Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga libro dito sa malaking bookshelf ni sir Marcos habang siya naman ay busy'ng busy na nagbabasa ng mga papeles sa kanyang trono este lamesa pala. Nakamamangha nga dahil ang bookshelf na ito ay nabubuksan, kumbaga parang pituan na kapag pinasok ay isang kuwarto na puno ng mga libro. Matagal ko ng pangarap na magkaroon ng ganito!
Nakakapagod ang pag-aayos ng mga libro dahil hindi lang handy-book ang mayroon, mayroon pang mga makakapal at naglalakihang libro. Inuna ko ng ayusin ang mga libro sa loob at ngayon ay itong bookshelf na malaki na lamang. Kahit pagod ay nakangiti pa rin akong nag-aayos ng mga libro dahil sa pinakamagandang mga salitang binitawan ngayon ni sir, "You can barrow anything you like". O di'ba ang bait ng sir ko!
Napatingin naman ako kaagad sa gawi ng pintuang biglang bumukas baka kasi may multo. Matatakutin pa naman akong tao. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang si Eng. Marc pala ang pumasok mula sa pinto. Uso talaga sa kaniya ang pumasok na lang ng walang pasabi e.
"Sup Bruh?" Energetic na bati ni engineer kay sir Marcos at nakipag- fist bomb pa, ito namang si sir ay hindi ko mawari ang emosyon. Akala ko magaling na ako sa pagbasa ng tao, hindi pa pala. He's greek to me!
"I know you need something Ganaden. Spill it."
"Haha! G*go hindi ba puweding na-miss kita?"
"Miss my foot. I know you have a mission here."
Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila, sadyang malapit lang ang bookshelf sa lugar kung saan sila naroroon. Nasa bandang likurang gilid ng lamesa kasi ni sir ang bookshelf na kinalalagyan ko. Marahil ay hindi na naalala ni sir na narito pa ako at hindi rin ako napansin ni Engr. Marc nang pumasok siya dahil naka- Indian seat ako. Wala talaga akong balak maki-chismis. Hehe!
"Someone is always bugging me 'bout you, bro! Nakakaawa na 'yong babae. Bakit ba kasi naghiwalay pa kayo? Tumagal na nga kayo ng one-month e!" OMG! So kaya nagalit siya noong isang araw sa akin ay dahil naalala niya pa rin ang ex niya? E bakit niya hiniwalayan kung ganoon?
"I don't give a sh*t, Ganaden." Grabe naman itong si sir sa babae! Akala ko pa naman isa siyang lalaking may paninindigan at prinsipiyo. I felt disappointment. Pero kahit ubod ng sungit ay napaka-gentleman naman niya sa akin. Baka nga akala ko lang.
"The girl is madly in love with you Arc. Why don't you give it a try?"
"I tried, man."
"G*go ka ba? Si Marion Smith 'yon bro! Beauty queen! An'daming lalaking naglalaway doon. Tapos ikaw natikman mo na't lahat-lahat wala pa rin." Nakita ko mula sa aking peripheral vision ang biglang pagbato ni sir ng crumpled paper kay Engineer Marc. Marahil ay ayaw niyang pag-usapan ang mga kalokohan niya.
Hala, parang masiyadong personal itong pinag-uusapan nila. Parang hindi ko dapat marinig. At gusto ko na lang din takpan ang mga tainga ko para hindi na marinig pa ang kanilang mga tinig, kasi habang naririnig ko ito ay unti-unting nagbabago ang magandang pagkakakilala ko kay sir.
Pasok na lang kaya ako doon sa loob ng bookshelf ni sir? Kaso baka makaistorbo pa ako.
"She's old enough. She can have another man." Siguro ay hindi pa kailanman nagmamahal itong si sir kasi kung oo, alam niya dapat na hindi ganooon kadaling hindi mahalin ang isang tao, lalo na kapag mahal na mahal mo... Ang pagmamahal sa isang tao ay hindi parang friend request sa facebook na pwede mong pindutin ang cancel kapag ayaw mo na. Hindi ganoon kadaling mag-cancel ng pag-ibig, hindi ganoon kadaling mag-move on, It's a process.
"Umamin ka nga sa akin bro, may kinalaman ba dito si Ms. A---"
"Ay butiking lumipad!" Sa lahat ba naman ng oras na pwede akong matalisod ay ngayon pa! Naka-istorbo pa tuloy ako!

BINABASA MO ANG
The Laws of Love
RomanceArcane Loxias Marcos is the perfect example of superb masculine countenance, wealth, and resounding success. As an engineer and an attorney, he is a genius bachelor who knows almost everything; however, in love, he knows nothing. But as a first-time...