ng mahulog pa sa sahig. Double kill 'yon!
Habang nakabusangot ako, siya naman ay ngiting-ngiti. Mapunit sana ang labi niya! Kainis! Mas gusto ko pang gumapang pauwi kaysa buhatin niya ako! Lagi na lang kasi akong nagpa-pultipate at hinahalukay din ang tiyan ko kapag malapit siya sa akin. He's definitely bad for my health!
"Ano bang ginagawa mo ha!?"
"I'm carrying you, My Love!" Aba't pilosopo na, kikindat-kindat pa!
"Ibaba mo na ako! Isa! Kaya ko ang sarili ko!"
"Can you lower the pitch of your voice, Love?"
"Sisigaw ako kapag gusto ko!" Itinapat ko pa sa tainga niya ang pagsigaw ko. Napangiwi naman siya sa ginawa ko. Napangiwi lang pero hindi pa rin ako ibinaba.
"Ibaba mo na kasi ako! Kaya ko ang sarili ko!"
"How are you going home with that state then?"
"Edi gagapang ako! Ibaba muna kasi ako!"
"Ibaba muna a- (kiss)"
"That's the best way to stop a woman from clattering."
Napatahimik naman ako. Naiinis ako. Naiiyak ako.
"See?"
Yumuko lang ako.
I feel disrespected.
Who wouldn't be?
He stole my first kiss; kisses me without my permission; and by what he said earlier, "That's the best way to stop a woman from clattering.", I feel like his kisses for me ain't special. That he usually kisses his women when he wants them to stop talking.

BINABASA MO ANG
The Laws of Love
RomansaArcane Loxias Marcos is the perfect example of superb masculine countenance, wealth, and resounding success. As an engineer and an attorney, he is a genius bachelor who knows almost everything; however, in love, he knows nothing. But as a first-time...