Nag-iisa ko sa isang tahimik na parke. Maliwanag ang araw ngunit pawang wala 'kong makita. Pakiramdam ko ay nasa isa kong madilim na lugar at hindi nasisinagan ng liwanag ng araw.
Ang weird naman, bakit ako nandito?
Tumayo ako mula sa inuupuan kong bench sa parke na kinaroroonan ko. Handa na 'kong tumawid sa kalsada upang umuwi nang sa kabilang dulo ng kalsada ay mayroon akong nakita --- isang lalaki at isang babaeng bata at tila masaya sila.
Ngunit nagbago ang lahat nang makita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng batang babae.
Ang kasunod kong nakita ay nang itulak niya nang malakas ang kasama niya papunta sa gitna ng kalsada. Kasabay no'n ay ang pagdating ng isang sasakyan---
"Huwag!" sigaw ko at napabangon sa pagkakahiga.
Inilibot ko ang tingin sa paligid hanggang sa madako ang tingin ko sa taong bigla na lang nagsalita sa tabi ko.
"Okay ka lang? Bakit ka sumigaw?"
"Dylan?" nagtatakang tanong ko.
Siya ngayon ay nasa gilid ng kama habang bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Napatingin naman ako sa sarili ko nang mapansin na parang nagbago ang damit ko---
Agad akong lumayo sa kaniya't iniharang ang mga kamay ko sa katawan ko.
Pinandilatan ko siya ng mata. "Ano'ng ginawa mo sa 'kin? Bakit ako nandito, ha? May ginawa kang masama sa 'kin, 'no?!"
Mula sa pagkakaupo ay umayos siya ng tayo. "Ano namang gagawin ko sa 'yo?"
"Hindi mo 'ko maloloko! Minsan mo na ngang nagawa na silipan ako kaya hindi malayong gawin mo 'yon sa 'kin!"
Muli ko na namang nakita ang nakakainis niyang ngisi. "Kung may balak man akong gawin iyon sa 'yo, edi sana sa hotel kita dinala hindi rito sa bahay namin."
Nanlaki ang mata ko. "N-Nasa bahay niyo ko?"
"Sabayan mo na si Julia na mag-breakfast sa baba. Kanina ka pa niya hinihintay at nang maihatid ka na rin niya sa inyo."
Matapos sabihin iyon ay lumabas na siya ng kwarto.
Bumaba na 'ko para kumain ng breakfast. Tulad ng inaasahan, naabutan ko roon si Julia na nag-iisa sa dining table nila. Naglakad ako roon at umupo sa upuan na kaharap niya.
"Good morning! Did you enjoy your stay in our home?" nakangiti niyang tanong pero halata namang nang-aasar lang siya.
"Ano bang nangyari kagabi? Wala 'kong maalala."
"Siguro dapat huwag mo nang alalahanin---"
"May ginawa ba 'kong nakakahiya?" pagputol ko sa sinasabi niya.
Napatigil siya sa pagsubo at seryoso akong tiningnan. "Feeling ko kapag naalala mo, e mukhang wala ka nang ihaharap na mukha sa kapatid ko. Kaya ang payo ko sa 'yo, huwag mo na lang alalahanin."
Ano? May ginawa ako kay Dylan kagabi? Nako naman, dahil sa sinabi ni Julia ay mas lalo akong kinabahan. Ayoko man na alalahanin iyon, pero alam kong kusa ko 'yon maaalala, e.
Hindi kaya ako 'yong nanamantala sa kanya kagabi? Ayoko man na isipin iyon pero isa ng ebidensya 'yong damit ko kasi sino namang magpapalit ng damit ko kundi siya lang naman---
![](https://img.wattpad.com/cover/227145862-288-k191954.jpg)
BINABASA MO ANG
Serendipity: Unearth My Fate
Teen FictionLOVE YOURSELF: THE SERIES 1 A college student, Magi Serrano, wants to seek justice for her grandmother's death. But her world go awry when Dylan, the man she loves, becomes the suspected person for the crime.