Kaagad kong binitawan ang hawak na bouquet of roses at mabilis na umalis sa nagkukumpulan na 'yon. Pansin ko rin kasi na naagaw na namin ang atensyon ng mga tao dahil na rin sa nasalo namin parehas iyong bouquet of roses.
Sa totoo lang, naiinis ako. Ano pa bang dahilan para magkita kami ng manyakis na 'yon? Pagkatapos ng ginawa niyang kabastusan sa 'kin, ang lakas naman ng loob niya na magpakita sa 'kin ulit. Kung i-demanda ko kaya siya ng sexual harassment, baka sakaling matakot na siya, 'no?
"Magi." I suddenly felt Delancy's hand on my elbow upang pigilan akong maglakad.
Nandito pa rin naman ako sa loob ng venue at ang balak ko lang naman talaga ay bumalik sa pagkakaupo sa table namin. OA lang talaga masyado 'tong si Delancy.
"Gusto ko lang na maupo---"
Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay natigilan ako bigla nang mahagip ng mata ko 'yong manyakis na 'yon at talagang kasama pa siya ni Julia, ah?
"Why was that guy on Julia's company? They're close ba?" may halong panggigigil na tanong ko kay Delancy.
"Magi, may ginawa ba siyang hindi maganda sa 'yo at ganyan ka na lang magalit sa kaniya?" nagtatakang tanong sa 'kin ni Delancy.
Sigurado naman akong ang tinutukoy niya sa tanong niya ay iyong lalaking kasama ni Julia na indenial pa na malibog. Funny, right? Huli na nga sa akto but he's still denying that he committed a crime. That's sexual harassment!
"Magi, bakit mo naman tinawag na manyakis itong kapatid ko?" dinig kong tanong ni Julia habang papalapit silang dalawa sa kinaroroonan namin ni Delancy.
'Malamang sinabi na no'ng lalaking 'yon na ako 'yong babaeng tumawag sa kanya ng manyakis... E, totoo naman kasi!'
Nalaglag ang panga ko sa narinig. Akala ko imagination ko lang o kaya naman ay nananaginip lang ako nang gising pero mukhang hindi, e. Sinubukan kong kurutin ang sarili ko pero nasaktan ako kaya sure ako na hindi 'to panaginip.
What the hell? Is that the guy na kapatid ni Julia? This doesn't make any sense! H-How come?
"K-Kapatid mo 'yan?" tanong ko while pointing my fingers towards that guy.
"Oo, siya 'yong crush ni Delancy. Siya si Dylan!" she said as she rolled her eyes.
Siya 'yong kapatid ni Julia at iyong lalaking gusto ni Delancy. Siya lang naman iyon, pero bakit nahihirapan pa rin akong i-absorb itong mga nalalaman ko? This is unbelievable!
"Ahh okay," sabi ko nang makabawi sa pagkabigla. "Siya lang naman pala 'yong kapatid mo at iyong crush ni Delancy. Ang liit nga naman ng mundo, 'no?"
"Bakit? Ano bang nangyari? Nagkakilala na ba kayo?" naguguluhang tanong ni Delancy.
"Oo, siya lang naman iyong nagpasama ng mood ko ngayon. Silipan ka ba naman habang nasa restroom ka, hindi ka ma-ba-badtrip no'n?"
Bakas sa mukha nina Julia at Delancy ang gulat at halos hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Habang itong si Dylan na manyakis, e nanatiling tahimik at walang reaksyon.
"Ginawa mo 'yon? Sinilipan mo si Magi? Hala, kailan ka pa natutong gumawa ng ganyan---"
"Uulitin ko lang, hindi ako naninilip sa 'yo," may diin na sabi ni Dylan habang mataman ang tingin sa 'kin. "Nagkataon lang na napadaan ako sa restroom at aksidenteng natanggal ang sintas ng sapatos ko kaya lumuhod lang naman ako para sana itali 'yon pero nagkataon namang palabas ka ng restroom kaya inakala mong sinisilipan kita.
It wasn't my intention na gano'n ang isipin mo.
Ngayon, kung ayaw mo 'kong paniwalaan, edi huwag. Hindi naman kita pinipilit kaya bahala ka nang mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa 'kin. Wala akong pakialam."
![](https://img.wattpad.com/cover/227145862-288-k191954.jpg)
BINABASA MO ANG
Serendipity: Unearth My Fate
Fiksi RemajaLOVE YOURSELF: THE SERIES 1 A college student, Magi Serrano, wants to seek justice for her grandmother's death. But her world go awry when Dylan, the man she loves, becomes the suspected person for the crime.