"Based on my diagnosis, may Alzheimer's disease ang lola mo," pahayag ng doktor.
Nang mapansin ko ang kakaibang kinikilos ni lola ay agad akong tumawag ng doktor upang alamin ang kalagayan niya. Hindi ko inaasahan na ito ang magiging diagnosis niya.
'May Alzheimer's disease ang lola ko?'
Dahil sa nalaman ko, hindi na 'ko halos makatayo nang diretsyo. Biglang nanghina ang katawan ko matapos marinig ang diagnosis ng doktor.
"Nagagamot ba 'yon, doc?"
"There's no cure for Alzheimer's." Hearing the doctor's response to my question makes me skip my breath.
"A-Ano'ng gagawin ko, doc? Hihintayin ko na lang ba 'yong lola ko na bawian ng buhay?"
"There are treatments that may potentially delay decline from the disease, and there are drug and non-drug options that may help treat symptoms.
Kaya huwag kang mag-alala, we will do our best to prolong your grandma's life." Umalis na rin ito pagkaraan na sabihin iyon.
Nilapitan ko si lola na mahimbing ang pagkakatulog sa kama. Kanina ay halos magwala siya nang makitang may doktor sa harapan niya dahil hindi ko ipinaalam sa kanya na ipapa check-up ko siya.
They have no choice kundi ang saksakan ng pampatulog si lola nang sa gayon ay hindi na 'to magwala.
At this moment, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na maiyak habang nakatingin ako sa lola ko.
"How would I live my life without you?" pahayag ko, animo'y naririnig ako ni lola ngayon.
"Okay na ko sa sitwasyon ko kung saan hindi mo ako naaalala... pero huwag naman sanang ganito na wala 'kong clue kung kailan ka mawawala.
I can't live my life without you, lola. Do not leave me, please."
Siya na lang ang natitira kong pamilya tapos iiwan niya pa 'ko?
Wala 'kong kinalakihan na magulang. Si lola ang nagsilbing nanay at tatay ko no'ng bata pa 'ko kaya magiging mahirap para sa 'kin na pati siya ay mawala.
Bakit ko kailangang maranasan ito? Talaga bang hindi patas ang mundo?
"Hmm."
Mabilis kong inayos ang sarili ko at pinunasan ang mukha na basa ng luha nang marinig ko ang mahinang usal ni lola, senyales na kakagising niya lang.
Nang magtagpo ang aming paningin, bigla na namang sumama ang tingin nito sa 'kin.
"Ano'ng ginagawa mo sa kwarto ko? Lumabas ka nga kung ayaw mong ipakulong kita!" Muli na naman akong sinigawan ni lola.
"Pasensya na po," sagot ko tiyaka tumayo. Lumapit ako sa basket ng marumihan at kinuha 'yon. "Kukunin ko lang po ito para labhan kaya ako nandito sa kwarto niyo po."
"Gano'n ba?"
"Opo, mauuna na po ako. Lalabhan ko na po ito para makatapos po ako kaagad." Mabilis kong tinalikuran si lola upang takasan ang mga titig niya.
Habang palabas ng kwarto, naitakip ko ang likod ng palad ko sa bibig ko upang pigilan ang sarili na umiyak ng malakas.
Matapos isara ang pintuan ng kwarto ni lola ay doon na bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ako makahinga dahil sa sunod-sunod na paghagulgol ko.
Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari...
"Tumayo ka nga riyan, Magi. Magpahinga ka na't gabi na," dinig kong sabi ni Manang Yolly at inalalayan akong makatayo.
"Okay lang po ako," sambit ko at pinunasan ang mukha.
"Alam kong hindi ka okay. Sa tagal ko na rito sa bahay ninyo at nakasama ko kayo ng lola mo, e alam ko kung kailan ka nagsisinungaling o hindi," aniya at hinawakan ang mga kamay ko.

BINABASA MO ANG
Serendipity: Unearth My Fate
Ficção AdolescenteLOVE YOURSELF: THE SERIES 1 A college student, Magi Serrano, wants to seek justice for her grandmother's death. But her world go awry when Dylan, the man she loves, becomes the suspected person for the crime.