"Sigurado ka ba talagang walang gusto 'yang sir mo sa'yo ha?"
"Naku, Maggi wala talaga. May special someone nga e." Habang nag-aantay sa prof namin ng P.E. na sampung minuto ng huli ay nakapalibot ang mga kaibigan ko sa akin at nagtatanong ng kung ano-ano. Ikinuwento kasi ni Rhea sa kanila na sinundo ako ni sir sa dorm. Ayoko na nga sanang ikuwento kasi malisyosa at asyumera talaga sila pagdating sa mga lalaking nalalapit sa akin. Mas excited pa nga silang magkaroon ako ng jowa kaysa sa akin e.
"Baka naman ikaw 'yong special someone!"
"Hindi talaga mga sis!"
"Na-hurt ka ba?"
"Baliw! Siyempre hindi! Wala naman akong gusto kay sir kahit kaunti!"
"Edi ikaw na'ng hindi nagkakagusto sa guwapo!"
"By the way, kakain kami ni Chris after nitong P.E. Sama ba kayo?"
"Yieee! Sabi ko na barbie e!" Alam ko na ang ibig sabihin nitong si Sheena. Sa malisyosang tingin pa lang ay kuha ko na e.
"Magkaibigan lang kami."
"May kaibigan din akong lalaki pero hindi naman ako inaantay ng higit isang oras para lang makakain, Rosetta. Sinasabi ko na sa'yo, may gusto si Chris sa'yo!"
Ang sinabi ni Sheena ay naging dahilan ng aking pagtawa. Si Chris magkakagusto sa akin? Imposible!
"Haha! Siyempre para na kaming magkapatid 'no!"
"Pustahan tayo libre niya 'yong sa'yo tapos sa'min hindi!"
"Siyempre naman Maggi! Ako ang bessy e!"
"Basta natotorpe lang 'yon."
"Pfft. Haha! As in, iniisip niyo talaga 'yan? Seryoso?"
"Ang manhid mo girl! Pati kasi kay Carlo ganiyan ka."
"Di'ba may gustong iba 'yon? Ba't naman siya nadamay dito?" Hindi ko alam pero sabay-sabay naman silang napasapok sa kani-kanilang noo. Tila nawalan na ng pag-asa.
"Manhid ka nga."
"Kaya ka hindi nagkaka-love life e."
"Ewan ko sa inyo! Ayoko pa ma-inlove. Ano sasama ba kayo o hindi?" Falling inlove is the last thing I want to do.
"Hindi na sis. Moment niyo 'yon e. Miss na miss ka pa naman na ng Chris mo!"
Ilang ulit ko nang ipinakipaglaban na si Chris at ako ay magBESTFRIEND lang. Ano kayang mahirap maintindihan doon, aber?
"Chrisssss!!!" Patakbo akong nagpunta kay Chris na nag-aabang sa akin dito sa mga hilera ng mga nagtitinda ng street food. Paborito kasi naming kumain ng mga ito. Nag-handshake muna kami saglit.
"Napaaga ka ata a?"
"Nag-cutting ako."
"Utot mo! Ikaw magka-cutting?"
"Haha! Hindi ka man lang naniwala kahit 1 percent lang!"
Ginulo niya saglit ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin at tumawa lang siya. Ang hilig ng lalaking 'to na manggulo ng buhok. Minsan iniisip ko na baka akala niya tuta ako e.
"Haha! Pili ka na! Kahit ano!"
"Sure ka d'yan ha! Love you talaga!"
"Mas mahal kita!"
"Gan'yan din kami dati no'ng misis ko e." Puna ng tindero sa tapat namin. Mukhang napa-flashback si kuya a.
"Hahaha! Magkaibigan lang po kami ni Chris, manong!"

BINABASA MO ANG
The Laws of Love
RomansaArcane Loxias Marcos is the perfect example of superb masculine countenance, wealth, and resounding success. As an engineer and an attorney, he is a genius bachelor who knows almost everything; however, in love, he knows nothing. But as a first-time...