"Walanghiya ka! Pinagkatiwalaan ka namin nang buo tapos ito pa ang malalaman namin?! Ikaw pala ang matagal na naming hinahanap!" Tita Ellen stood up from her seat. "You should be ashamed of yourself!"
I let my tears fall down on my cheeks while I keep avoiding her solemn stares on me. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Dylan sa kamay ko, but it wasn't enough for me to calm myself down.
"Ma, sumosobra ka naman na. Hindi naman sinasadya ni Magi 'yon!" Dylan tried to defend me.
"Ano'ng hindi sinasadya?" Tiningnan ako ni Tita Ellen sa mga mata. "Malakas ang pagtulak sa iyo ng babaeng ito kaya ano'ng hindi sinasadya? Pwede bang 'wag niyo akong gawing tanga!"
"Kaya pala ang weird no'ng sinabi niyo sa amin na nag-d-date na pala kayong dalawa.
Kaya pala parang ang bilis ng mga pangyayari at biglang may something na sa inyong dalawa," Julia mumbled those words firmly as she glanced at me. "It was you... who almost killed Dylan, eleven years ago."
Even though I tried to avert my gaze on Julia, still I can't help myself but to look at her eyes full of hatred. Nasasaktan ako ngayon, ang sakit lang sa loob na magalit silang dalawa sa akin nang ganyan.
Tita Ellen was so precious to me and I used to treat her as my mother, back then. However, Julia was my friend for a couple of years kaya siguro ganito na lang ang bigat na nararamdaman ko ngayon.
It was just hard to endure the pain.
"Sinabi ko ito hindi para magalit kayo sa kaniya," Dylan suddenly talked while he's facing his mother. "Ma, gusto kong maayos na itong lahat. Kalimutan na lang natin 'yong nakaraan at magsimula na lang tayo ng bago. Pwede ba 'yon?"
"Anak, I can't let this slide. Kailangang pagbayaran ng babaeng 'yan ang kasalanan na ginawa niya. Muntik ka nang mamatay no'ng bata ka dahil sa kagagawan niya, tapos gusto mo na kalimutan ko na lang ang lahat?!"
"Kahit kaibigan ko si Magi, hindi 'yon sapat na dahilan para makaligtas siya sa ginawa niyang kasalanan.
Hustisya ang gusto namin kaya dapat lang na makulong siya," walang-emosyon na sambit ni Julia tiyaka ito kaagad na umalis sa dining area.
"Buhay naman ako, 'di ba? Hindi naman ako namatay kaya ano pang sense na pagbayarin niyo si Magi? Bata pa siya no'n, hindi niya pa alam ang mga ginagawa niya, ma!"
Hinawakan ko ang braso ni Dylan senyales na tumigil na siya. Wala rin namang mangyayari kung pakikiusapan niya ang mama niya at si Julia na 'wag akong ipakulong.
In order to bring peace of mind for them, I'm going to lock myself in the prison.
"Gawin niyo po ang gusto niyong gawin. Kung ang makulong ako ang paraan para matahimik na kayo at maayos ang lahat, sige po. Ipakulong niyo na ako. I'm willing to pay off the crime I committed."
"Magi---"
"Huwag mo nang hintayin na arestuhin ka ng mga pulis sa bahay niyo. Isuko mo na lang ang sarili mo sa kanila." Tita Ellen stood up at tiyaka kinuha 'yong strawberry cake na dala ko. "I just lost my appetite." Agad niyang itinapon sa sahig ang cake bago tuluyang umalis.
Wala na akong nagawa sa mga oras na 'yon kundi hayaan ang sarili ko na lamunin ng kalungkutan. My heart was filled with sorrow and pain while looking at Julia and Tita Ellen who had just turned their back at me.
Our bond in each other was inestimable but because of this huge revelation, everything just went upside down.
"Stop crying, Magi. Nandito ako para sa iyo, okay?" I heard Dylan mumble as I felt his arms wrapped around my body to give me a hug.
BINABASA MO ANG
Serendipity: Unearth My Fate
Teen FictionLOVE YOURSELF: THE SERIES 1 A college student, Magi Serrano, wants to seek justice for her grandmother's death. But her world go awry when Dylan, the man she loves, becomes the suspected person for the crime.
