Chapter 40

639 24 5
                                    

"Isang clove po talaga ng bawang ang ilalagay n'yo riyan sa fried rice? Ang dami naman po yata?"

"Paborito kasi ng mama niya ang fried rice na maraming bawang." Rinig kong humagikgik ito. "Baka namana ni Magi 'yon sa mama niya... malalaman natin."

Tuluyan na akong lumabas sa room ko upang tingnan kung sino ang may-ari ng mga tinig na 'yon... only to see Dylan and my father in the kitchen area. They are both wearing an apron; Dylan was busy cutting garlic and onions on the chopping board, si Papa naman ay nagpiprito ng hotdog.

Napangiti ako as I watched them quietly in the corner, thinking random thoughts about how I'm lucky to have them both in my life.

Parang kahapon lang, galit na galit ako kay Papa. Halos walang paglagyan ang sama ng loob ko sa kanya just because he will do everything para mapawalang-sala si Trisha.

I almost hate him when he approach me just to plead my forgiveness para sa isang taong hindi karapat-dapat patawarin.

But I didn't expect everything to changed dahil sa isang pangyayari na muntik ko nang paniwalaan na totoo. After everything that happened, after all the pains I endured because of Trisha, to be this delighted was I think something that I didn't expect will occur.

"Nako, anak... Gising ka na pala. Hindi pa kami nakaluluto nitong boyfriend mo," aligagang sambit ni Papa. "Maupo ka muna riyan. Sandali na lang ito."

Like what my father said, naupo ako sa dining table while still watching them cook for me.

Buhay-prinsesa ako, e 'no? Pasensya na, hindi kasi talaga ako pinagkalooban ng talent sa pagluluto kaya umaasa na lang ako sa ibang tao upang ipagluto ako. If ever sipagin ako, I will try na mag-take ng cooking lesson para naman hindi ako ma-bash na kesyo ako itong babae pero wala akong alam sa pagluluto.

"Kanina pa ba siya rito?" I asked Dylan as he placed those fried foods on the table.

"About 2 hours ago," he answered. "Nagulat lang din ako na napadpad siya rito and he told me he's your father, kaya pinapasok ko kaagad.

Gusto niya raw makabawi sa iyo sa pamamagitan nito, so I offer him an assistance... pinayagan naman niya ako."

"Really?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

"Dagdag pogi points na rin sa future father-in-law ko." He winked at me before going back to the kitchen.

"He never failed to make me thrilled," bulong ko sa sarili.

Honestly, gusto ko siyang gawing punching bag dahil sa sinabi niya. What he did is illegal --- he almost killed me! Because my heart suddenly skips from beating.

"Sorry for the long wait, my beautiful daughter!" sambit ni Papa bago ibinaba sa lamesa ang isang malaking bowl na may lamang fried rice.

Gaya ng narinig ko sa usapan nila ni Dylan kanina, tadtad ng bawang 'yong sinangag. Sinangag na bawang na may kaunting kanin siguro ang name ng recipe ni Papa.

I flashed a smile. "Thank you, pa." Hindi ko namalayang naipagsandok na ako ni Dylan ng fried rice sa plato ko and he already placed two pieces of hotdog and sunny side up egg on top of the fried rice.

Although I don't like the taste of a garlic, sumubo pa rin ako ng kanin. Nahihiya ako kay Papa kung sakaling malaman niya kung gaano ko ka-hate ang lasa ng garlic, sayang naman 'yong effort niya sa pagluluto.

But everything had change nang matikman ko na ang niluto ni Papa. It seems like nagbago rin sa panlasa ko ang lasa ng garlic. I didn't expect this to taste so good.

"Were you two a living partner already?" Sa kalagitnaan ng pagkain, natigil ako dahil sa itinanong ni Papa. "Hindi naman sa nakikialam ako sa relasyon niyong dalawa... but in our family's tradition, magsasama lang sa iisang bubong ang lalaki at babae once na kasal na silang dalawa."

Serendipity: Unearth My FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon