Nanatili lang akong walang imik at parang tuod na nakaupo sa isang bench katabi ang isang 'di katandaan na lalaki na nagpapakilalang siya raw ang papa ko.
Until now, hindi pa rin ma-process ng utak ko ang lahat. I'm still doubting every single word he uttered and thoughts revolving around my mind that he's just fooling me around.
"Alam kong hindi ka kaagad maniniwala sa akin, kaya nagdala ako nito," nang muli siyang magsalita, kaagad rin akong napalingon sa kaniya.
He's handing me a small picture --- it was my baby picture.
"Nakiusap ako sa mama mo na bigyan niya ako kahit litrato mo para naman kahit sa picture lang ay nakikita kita."
Maluha-luha kong pinagmasdan ang mukha niya. "W-Why?" I stuttered. "Why did you settle for less attraction in me, when in fact, you have the freedom na makasama ako kahit gaano katagal mo gusto?
Bakit pinili mong iwan kami ni Mama? Bakit hinayaan mo akong lumaki na walang ama?" At this moment, tears began falling down my eyes. Sa sobrang bigat ng kalooban ko ngayon, wala na akong nagawa kung 'di ang ilabas ang sama ng loob ko.
I didn't expect this to come --- meeting my long lost father.
"Hindi pwede---"
"Bakit hindi?" I cut his words. "Masama na ba ngayon na magpaka-tatay?"
"Magi, hindi kami pwede ng mama mo. Noong nakilala ko ang mama mo, kasal na ako at mayroon na akong anak sa asawa ko."
Does this mean we're his second family? Anak lang niya ako sa labas?
Nangangatog ang labi ko habang nagsasalita, "P-Pero bakit mo pa binuntis ang mama ko kung pamilyado ka na palang tao?!" Alam kong masama ang magtaas ng boses sa nakatatanda, but I couldn't control myself but to raise my voice at him.
"Lasing kaming parehas ng mama mo nang mangyari ang lahat. Hindi namin sinasadya na gawin 'yon at mabuo ka, Magi."
Naitakip ko ang dalawang palad sa aking bibig. This revelation brings massive weight inside my system. I couldn't take it any longer, so I cried tumultuously.
Isang kasalanan lang pala na ipinanganak ako sa mundo? Dapat pala wala ako ngayon sa mundong ito kung hindi nangyari ang kasalanan na 'yon.
Truly, I'm a black sheep in my family. Kaya siguro lahat ng mga mahal ko sa buhay ay iniwan ako --- kasi isang malaking pagkakamali na nabuhay ako sa mundo.
And this is the curse of the universe for me.
"Huwag mong iisipin na hindi ka namin ginusto na mabuhay. Blessing ka pa rin na maituturing, anak."
I shook my head. "You don't know how my life became miserable because of what you did. Sana hindi niyo na lang ako binuhay para sana hindi ako nahihirapan nang ganito, e!"
"That's why I'm here to make things right!"
"How?" tanong ko. "Everything meant to be a mistake. My existence in this world is a huge mistake. There's nothing you could do to make things right by just showing off yourself to me." Tiningnan ko siya nang masama. "After all, I don't even need a father to survive my everyday life.
Nabuhay ako nang mahigit dalawang dekada na walang ama, so better go back to your first family and please... stop pestering my life once again!"
Tatayo na sana ako para umalis na nang bigla siyang magsalita. "Desperado na ako ngayon kaya nilapitan kita, Magi. Makikiusap ako sa iyo na sana ay 'wag mo nang ituloy pa ang pagsampa ng kaso kay Trisha."
I glanced at him. "Bakit mo siya kilala? Are you related to her?"
"She's my daughter."
"No way!" naibulalas ko dala ng pagkabigla. "H-How come that bitch became your daughter?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/227145862-288-k191954.jpg)
BINABASA MO ANG
Serendipity: Unearth My Fate
Teen FictionLOVE YOURSELF: THE SERIES 1 A college student, Magi Serrano, wants to seek justice for her grandmother's death. But her world go awry when Dylan, the man she loves, becomes the suspected person for the crime.