"I won't discuss now." Mukhang maganda ang timpla ng terror research professor namin ngayon a. Bakit ko nasabi? Nakakapanibago kasi siya ngayon e. Siya kasi 'yong tipong kahit isang segundo dapat magturo siya. Hindi siya papayag kahit may kaunting daldalan lang ang maganap. Medyo nakakaantok nga rin kasi wala man lang "commercial break" puro seryosong pagtuturo lang.
"Yehey!" Pagbubunyi naman ng mga kaklase ko. Nagbubunyi rin ako pero sinasarili ko lang. Sa boarding house na lang ako sisigaw! Haha!
"May boypren na siguro. Haha!" Pasimpleng bulong naman ni Rhea sa akin. Napangiti na lang ako. Ayoko ngang tumawa hanep pa naman magbigay ng singco itong si Ma'am Morco. Ayaw na ayaw niya kasi ng maiingay, magagaslaw at puro paganda/paguwapo pero wala namang alam sa mga itinuturo niya.
Habang pinapalo ang mesang nasa harapan ay pasigaw na nagsalita ang aming guro na siyang ikinatahimik ng mga kaklase ko. "Quiet!" Sino ba namang hindi? Nakakatakot kasi siya! Para siyang babaeng bersiyon ni Voltemort kapag nagagalit. Pati talaga ako ay natakot e.
"Don't party yet! Each of you needs to pass the chapter three of your dissertation."
"Yes?" Napatunganga na lang ang lahat at tila nakatingin sa kawalan. Pero sa gitna ng tila pagdadalamhati ng aking mga kaklase ay may isang naglakas loob na magtanong.
"Pero ma'am wala naman po kayong sinabi na ngayon po ang deadline ng ikatlong kabanata hindi ba?"
"Tres!" Halos mamutla ang kaklase ko dahil sa sinabi ni ma'am.
"Pero ma'am!"
"Sit down!" Malungkot namang umupo ang kaklase ko sa kaniyang upuan. Kita naman sa mga mata ng kaklase ko ang nakikiramay na mga mata. Napaka-suwerte ko sa seksiyon na ito dahil nagtutulungan, nagdadamayan, at hindi kami naglalamangan. We help each other not by cheating nor copying, but through allowing everyone to feel that we are a team. We are not just a group of students. We are a TEAM. And knowing that I am in a team is the amazing.
*Luvduvluvduv* Bigla namang lumakas ang tibok ng puso ko nang maidako ang paningin ko sa isang pares ng mata na pag-aari ng aming guro. Masama ang pakiramdam ko sa maaring mangyari kaya tumingin ako sa ibang direksyon. Baka makaligtas ako sa nagbabadyang pagtawag niya ng aking pangalan.
"Miss Agustin?" Ano pang magagawa ko? Tinawag na niya ako. Ang malas ko kasi paborito niya talaga akong tawagin. Buti na lamang talaga at kapag tinatanong niya ako ay nasasagot ko ang mga katanungan niya. Sana ngayon din. JuiceMio! Hindi pa naman ako ma-recite na tao. I'm more on intaking than providing information for the whole class. Being afraid is not my reason, I just don't like the idea of public speaking. Oy! Napa-English na ako a! Nakakahawa kasi si-- Naku! May mga bagay talaga na dapat hindi na inaalala pa.
Tumayo muna ako bago magsalita. "Yes ma'am?" Buti at hindi ako nabulol kahit kinakabahan ako. Lagi kasi akong nabubulol kapag kay --- Ow, never mind! 'Wag ko na ngang alalahanin baka masira pa ang araw ko e.
"What did I tell about the deadline of chapter three again?"
Ano nga ulit?
"Ma'am you said that you gave us long period of time to finish the chapter three, so you're going to surprise us about the deadline." Hay, salamat naman at naalala ko pa. Medyo nag-bufferring din ako e. Pagod at puyat na rin kasi ako.
"Very well said Ms. Agustin."
"Any violent reaction?"
Hindi na talaga ata makausap ang mga kaklase ko dahil mukha na silang problemado. Problemado rin ako tungkol diyan pero natapos ko na kasi. Ipro-proofread ko na lang para mas maging satisfied ako sa ipapasa ko. Naging inspirasyon ko kasi ang komersyal ng Eden Cheese e. "Na kahit anong gawin mo, ALWAYS DO YOUR BEST." Alam mong wala kang pagsisihan kahit anoman ang maging resulta ng ginawa mo kung alam mong binigay mo na ang lahat ng iyong makakaya.
BINABASA MO ANG
The Laws of Love
Roman d'amourArcane Loxias Marcos is the perfect example of superb masculine countenance, wealth, and resounding success. As an engineer and an attorney, he is a genius bachelor who knows almost everything; however, in love, he knows nothing. But as a first-time...