XVI

56 5 0
                                        

Sa pagmulat ko ng aking mga mata, pawang puting kulay lamang ang aking nakikita.

Bumilis ng malala ang tibok ng aking puso.

Hala! Patay na ba ako?

Muli akong kumurap-kurap upang mas maging maliwanag ang aking paningin.

Tingin sa kisame, sa kaliwa, sa kanan, at sa hinihigaan ko ngayon. Puro puti talaga.

Nasa ospital ba ako?

Malamang siguro kasi naka-dextrose ako.

Pero ang masama, hindi ko naman maalala kung nagkasakit ba ako o hindi.

Hindi kaya, binugbog ako ni Loxias? Pero wala naman akong pasa o kahit kaunting galos.

Kahit wala akong pasa at galos ay napakasama ng pakiramdam ko. Nanghihina ang aking mga kasu-kasuhan at nagugutom din ako. Ano ba talagang nangyari sa akin?

Really? Buhay ko ito pero hindi ko alam ang nangyayari? Unbelievable, Rosetta!

A! Baka nananaginip lang ako. Tama! Makurot nga ang pisngi ko para malaman.

Itataas ko sana ang kaliwang kamay ko upang kurutin ang aking sarili pero hindi ko maitaas.

May lalaki kasing nakahawak sa kamay ko. As in, naka-interwined pa.

Hindi ko mawari kung sino siya sapagkat nakapatong ang mukha niya sa kamang hinihigaan ko. Marahil ay natutulog ito.

Gusto ko mang tanggalin ang pagkakahawak ng lalaki sa aking kamay ay hindi ko kaya. Ang higpit naman kasi.

Paano na ito? Gusto ko pa namang maupo. Pakiramdam ko kasi ay napakatagal ko ng nakahiga.

Kahit nakahawak ang lalaking ito sa kamay ko ay mas pinili ko pa ring umupo. Bahala na kung magising siya. Ngalay na ngalay na talaga ako e.

Wala akong magawa kaya pinakatitigan ko na lang ang lalaking natutulog sa gilid ko.

Parang pamilyar ang lalaking ito.

Namamalik-mata mata ba ako?

Anong ginagawa niya rito?

Baka mali lang ako.

Imposible na bantayan niya ako rito sa ospital. Sino ba naman ako di'ba?

Halos lumuwa na ata ang aking mata mula sa kinalalagyan nito ng  iangat ng lalaking natutulog sa gilid ng kama ko ang kaniyang ulo.

Hindi nga ako nagkamali!

My boss, ex-boss rather, is here!

Hays, naalala ko na naman kaya ang ka-walang hiyaan niya sa akin! Nakakainis!

Akala mo naman cute siya sa pagkusot niya ng mata!

Cute nga! Manyak naman!

Ito ang unang pagkakataon na sobrang nainis ako sa isang tao!

Gusto ko siyang sapakin! Kaso, nanghihina pa ako. Ano kayang nangyari sa akin? May ginawa ba siya sa akin?

"Thank God, you're awake, baby!"

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

At ano raw?

Baby?!

Aba't may saltik ata ang isang ito!

"Aheeeem!"

Tumikhim na ako para alisin niya ang pagkakayakap sa akin. Naalibadbaran ako! Kahit mabango pa siya, hindi pa rin maalis nito ang inis na nararamdaman ko.

The Laws of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon