Chapter 3

902 61 14
                                    

"You will perform that on our next meeting at pinapayagan ko rin kayong humiram ng lalaki sa ibang department para maka-partner niyo since kulang ang number of boys ninyo sa number of girls," paliwanag ni Ma'm Cynthia at ito'y tumingin sa 'ming dalawa ni Dylan. 

"Partner kayong dalawa at inaasahan kong magiging maganda ang performance niyo, since both of you are good at dancing." Umalis na si Ma'm pagkatapos sabihin iyon.

Natulala ako nang marinig ang sinabi nito. Like what the fvck? Bakit naman gano'n? Sana tinanong muna ko ni Ma'm kung papayag ako, 'di ba?

Bwiset na buhay ito!

"Dancerist yarn?" Pagkalabas na pagkalabas ng aming prof ay nagsimula nang gumawa ng daldalan itong si Julia.

"Ikaw na lang kaya p-um-artner kay Dylan? Tutal kapatid mo naman siya, e," sabi ko kay Julia at mayamaya'y napatingin ako kay Delancy. 

"Pwede rin namang ikaw na lang, Delancy. Crush mo si Dylan, 'di ba? Chance mo na 'to!"

"Sige, pwede rin---"

Naputol sa pagsasalita si Delancy nang magsalita si Julia.

"Ayaw naming malagot kay Ma'm! Kung gusto mo gawin iyan, ikaw na lang, okay? Huwag mo na kaming idamay pa ni Delancy diyan!"

"Papayag na si Delancy---"

"Kung ayaw mo 'kong ka-partner, sana tinanong mo 'ko kung gusto ko rin ba na ikaw ang ka-partner ko?" I heard Dylan spoke behind my back.

Dahan-dahan akong napaikot para tingnan siya nang masama. "Iyon na nga ang point ko, ayaw nating dalawa sa isa't isa kaya ko ginagawa 'to. Hindi mo 'ko gusto, hindi rin naman kita gusto---"

"Sino nagsabing hindi kita gusto?"

My eyebrows furrowed. "A-Ano? Ano'ng sinasabi mo riyan?"

Mula sa kaninang seryoso niyang mukha ay napalitan ito ng saya --- tinatawanan niya ko. "Ang panget mo ka-bonding. Bahala ka sa buhay mo. Basta ako, wala kong balak na palitan ka." Tiyaka siya pa-cool na lumabas ng classroom.

Naiwan akong nakanganga habang sinusundan siya ng tingin na papalabas ng classroom. Hindi ko maipaliwanag kung gaano na ba kainit ang dugo ko dahil sa lalaking iyon! Napaka angas niya, napakayabang!

Kita ko namang lumapit si Israel sa 'kin at hinawakan ang baba ko. "Pakisara, baka pasukan ng langaw." Bago siya sumunod kay Dylan na lumabas ng classroom.

Dahan-dahan akong napatayo mula sa kinauupuan ko at tumingin kina Julia at Delancy. Sila man ay kakaiba ang tingin sa 'kin, mukhang nagpipigil sila ng tawa.

"AAAAAHHHHHHHHH!!!!" sigaw ko. "NAKAKABWISIT SILA, ANG YAYABANG! GRABE 'YONG KAYABANGAN NILA, LAGPAS NANG UNIVERSE! AAAAHH!"

Nagsisigaw lang ako rito sa classroom hanggang sa mawala 'yong sama ng loob ko. Kami na lang naman tatlo ang nandito kaya hindi na ko nahiya.

Basta mailabas ko lang iyong inis ko sa magkaibigan na 'yon. Ang sakit nila sa ulo, sa totoo lang!

"At tiyaka bakit nandito 'yong Israel na 'yon?!" I asked them.

"May tine-take siyang subject kaya sumasabay siya sa atin. Tatlong subject ata, including P.E.," Delancy replied.

"Tingnan mo 'yon, ang yabang-yabang pero P.E. lang naman, ibinagsak pa," I whispered out of frustration.

---

Pag-uwi ko ng bahay, sinalubong ako ng nakakagutom na amoy ng lutong-ulam na niluluto ni lola. Talagang nakakagutom dahil sa amoy pa lang nito, na-ma-magnet ako nito na mag-diretsyo agad sa dining area. 

Serendipity: Unearth My FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon