Chapter 16

599 37 21
                                    

I've decided na ipa-cremate ang labi ni lola. In that way, I can still feel her presence beside me. Some of her ashes were filled in a jar and some of it ay inilagay ko sa maliit na jar na pendant sa kwintas ko. 

Manang Yolly and her company suggested na itabi ang jar, kung saan naroon ang ashes ni lola, sa puntod ni mama at ni lolo. Kaya rin ako nag-iwan ng ashes para ilagay sa pendant ng kwintas ko, 'cause still I want to feel that my grandmother never leave me.

Now, I was here in a cemetery upang ihatid sa huling hantungan ang kaawa-awa kong lola. Together with some of our household workers and my friends na sina Julia kasama sina Dylan. At least for now, I didn't feel that I was all alone. 

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos na matanggap ang nangyari. Parang kahapon lang ay nakikita ko pang masigla si lola, and all of a sudden, life would mocked me with this surprising gift that I've received --- yet I don't considered it as a gift. 

"Palayain mo na ang lola mo, Magi. Ang isipin mo na lang, kasama na siya ni God habang nakasubaybay sa iyo," Delancy said while caressing my back.

Dala siguro ng sobrang panghihina, kahit pilit na ngiti ay hindi ko magawa. Sa sitwasyon ko ngayon, isa lang ang gusto kong gawin at iyon ay ang magluksa. Another important person for me has officially bid her goodbye. 

"Si lola 'yong tumayong ama at ina sa akin dahil ako 'yong sanggol na minalas ipanganak sa mundo na walang kinagisnang magulang. Walang araw, linggo, buwan o taon na ipinaramdam niyang may kulang sa buhay ko --- ngayon lang ulit kasi tuluyan na niya kong iniwan." Tears are now falling down on my cheeks once again. 

"Now that she's completely gone, paano ako mabubuhay? Paano ko sisimulan ang susunod pang mga araw? Paano ako babangon mula sa pagluluksa sa pagkawala niya?"

"Hindi madali na kalimutan mo ang lahat, pero may isang bagay na natitira pa rin sa iyo at importanteng hindi mo kalimutan," Warren uttered. "Nandito pa rin naman kaming mga kaibigan mo para samahan ka sa pag-iisa mo. Hindi man namin matutumbasan 'yong pagmamahal ng isang tunay na pamilya, at least sa mga bagay na ganito ay pwede mo kaming takbuhan kung kailan mo gusto." 

"Oo nga, Magi. Kailanman 'wag mong iisipin na tinalikuran ka na ng mundo at wala nang sinuman ang handang samahan ka. Kung kailangan mo ng kausap, alam mo namang one call away lang kami, 'di ba?" Israel added.

Mas lalo akong naiyak dahil sa mga sinasabi nila. "Hindi ko alam ang sasabihin, kung di ang magpasalamat sa inyo dahil lagi kayong nandiyan para damayan ako. Thank you." 

"Tama na 'yan, 'wag na kayo mag-iyakan diyan. Kung sakaling nandito si Harris, baka pinalo na niya kayo sa pwet kasi iyak kayo nang iyak," balewalang sambit ni Yuwi. "Though kailangan naman talagang umiyak kasi libing ito pero 'wag naman sobrang tagal. Tipong isang patak na lang ng luha, e dehydrated ka na pagkatapos."

"Palibhasa wala ka kasing puso kaya hindi ka marunong umiyak at makiramay diyan!" singhal ni Julia kay Yuwi habang nagpupunas ng pisngi. "Ni isang patak nga ng luha mula sa iyo, e wala akong nakita. Tipid na tipid ka?!"

"Dito ka pa talaga mang-aaway, Julia? Hindi ka na nahiya sa mga taong nandito na nakikiramay. 'Wag ka ngang bastos," malumanay na saway sa kanya ni Dylan.

I just turn my gaze on my grandmother's jar of ashes na ngayon ay kasama na nina mama at lolo. 

'Tatlo na silang mga bituin na hahanapin ko sa langit.'

"You will forever be missed, lola," I whispered.

Literal, mas masakit pa 'to sa break-up. Kaya ko pa naman makapagsimula muli ng wala si Eli sa buhay ko, but living my life without my grandmother is the hardest thing to overcome. 

Serendipity: Unearth My FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon