Iisa ang naging reaksyon namin ni Dylan --- pareho kaming nagulat sa biglang sinabi ni lola na ang apo na tinutukoy niya ay si Dylan at hindi ako. Sobrang gulo ng pangyayari, hindi ko maintindihan kung bakit si Dylan?
"Apo, sa wakas ay nagkita na muli tayo!" sambit ni lola habang tuwang-tuwa ito na nakayakap kay Dylan.
Bakas sa mukha ni Dylan ang kalituhan. Hindi niya kasi alam ang tungkol sa kalagayan ni lola dahil na rin ito ang unang pagkakataon na makapunta si Dylan dito sa bahay namin.
That's the thing I forgot to tell him, siguro ay ipapaliwanag ko na lang sa kanya ang lahat mamaya.
"Lola, siya po---" He was about to poked my direction nang biglang magsalita si lola.
"Siya si Magi," ani lola at nakangiting tumingin sa 'kin. "Hindi ba't siya ang napakaganda mong girlfriend, apo?"
'Yong namumuong pag-asa ko na baka sakaling naaalala na 'ko ni lola ay biglang naglaho na parang bula.
Kung bakit ba naman kasi hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong maaalala 'ko ni lola bilang sarili niyang apo.
Sadly, it ends up like this. Recognizing Dylan as her grandson imbes na ako dapat.
Ngumiti ako. "Opo, ako si Magi. Tama po kayo lola, ako ang magandang girlfriend ng apo ninyo." Tumingin ako kay Dylan ngunit bakas sa mukha niya ang labis na pagtataka.
"Trust me," I mouthed.
"Nakakatuwa naman kayong dalawa, perfect match talaga kayo. Hindi ka naman ba binibigyan ng sakit sa ulo nitong napakagwapo kong apo?" tanong ni lola.
Umiling ako. "Hindi pa naman po." At tiyaka ako natawa ng bahagya.
"Huwag kang mahihiyang magsabi sa 'kin kung pinapasakit na ni Dylan ang ulo mo. Hayaan mo't pagsasabihan ko 'yan," ani lola tiyaka tumingin kay Dylan at bahagyang pinalo ito sa braso. "Umayos ka, hijo. Ang gandang dalaga nitong si Magi, baka magkamali ka pang pakawalan siya. Gusto ko pa namang magkaroon ng apong babae na kasing ganda niya."
Mapait akong napangiti. Hindi ko maiwasan ma-miss 'yong bonding namin ni lola dati. Hindi ko maiwasang ma-miss ang mga panahong ako 'yong pinapalo niya sa braso para pagsabihan sa mga maling ginagawa ko noon.
"Halika't matulog na tayo---"
Naputol sa sasabihin si lola at sa akmang pag-akay niya kay Dylan paakyat sa taas nang magsalita ito.
"La, hindi po ako pwedeng mag-stay rito."
Kumunot ang noo ni lola. "Bakit naman hindi? Bahay natin ito, apo. Ano'ng dahilan para hindi ka pwedeng tumira dito?"
Nagkatinginan kami ni Dylan, binabasa ang isip ng isa't isa kung sino ba sa aming dalawa ang dapat sumagot sa tanong ni lola.
Huminga 'ko nang malalim bago nagsalita. "Lola, hindi po ba pinayagan n'yo si Dylan na maging independent na dahil malaki na po siya? May sarili na pong condo si Dylan kaya doon na po siya nakatira ngayon."
"Wala akong maalala na pinayagan kita na mag-condo na lang, apo!" sambit nito at hinawakan ang kamay ni Dylan. "Umalis ka na roon at dumito ka na lang. Miss na miss ka na ni lola, e."
"Huwag kayo mag-alala, lola. Dadalasan ko naman po ang pagdalaw rito para hindi niyo na ko ma-miss nang sobra," he stated and turn his gaze at me. "Nandito rin naman si Magi para alagaan po kayo, kaya wala na kayong dapat pang ikabahala. When Magi's at your side, you'll be safe."
"Wala ba siyang tirahan at nandito siya sa bahay ko?"
Napakagat ako sa labi upang pigilang maiyak. With her question, mas lalo akong nasasaktan. I'm hopeless yet homeless in her mind. What a tragic story.
![](https://img.wattpad.com/cover/227145862-288-k191954.jpg)
BINABASA MO ANG
Serendipity: Unearth My Fate
Fiksi RemajaLOVE YOURSELF: THE SERIES 1 A college student, Magi Serrano, wants to seek justice for her grandmother's death. But her world go awry when Dylan, the man she loves, becomes the suspected person for the crime.