IV

62 10 0
                                        

"Ma, ako na lang din po ang maglalaba ng mga damit ninyo ni Jupiter." Sinalubong ko ang aking mama sa kaniyang paglalakad upang kunin ang dala-dala niyang mga damit. Naawa na kasi ako sa kaniya. Ginagawa niya kasi halos lahat ng gawaing bahay. Natutulungan ko naman siya pero hapon na kasi ako kung makauwi. Alas tres ng hapon ang uwian ko sa school tsaka mag-aantay pa ako ng bus at mahigit isang oras ang biyahe, depende kung gaano kabilis ang driver. Kaya tuwing weekend talaga ay ginagawa ko ang lahat.

"O sige at uutusan ko na lang ang kapatid mo na mag-igib ng pangbanlaw mo." Umalis naman si mama at nagsimula na akong maglaba. Mahirap talagang maglaba lalo na at mano-mano ang paglalabang ginagawa ko. Wala kasi kaming washing machine e.

"Ate? Kapag ba ang babae nagagalit sa isang lalaki dahil lang may kinausap na ibang babae 'yong lalaki ay nagseselos ito?"

Nagulat naman ako sa itinanong ng kapatid ko. Sa pagkakaalam ko ay fifteen years old pa lamang ito pero tungkol na sa pag-ibig ang iniisip. Kalandi talaga ng karamihan sa mga teenager ngayon! Naku!

"Aray! Ate naman! Bakit may pagkurot sa tagiliran? Nagtatanong lang e! Ang hinhin mo nga pero ang sakit mo naman mangurot!"

"Talagang kukurutin kita, bakit naman kasi ganiyan ang mga tanungan mo aber? May jowa ka ba ha?"

"Hindi ko pa nga napapasagot ate e! Baka hindi naman ako gusto." Napangiti naman ako kasi nagshe-share sa akin ang kapatid ko. Nakakakilig!

"Anong masaya sa pagbabanlaw ate? Kung makangiti ka d'yan 'kala mo may jowa e."

"Binabago mo usapan Jupiter e! Sino ba iyang babaeng nagugustuhan mo ha?"

"Si Danica ate."

"Kapit-bahay natin 'yon a? Ikaw na bata ka! Huwag ka muna mambuntis! Kita mong ang hirap ng buhay natin o."

"OA mo ate! Hindi pa nga ako sinasagot e kung ano-ano ng iniisip mo ate. Tsaka sabi ni Mama at Papa, ayos lang naman daw magkaroon ng karelasyon basta may limitasyon. Ikaw lang naman kasi ang tatandang walang asawa sa ating dalawa e. Haha!"

Agad naman siyang tumakbo dahil niyang kukurutin ko siya ulit.

"Ma? May problema po ba?" Naitanong ko ito sa aking ina ng makitang problemado itong nakaupo at nagbibilang ng pera. Sa itsura niya ay masasabi kong pilit niyang pinagkakasiya ang perang mula sa sweldo niya bilang labandera at pagco-construction worker ni Papa. Malalim na ang gabi at nagising lamang ako dahil sa masamang panaginip.

"Anak, kailangan mo munang tumigil sa pag-aaral." Malungkot ang mukha ni mama habang sinasabi sa akin ang masamang balita. Hindi ko naman mapigilan ang patulo ng aking luha. Isang taon na lang kasi ay magtatapos na ako. Isang taon na lang at matutulungan ko na sila.

"Ma bakit naman po? Hindi ba't sapat lang naman po dati ang kinikita nin'yo? Ok lang po sa akin na 'wag na akong magbaon ma. Ito na lang po ang paraan para maiahon ko kayo sa hirap ma."

"Pero anak, hindi na talaga sapat ang pera na ito para mabuhay tayong apat."

"Ma, may problema po bang hindi kayo sinasabi sa akin? Napapansin ko po na madalang din po kung umuwi ang tatay. At ang lungkot po ng mga mata niyo kahit na nakangiti kayo. "

"Ayos lang ako Maria! Ayos lang ang tatay mo! Ang problema ay ang pag-aaral mo! Naiintindihan mo ba ha?!" Nagulat na lamang ako sa biglang paglakas ng boses ni mama. Hindi ako nakasagot agad. Ito kasi ang unang pagkakataon na sinigawan ako ng mama ko. She was always soft-spoken to me because I have been always the GOOD DAUGHTER.

"Mabuti sana kong may eskuwelahan na pampubliko dito sa bayan natin para doon mo na lang ipagpatuloy ang pag-aaral mo! Maria, kahit hindi ka magbaon, malaki pa rin ang nagagastos sa pamasahe mo!" Bakit kailangan magtaas ng boses ni mama sa akin? Ano bang nangyayari? I seriously don't have any idea.

"Ma, hindi pwede. Kailangan kong matapos ang pag-aaral ko Ma. Magdo-dorm na lang po ako at magpa-part time job para ako na lang po magpaaral sa sarili ko ma."

"Wala tayong pang-dorm Maria! Makisama ka naman o!" Pinakamasakit sa lahat ng bagay ay ang makitang ang nanay mo na umiiyak sa iyong harapan. Parang sinasaksak ng kutsilyo ang puso. Oo nga't sinisigawan niya ako ngayon pero alam kong hindi siya galit sa akin kundi sa sarili niya. Naawa ako sa mama ko. At naaawa ako sa kalagayan namin.

"Ma uutang po ako sa mga kakilala ko. Ma, kaya ko po. Kakayanin ko po Ma. Nagmamakaawa ako Ma." Napahagulgul na lang ako dahil maaring mawala ang pangarap kong malapit ko ng maabot.

"Pero hindi madali ang buhay sa pangungupahan Maria! Paano kung may mangyari sa iyong masama? Edi problema na naman?"

"Ma! Wala pong mangyayari sa aking masama! Hindi po ako magiging katulad nang mga pinsan kong nag-asaw na! 'Wag mo naman akong tanggalan ng pagkakataon na makamit 'yong mga pangarap ko dahil lang natatakot kayo! Ma I'm sorry but I'll take all the risks! Hindi niyo po ako mapipigilan!" Masakit din sa loob ko na magtaas ng boses sa mama ko pero sobrang hindi ko makontrol ang nararamdaman ko, naiinis, nagagalit, naguguluhan at kung ano-ano pa. Umiiyak akong umalis sa harapan ni mama at nagpahangin. Ayoko ng masigawan pa siya, nakokonsensya ako.

Kaya ko gawin ang lahat ng makakaya ko para sa pangarap ko. Masakit lang na walang tiwala ang sarili kong nanay sa magagawa ko.

The Laws of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon