Chapter 4

814 56 26
                                    

Note: The song lyrics included in this chapter are NOT COPYRIGHTED.

---

"Akala ko naman ay kung sino na 'yong bisita ko." I chuckled. "Gabing-gabi ah, why are you here?"

Yaya Lorna knocked on my door only to say that Delancy was here. Akala ko ay may emergency kaya napapunta rito si Delancy but, she seems fine naman 'cause I can see that she wears a genuine smile to welcome my presence.

Honestly, if that visitor wasn't Delancy, wala kong plano na babain siya. I'm a little bit exhausted dahil sa simple yet short date namin ni Eli kanina. As he was planning to gaze the star from the place we went, hindi 'yon natuloy kasi tirik pa ang araw.

Kumain na lang kami sa labas at nag-bonding ng saglit before he bid a goodbye dahil nakatanggap siya ng urgent call from his agency.

"May idinaan lang ako kay Nay Lorna rito... 'Yong ipinapabili niyang mangga kaya huwag kang assuming, hindi mo 'ko bisita," aniya but I can trace in her face that she was just teasing me.

"You may go," pagbiro ko sa kaniya.

Natawa naman ako nang lumapit siya sa akin at humawak sa braso ko. "Kailan ka pa naging matampuhin?" She pouted. "Hindi ako sanay, Magi."

"Fine, what do you want? You wouldn't go here if wala kang kailangan." I smirked. "What is it?"

"Panoorin natin 'yong music video ng kanta ni Eli, duh!" aniya at lumapit sa TV namin upang kuhanin ang remote.

Nagpunta siyang youtube para hanapin ang music video ni Eli na sinasabi niya at nang makita ay agad niyang pinindot iyon at i-p-in-lay.

"Alam mo namang boto pa rin ako kay Eli kahit na medyo nawawalan na siya ng oras para sa 'yo. Pero laban lang, Magi!" dinig kong sabi niya pa bago tuluyang itinutok ang atensyon sa TV nang magsimula ng mag-play ang video.

Paano ko sisimulan ang kantang sa iyo ko iaalay
Paano ko sasabihin na nandito ako, patuloy na maghihintay
Paano ang gagawin kung pag-ibig ay wala nang pag-asa
Na maayos pa at manunumbalik ang saya

Puso'y nahulog nang hindi mo sinalo
Puso'y nasaktan at muli na namang nabigo
Puso kong umasa na ipaglalaban mo
Pusong nawalan ng buhay nang dahil sa 'yo

Natatandaan mo pa ba no'ng mga panahong ako sayo'y naghihintay
Na bumalik ka at muling masilayan
Ang mga ngiti mong ka'y ganda
Masilayan ang mata mong ako lang ang nakikita

Puso'y nahulog nang hindi mo sinalo
Puso'y nasaktan at muli na namang nabigo
Puso kong umasa na ipaglalaban mo
Pusong nawalan ng buhay nang dahil sa 'yo

Natatandaan mo pa ba mga masasayang pinagsamahan
Mukhang hindi na sapagkat iyong kinalimutan
Dadaan ang panahon, ang araw, ang buwan at ang taon
Ngunit nandito lang ako kung saan mo iniwan noon

Aasa na naman ba ako sa walang kwentang pag-ibig ko sa iyo
Aasang babalikan mo kung ikaw naman ang unang sumuko

Pagsuko sa kung ano'ng meron sa ikaw at ako kahit walang tayo
Pagsukong sinimulan mo na ngayon ay tatapusin ko

"Grabeeee walang-kupas ang boses niya, 'no? Ang ganda talaga tapos ang swabe!" sambit ni Delancy habang niyuyugyog ako.

Jusko, hilong-hilo ako sa ginawa niya. Mukhang mas kinikilig pa 'to kaysa sa 'kin, e. 

Serendipity: Unearth My FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon