IX

46 10 0
                                    

"Good afternoon po manong"

"Magandang hapon din po ma'am ganda!" Bakit ba lagi nila akong tinatawag ng ganda e hindi naman ako gaanong maganda?

"Naku si manong nambola pa! Rosetta na lang po manong!"

"O sige Rosetta, pasok ka na sa loob." Binuksan naman ni manong ang pintuan ng likurang bahagi ng kotse at pumasok ako. Nakakailang nga kasi hindi naman niya ako AMO pero parang driver ko siya. Ayos lang naman sa akin maupo sa bandang harapan katabi niya e. Para tuloy akong anak-mayaman na sinusundo ng driver niya galing sa school.

"Manong, napansin niyo po ba kung nakabalik na si Cassie?"

"Ang alam ko ay pabalik pa lamang siya. Hindi ako sigurado e."

"Ganun po ba? Sige po salamat."

"Alam mo Rosetta, bagay kayo ni sir." Hala itong si manong kung ano-anong naiisip.

"Hala hindi po manong. Mayaman po siya at mahirap ako. Kumbaga langit siya lupa ako. At Malabo rin pong magkagusto sa akin iyon. Bukod sa hindi naman ako kagandahan ay ubod din siya ng sungit. At sa itsura ni sir, hindi malabong may nobya na siya."

Sa teleserye at wattpad story lang ata nagkakatuluyan ang mayaman at mahirap pero sa tunay na buhay, HINDI. Wala namang problema sa akin kasi wala akong balak magkagusto kay sir.

"Sabagay pero sa tuwing nakikita ko kayo ay may kakaiba akong nararamdaman. Parang may spark ganun."

"Hahaha kayo po talaga manong! Guni-guni niyo lang po iyon."

"Pero nakakapanibago lang na ikaw ay laging inihahatid ni sir pero si Ma'am Cassie ay hindi kailananman."

"Huwag niyo na lang po lagyan ng malisya. Lagi raw po kasi siyang may appointment malapit sa amin. Baka nagtitipid din po sa gas o baka ayaw na po kayong abalahin pa." Napangiti na lamang si manong at napatango.

"Marahil ay ganoon nga."

Tumahimik naman na si manong at nagpatuloy sa pagmamaneho. Ako naman ay nanatiling nakaupo at nagsesenti sa gilid ng bintana. Mahigit isang linggo na pala ang nakalilipas simula ng mag-umpisa ako sa aking trabaho. Mas mahirap din pala ang trabaho ko lalo na't umuwi si Cassie ng Manila kaya naiwan lahat ng trabaho sa akin. Kailangan niya muna raw mag-leave at mag-rest day kasi pagod na pagod na raw siyang makita si sir Arcane. Alam ko namang biro niya lamang iyon dahil tumatawa siya ng sinabi niya ito.

Sa mga panahon na iyon ay ako ang gumawa ng trabaho niya. Typing, proofreading, at ang schedules din ni sir. Ako rin nakikipag-negotiate online. Buti na lamang talaga at hindi pa nagbibigay ng quizzes ang mga professor kundi baka malegwak ako. Sa sobrang dami kasi ng ginagawa dito ay halos hindi ko na makayang mag-scan pa ng mga lectures pero dahil gusto kong magkaroon ng laude sa graduation ay pinipilit kong magbasa. Marahil ay masasanay din ako.

"Magandang hapon po Manang!" Binati ko si manang Iseng pagkapasok ko ng mansiyon. Nakita ko kasi siyang naglilinis ng living room.

"Oy ikaw pala Rosetta! Napakaganda mo talagang bata ka! Para kang artista. Sigurado ka bang mahirap lang kayo ha?"

"Asawa niyo nga po si manong kasi lagi niyo po akong binobola e."

"Naku hindi a! Sadyang maganda ka talaga at napakabait pa. Suwerte ang nobyo mo sa iyo."

"Naku, wala pa po akong nobyo."

"Mabuti naman at may pag-asa pang maging magkasintahan kayo ng alaga kong si Arcane."

"Hala! Hindi po iyan mangyayari manang. Malayo po ang agwat namin ni sir."

"Alam mo Rosetta, kapag puso na ang tumibok, wala na yan sa estado ng buhay! Tsaka kung ako ang papapiliin ay gusto kong ikaw ang maging nobya ni Arcane."

The Laws of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon