III

74 13 0
                                    

"Rosetta!" Tinatawag ako ni Rhea ngunit hindi ko siya pinapansin. Busy kasi ako sa librong binabasa ko. Gustong-gusto ko na talagang tapusin ito para malaman ko na rin ang ending. I am dying to know the ending!

Narito kami ngayon sa Imaret at nagpapalipas ng oras dahil 7:30 pa lang ng umaga at 9:30 am pa ang susunod na klase namin. May mga prof kasi talaga na pwede namang i-announce sa GC na hindi sila makakapasok pero mas pinipili pang pag-aksayahin kami ng effort. Ilang oras pa sana ang magiging tulog ko e. Sayang!

"Oy! Kaunti na lang magiging asawa mo na 'yang librong binabasa mo!" Dahil mukhang may matindi siyang pangangailan ay lumigon na ako sa kaniya kahit ayoko pa. Ako talaga ang paborito niyang kulitin sa aming tatlo
Ayaw niyang kulitin si Sheena at Maggy kasi busy ang mga ito sa paglalaro ng ML. At kapag inistorbo niya ang mga ito ay maari siyang lumipad sa MARS kapag nagkataon.

"Bakit ba Rhea? Maawa ka na sa akin, gusto ko ng malaman ang ending nitong binabasa ko."

"Pahiram ako ng phone mo! Pleaaaassseee!" Nagpa-cute pa nga.

"San ba phone mo?"

"Dead bat na sis!"

Binigay ko naman sa kaniya agad ang cellphone na hinihiram niya para tumahimik na rin ang mundo ko. Matapos nito ay muli akong nagpatuloy sa pagbabasa. Mahilig kasi talaga akong magbasa ng libro lalo na kapag mystery, thriller, at higit sa lahat ay romance. Walang kaalam-alam ang mga kaibigan ko na mahilig ako magbasa ng mga romantic novel. Akala kasi nila ay puro ako aral. Haha!

"O my G to O to S to H, Gosh!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Rhea ng malakas. Hay, hindi ko man lamang nanamnam ang katahimikan.

"Bakit Rhi? May porn ba?"

"Sira ulo ka Maggy! Yan magkakaroon ng porn? Kulang na lang diyan pakpak para lumipad patungong langit e." Kaloka talaga itong si Maggy! Pagkamalan ba namang may porn ako sa cellphone. Pero siyempre hindi na ako inosente pagdating sa mga bagay na iyan. Bukod sa pinag-aaralan ito sa eskuwelahan ay marami na akong nabasang bed scene sa romantic novels. Hehe.

"Sabi ko nga! Ano ba 'yang nakita mo d'yan sa mahiwagang cellphone ni Rosetta?"

"Tignan niyo kasi ito o!" Nagsitinginan naman silang tatlo sa cellphone ko at sabay-sabay na sumigaw.

"Hala! Kayo talaga! Ano bang meron d'yan?" Naguguluhan ngunit maayos ko pa ring tanong. Nakakahiya sa mga iilang taong nagkalat sa paligid. Kung ibang tao siguro ang maingay, maiinis ako pero dahil nasanay na ako sa kaingayan ng mga kaibigan ko ay ayos lamang. Tatlong taon ko na rin naman silang kaibigan e. Maingay pero tunay naman. Hindi sila katulad ng ibang pakitang-tao lang.

"May nag-message request sa'yo o!" Nagulat naman ako at mabilis na kinuha ang cellphone ko mula kay Rhea. Saglit lang kasi akong nag-online kagabi kaya hindi ko na na-check.

"Hindi ko 'to kilala. Baka wrong send lang ganun. Hi lang naman e. Masyado kayong asyumera."

"Hindi mo pa nga tinitignan ang profile e! Dali na Rosetta! Baka ito na ang magiging bebe mo!"

"Ayoko. Huwag na. Baka poser lang naman."

"Sige na Rosetta! Ano namang mawawala kapag tinignan mo di'ba?"

At ayon nga, wala akong nagawa kundi pindutin ang pangalan ng lalaking nag-message request sa akin.
Arcane Loxias Marcos... Nagulat naman ako ng makita ko ang profile picture ng lalaki. Unti-unting lumaki ang mga mata ko, napanganga at muntik ko ng mabitiwan ang cellphone ko nang mapagtantong SIYA IYONG KAHAPON!

"AHHHH! Ang guwapo! Andaming likes ng profile a! 15k! Bongga!" Kung sila ay kilig na kilig, ako naman ay nakatunganga pa rin dahil sa gulat. Paano? Bakit? Anong mayroon? Iyan ang mga tanong sa isipan ko.

The Laws of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon