VI

52 9 0
                                        

"Rosetta! Samahan mo naman kaming mag-shopping ng mga bagong damit later, after uwian!"

Lunch break namin ngayon at sinusulit ang kaunting oras bago kami magklase.

"Sorry Rhea, hindi ako pwede e."

"We? Ayaw mo lang talaga gumala e. Ewan ko ba kung bakit parang takot ka sa mga tao e! Haler! Gagala lang tayo sis! Hindi naman na malayo ang bahay niyo sa school. Sama ka na pleaseeee! Kahit ngayon lang, sumama ka naman sa girl bonding natin."

Bigla naman akong na-guilty sa sinabi ni Maggy. E kasi naman, lagi ko talaga silang hindi sinasamahan sa mga ganitong galaan. Si Sheena kasi ay kahit tahimik lagi nilang nakakasama pero ako hindi pa talaga. Since first year, kahit pa party sa school hindi talaga ako sumasama. Hindi ako mahilig e.

"Oo nga tama si Maggy, Rosetta. Ngayong malapit ka na, samahan mo na sana kami." Dumagdag pa sa pagpapaawa itong si Sheena. Hay naku, kaunti na lang ay mapipilit na nila ako nito.

"Sorry girls, hindi talaga pwede."

"Ganyan ka naman e. Nakakatampo ka. Ililibre ka namin, promise cross my confidently beutiful heart, hindi ka namin hahayaang ma-OP. Never! Love ka kaya namin!"

"Oo nga naman sama ka na kasi!"

"Girls, hindi talaga pwede kasi may job interview ako. Alam niyo namang kailangang-kailangan ko ito di'ba?"

"E, na-interview ka na ni bebe ko Marc a?" Napangiti naman ako sa sinabing ito ni Maggy.

"Susunduin niya raw ako after uuwian natin kasi-"

"OMG! Sabi ko na e! Type ka talaga ng bebe ko! May attorney na, may engineer pa! Aba! Namihasa!"

"Hay naku Maggy! Hindi mo muna kasi ako pinatatapos e. Well, sabi niya ang magiging trabaho ko raw ay secretary like that ng isang attorney."

"So hindi mo siya magiging boss?"

"Nope. Kaibigan niya raw ang magiging boss ko."

"Kumusta naman siyang kausap sis? Mabango ba? Sobrang guwapo ba sa malapitan? Parang gusto ko rin magsabi kay Chris na kailangan ko ng trabaho!"

"Hay naku Rhea! May jowa ka na! Sa akin na lang si engineer no!"

"Hoy kayong dalawang haliparot kayo! Lahat tayo may jowa! Ibigay niyo na lang kay Rosetta!"

"Ikaw talaga Sheena! Wala pa 'yan sa isip ko."

"Haha! Joke lang! Alam ko naman ang tipo mo e. Pero nasa langit lang iyong mga ganoong tipo."

"Ha? Bakit?"

"Santo e." Sabay-sabay naman silang nagtawanan. Lakas talaga nila mang-asar.

"Ewan ko sa inyo. Pero in case mawala ako, alam niyo na kung sino ang huling kasama ko." Nagtinginan naman silang tatlo. Napakarumi talaga ng mga utak ng kaibigan ko! Kaya bago pa lumabas ang pagiging greeminded nila ay nagsalita na akong muli.

"Mukhang mabuting tao naman si engineer pero in case of emergency lang naman."

"Oo na, we always got your back Rosetta! Go! Go!"

"Shems! 12:55 na! 5 minutes na lang late na tayo!"

Dali-dali kaming tumayo at nag-ayos ng gamit. Napahaba ang kuwentuhan namin a. Haha! 'Wag lang sana kaming malate kasi noong nakaraang nalate kami dahil nag-aral kami sa library for the quiz, hindi na kami pinag-quiz pa ng professor namin. Most embarrassing moment iyon no. Naalala ko pa nga iyong sinabi niya na, "Get out. You don't have place here." Buti talaga hindi ako nag-singco or dos doon. Kundi mawawalan na ako ng karapatan na magkaroon ng laude.

The Laws of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon