XVII

32 4 1
                                    

Maria Rosetta’s Point of View

“O, Maria, kanina pa ata may tumatawag sa telepono mo. Sino ba 'yan at hindi mo sinasagot?"

"Ay butiki!" Halos maibato ko pa ang hawak kong cellphone dahil sa pagsalita ni nanay. Buti na lang at hindi, dahil wala akong pambili.

“Nasaan ang butiki?” May pagkapilosopo din talaga ang nanay ko e.

Nasa bahay ako ngayon at kasalukuyang nakahiga sa pagpag na yari sa kawayan. Ayos na ayos naman na talaga ako at puweding-puwede na nga akong pumasok sa eskuwelahan ngayon pero nagpumilit si Loxias na umuwi ako sa bahay at magpahinga kahit isang araw lang. Kaya ito nakahiga lang ako. Gusto ko nga sanang tulungan si nanay pero ayaw din akong pagtrabahuhin baka raw mabinat ako.

Si Loxias ang naghatid sa akin dito sa bahay pero pinauwi na siya ni nanay matapos niyang mag-agahan. Salamat at nakinig siya kay nanay kasi gusto niya pa talagang manatili at alagaan "raw" ako. Sa tingin ko ay kailangan na rin kasi niya ng pahinga sapagkat siya ang nag-alaga sa akin sa buong pananatili ko sa ospital.

Ganoon pa man, ayoko na siyang makita at makasama pang muli. Ayoko kasing mapalapit pa sa kaniya. Hindi dahil sa sinaktan niya ako o naging masama siya akin, pero dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka pagpapanggap lang lahat ng pinakikita niya sa akin. Natatakot ako na baka pinag-titripan niya lang ako. At higit sa lahat, natatakot ako na umasa. I have never been in this kind of situation before, so I don't know what to do.

When we were in the hospital, he was always telling me that he likes me, but the problem is, I don't trust him and myself too. Indeed, now, I am in the state of ambivalence. I am torn between allowing myself to believe, or protect myself from the menacing pain.

"Awan daytoy nang!(wala ito nay)"

"Salawasaw! (sinungaling),si Arcane ba yan ha?"

Ngumiti naman ako ng pilit at tumango.

"Teka at kukuha lang ako ng upuan ko at mag-uusap tayo. Nagadu te ilimlimmed mo kenyakon a (Marami ka ng sinesikreto sa akin)!"

"O ibagam ta problema mon (sabihin mo na ang problema mo) uuwi ka na naman bukas."

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago magsalita. "Nay, sinabi po sa akin ni Loxias na gusto niya ako."

"Ahhhh... Sinong Loxias?" Ayon na e. Nandoon na ako sa puntong magdadrama na tapos ganito. Si nanay talaga! Panira ng moment!

"Haha! Si Arcane po nay!"

"A! Ano? Gusto ka niya!?"

"Oo nay! Gulat na gulat naman po ata kayo!"

"Abay napakasuwerte mo naman kung gusto ka niya, Maria!" Feeling ko itutulak ako ni nanay na bigyan ng tyansa si Loxias. Sa pananalita pa lamang niya ay hangang-hanga na ito. Hay naku! Nay, kung alam mo lang kung ilang beses niya akong pinaiyak!

"Apay kasta ti rupam?(bakit ganiyan ang mukha mo?)" Pilitin ko mang hindi mag-makeface ay hindi ko nagawa. Masyado kasing bumilib si nanay sa Loxias na iyon e.

"Kasi nay, ilang beses niya akong sinaktan."

"Sinaktan ka niya!?Animal dayjay a! Makitak laeng! (Makita ko lang siya)"

"Kalma lang nay! Hindi naman po pisikalan. Pero parang ganoon na rin po dahil sa sakit."

"Natanong mo ba kung bakit niya ginawa ang mga bagay na nakasakit sa iyo?"

“Nagseselos daw po kasi siya at sa akin niya lang daw naramdaman iyon. As in never, kahit kailan.”

Napabusangot naman ako sa naging turan ni nanay. Tanging malapad lang kasi na ngiti niya sa sagot ko.

The Laws of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon