Alas tres pa lamang ng umaga ay gising na ako kahit gustong- gusto ko pang matulog. Kailangan ko pa kasing mag-aral ng mga lectures. Kasi naman ang mga prof namin ay napakahilig mag surprise e! Kaya kapag pumasok ka sa classroom ng hindi nag-aral, MAG-HELLO ka na kay SINGCO kasi friends na kayo. HAHA! ayoko naman maranasan iyon kaya todo effort ako! Nag-aral naman na ako kagabi pero mas gumagana kasi talaga utak ko kapag madaling araw. Kumabaga sa gulay fresh pa!
Nang sumapit na ang 4:00 am, tumunog ng maingay na cellphone ko kaya agad na akong tumayo. Nag stretching ako saglit at nagluto ng makakain. Nag-igib na rin ako ng tubig pampaligo ko. Mahirap lamang ang buhay namin kaya nagsusumikap talaga ako para makapagtapos ng pag- aaral ko.Isang taon na lang din naman at matatapos ko na ang aking kurso. Third year student na ako at Bachelor of Science in Accountancy ang course ko. Matapos kung gawin ang aking morning routine ay tumingin ako sa salamin sa huling pagkakataon, naglagay lamang ako ng kaunting face powder, liptint,at cheek tint.Kailangan ng kaunting kolorete sa mukha para naman maging presentable kahit hindi kagandahan.
"Ma punta na po ako!" Humalik ako sa pisngi niya at umalis. Wala ang tatay ko rito ngayon sa bahay dahil nasa trabaho siya sa Masinloc. Construction worker ang tatay ko at ang nanay naman ay nanatili lamang sa bahay. Naglalabada rin siya para may dagdag kita.
Naglalakad na ako paalis sa bahay at nag-abang ng masasakyan. Matapos ang 15 minutong pag-aantay,nakasakay ako ngunit bigla na lamang ako nakaramdam ng antok.Marahil ay dahil sa hampas ng hangin mula sa bintana ng bus na sinasakyan ko.
Bigala na lamang akong nagising sapagkat nanaginip ako na nakalampas na ang sinakyan kong bus mula sa school namin. At tama nga ito! HALOS MADAPA NA AKO MAGPARA AT TUMAKBO PABABA!KALOKA!MAGLALAKAD PA AKO NG MALAYO!
"Maria! Ang galing mo talaga!"
Napalingon ako sa kaibigan ko. Narito kasi ako ngayon sa library ng school. Bakante naman at ito talaga ang tambayan namin ng mga kaibigan ko.
"Bakit naman?"
"Perfect mo na naman quiz natin sa major! Sabi mo di ka nag review! Bulataw!"
"Shhh!Wag kang maingay baka mapalayas tayo dito Rhea."
"Sorry naman no! Ano ba kasi sekreto mo ha?"
"Oo nga Rosetta! Ang tagal na nating magkakaibigan pero hindi mo pa rin shinishare!" singit naman ni Maggy na kaibigan ko rin. Nakapalibot kami sa iisang lamesa na may apat na upuan. Katabi ko si Rhea at katapat naman namin si Sheena at Maggy.
"Mag-aral kayo ng mag-aral. Hahaha!" Napatawa ako ng mahina ng sinabi ko iyon sa kanila kasi naman seryoso silang nakikinig sa akin. Wala naman kasi talagang sekreto. Kailangan lang bigyan ng sapat na oras ang pag-aaral.
"Sana all matalino," sabi naman ni Sheena na siyang pinakatahimik ngunit napakalakas mang -asar.
"Hindi ako matalino. Masipag lang."
"Sus! Pa humble ka day! Okay ng hindi at least may jowa!" Kinikilig na sabi ni Maggy. Si Maggy ang masasabi kung habulin ng mga lalaki. Siya talaga yung pinakaligawin sa aming apat. At siya rin iyong buwan-buwan atang nagpapalit ng jowa.
"Edi wow!" Inaasar lang talaga ako ni Maggy. Jowa kasi ang kulang sa buhay ko.
"Rosetta maganda ka naman, matalino at mabait pero third year na tayo wala ka pa ring jowa! Bulag ata mga lalaki sa school na ito!" Napatayo pa si Rhea ngunit napatahimik din ngunit umupo din kaagad nang mapagtantong bukod sa nakatingin sa kaniya ang ibang mga estudyante sa library, ay parang tigreng handang lumapa ng tao ang librarian namin kung makatingin. Rawr!
Napayuko na lamang ako sa sobrang hiya. Ayos lang sana kung hindi niya minention pangalan ko e. Alam ko namang hindi ako kilala sa paaralang ito pero nakakahiya pa rin.
"Hehe! Sorry Rosetta! Libre na nga lang kita later! Love you! Sige na aral ka na diyan shut up na ako promise." Umaksiyon pa siya na sini-zipper ang bibig sabay taas ng isang kamay bilang pagpapakita ng pangako.
"Ito kasing si Rhea e! Hindi naman kailangan ni Rosetta niyan! Magmamadre kaya siya! Haha!"
Umirap na lang ako sa kawalan at napangiti kasi ang kukulit ng mga kaibigan ko. Sa totoo lang hindi naman talaga sila pumunta ng library para magbasa e. Gusto lang talaga nilang magpalamig at tumambay.
"Magkakaboypren din ako no! Istorbo kayo sa pagbabasa!" Natanong ko rin ang sarili ko, MAGKAKABOYFRIEND BA TALAGA AKO?
Pagkatapos namin mag library ay kumain na kami ng lunch kasi may klase pa kami after. Habang kumakain naman, puro cellphone ang hawak ng malalandi kong kaibigan! Char! Hindi sila malandi bitter lang siguro ako.
"Kakain ba kayo o makikipagtitigan kayo sa cellphone niyo? 30 minutes lang lunch break natin."
Tumingin naman agad silang tatlo sa akin at napagtantong malapit ng maubos ang kinakain kung pagkain. Ayoko kasing kumakain habang nagcecellphone.
"Wala ka kasing jowa sis!" Sabay-sabay nilang sabi at tinago na ang kani-kanilang cellphone at kumain.
"Oo na! Kayo ng may mga boypren. Atleast ako, hindi umiiyak pag nag seselos o di kaya'y naghihinala." Pang-aasar ko sa kanilang tatlo. Natahimik naman sila dahil totoo ang sinabi ko. Ako lang naman ang takbuhan nila kapag nasasaktan sila nang dahil sa mga jowa nila!
"EDI WOW! Ate pahingi pong SABAW!" sinabi ito ni Maggy ng makita ang ateng nagbibigay ng sabaw sa canteen na kinakainan namin.
Napangiti ako at hinayaan na silang kumain. BAKIT NGA BA WALA AKONG BOYPREN? Ayoko pa kasi nangako ako sa sarili ko na magtatapos muna ako ng pag-aaral bago magboyfriend. At gusto ko rin muna maging solido ang sarili ko bago pumasok sa isang relasyon.
"Okay, class dismiss! We will be having a long quiz tomorrow. Don't forget to review."
Lumabas kaming lahat na mukhang nalugi mula sa classroom ng PE teacher namin. Paano ba naman kasi, sa PE na lang sana kami makakaginhawa e. Sa college talaga, minsan kung anong subject pa ang hindi mo major ito pa ang mas magpapahirap sa iyo, ang tawag doon PA-MAJOR.
"Rosetta, hindi ako makakasabay sa'yo sis!" Nagsasalita si Rhea habang naglalakad kami. Nauna ng umuwi sila Sheena at Maggy kasi taga-Palauig sila. Si Rhea naman ay Cabanggan at ako naman ay sa San Felipe nakatira. Magkaiba kasi ang rota ng sasakyan, kapag Palauig ay pa-Norte at kapag Cabanggan at San Felipe naman ay pa-South.
Lumingon naman ako sa kanya, "Bakit?"
"HIHIHI! may date ako sis!"
"Hindi ka ba magrereview? Muntik ka ng ma-zero kanina." Concern kong sinabi ito sa kanya.
"Nakareview na ako no!"
"Okay! Ingat ka sa pag-uwi."
"Ok! Dito na ako sa sakayan ng tricycle papuntang ITC." Iba Town Center (ITC), nag-iisang mall dito sa Iba.
"Sige!" Nagba-bye na lang sa kaniya at patuloy na naglakad papunta ng waiting shed. Bus kasi ang sinasakyan ko papunta dito sa school namin. Sa IBA STATE UNIVERSITY ako nag-aaral dito sa Iba, Zambales at dalawang bayan pa ang dapat malagpasan para makarating dito.
Narating ko na ang waiting shed at nakitang walang tao. Mag-isa ko lang mag-aantay na naman ako ng 30-45 minutes bago makasakay...
Napatingin ako sa pamilyang lumabas mula sa magarang van na sinakyan nila. Magaganda ang suot nila at mukhang masaya. Napaisip na lang ako, kailan kaya magkakaroon ng maganda at komportableng buhay ang pamilya ko? Magkakaroon kaya ako ng asawang tapat at hindi manloloko? Ilan kaya ang magiging anak ko? Sana faithful at mabait ang mapapangasawa ko. Umiling-iling na lamang ako dahil malamang ay mag-iimagine na naman ako tungkol sa magiging kapalaran ko. At para mapatigil ang sarili ko sa pagpapantasya ay nilabas ko na lang ang handout ko at nagbasa.

BINABASA MO ANG
The Laws of Love
RomantizmArcane Loxias Marcos is the perfect example of superb masculine countenance, wealth, and resounding success. As an engineer and an attorney, he is a genius bachelor who knows almost everything; however, in love, he knows nothing. But as a first-time...