Chapter 33

457 29 2
                                    

"Regarding the news that was spread yesterday night, it was all fake. There is someone who wants to ruin my image and it's not new in this industry.

To all my supporters, have faith in me. I promised I will make things right and seek the person responsible for spreading fake news."

Umagang-umaga ay ang public statement ni Trisha ang bumungad sa amin. As expected, she's gonna say it was just fake news para sirain ang pangalan niya, just to protect her reputation.

What a lame excuse she has.

"Hindi pa rin pala talaga sapat 'yon para lang sumuko siya, 'no?" Delancy said, she's sitting next to me habang si Julia ay nasa kama niya pa rin at nagpapagaling.

"Wala sa itsura niya na magpapahuli siya nang buhay," si Julia naman ang nagsalita. "Kung sabagay, matunog na ang pangalan ni Trisha sa mundo ng showbiz kaya't sure ako na gagawa siya ng paraan para linisin ang nadumihan niyang pangalan."

"At 'yon ang hindi natin hahayaang mangyari," sambit ko. "Siya mismo ang naglagay ng dumi sa pangalan niya. We're just helping her to put herself in the place she deserved to be."

Ang bawat kasalanan ay dapat pagbayaran. Maimpluwensya man siyang tao o mayaman, sisiguraduhin kong hindi siya makaliligtas sa batas. Sabi nga nila, ang buhay ay parang tatsulok. Ang mga taong mayayaman at maimpluwensya ang palaging nasa tuktok.

But this is an exemption. This time, I will make sure na hindi sasantuhin ng batas ang mga kagaya niya.

"Dapat lang talaga sa kaniya 'yon. Muntik niya nang masira ang friendship nating tatlo dahil ginamit niya si Julia sa kagagahan niya." Nanatili lamang nakatuon ang paningin ko sa TV habang pinapakinggan si Delancy. "Sapat na dahilan na 'yon para makulong siya. Tutal plano niya naman ang lahat, kahit na ba hindi siya ang pumatay."

"I was thinking about that," I said. "Posible naman siyang makulong kasi siya ang mastermind ng pagpatay sa lola ko, right?"

"Bakit naman hindi, Magi? Siya ang ulo ng krimen na 'to. Ginamit niya lang ako para dumihan ang kamay ko, pero siya ang may pakana ng lahat!"

"Easy ka lang," sabi ko dahil mukhang manunugod na siya dahil sa mabigat niyang pagpadiyak. "I was just asking a question, you don't have to be like that. Maawa ka sa kama na hinihigaan mo, please?"

"Talaga ba, Magi? Nagawa mo pang mang-asar sa lagay na 'yan? Gusto mo yatang pumalit sa akin dito, e."

"Umaandar na naman pagka-immature niyong dalawa---"

"Wow!" sabay na sambit namin ni Julia at kulang na lang ay itaas namin ang parehong kamay dahil sa sinabi ni Delancy.

"Hoy, hindi na ko immature, 'no! Alam niyo ba nang makilala ko si Warren, nagsimula na kong kontrolin ang pagka-immature ko."

I chuckled. "So, hindi pala talaga magiging mature si Julia dahil wala siyang 'Warren' na kagaya mo?"

"In short, walang lalaki ang makakapagpabago sa kanya." With that, we laughed in chorus.

Julia is the type of person who takes relationships as just a recreation. Kung baga, there's nothing she should take seriously unless she's at her right age to be committed in a relationship.

"Hiyang-hiya naman ako sa inyo, 'no? Talagang harap-harapan niyo akong nilalait at pinagtatawanan?" As what I'm expecting, nagsimula na nga siyang tarayan kami.

"We're not teasing you." I giggled once again. "Telling the truth will never be a joke."

"Alam ko naman 'yon," she said. "Minsan nga, naaawa na rin ako sa sarili ko. Bakit ako ganito? Bakit walang lalaki ang nag-s-stay sa buhay ko? Samantalang kayo, nasa tamang tao na."

Serendipity: Unearth My FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon