"As in ngayon mo lang naalala lahat?"
I just nodded as an answer. Nandito ako ngayon sa loob ng unit niya after ko ilabas 'yong talent ko sa kadramahan.
There's one thing I've noticed in his unit, at iyon ay ang disenyo nito. Ang bright lang kasi ng aura ng design ng furnitures niya. Plain lang pero hindi mukhang plain na plain.
"Pero ikaw, matagal mo nang alam na ako 'yong hinahanap mo?" I asked.
"Ni minsan naman, hindi kita nakalimutan. Ilang years man ang lumipas at malaki man ang pinagbago mo mula sa dati, my heart still recognized who you are."
Siguro isang dahilan din ang bagay na 'yon kung bakit mabilis akong nahulog kay Dylan.
Oo na, ang hirap naman kasing pigilan ng sarili na 'wag mahulog sa kaniya, e. Even before mag-break kami ni Eli, he managed to make me feel this way --- he always makes my heart palpitate as hell.
"Kaya pala lately, there's an unusual dream na napapanaginipan ko about two children while they were on the roadways." I glanced at him. "Tayo palang dalawa 'yon."
"Now that you finally found the truth, sana hindi nawala 'yong feelings na nabuo sa puso mo para sa akin noong mga bata pa tayo." Marahan niya akong nginitian while he caressing the strands of my hair. "Kasi ako, hindi nawala 'yong feelings ko para sa iyo. Mula noon hanggang ngayon, ikaw pa rin, Magi."
Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko sa mga oras na ito. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. I'm totally aware na nahuhulog na ang loob ko kay Dylan, pero alam kong hindi sapat na dahilan 'yon para mag-commit na naman ako sa isang tao.
I'm not scared of commitment, but what I'm afraid of the most is that I will give my all for someone and end up with nothing… again.
"Give me some time to think about it, Dylan," I said and faced him. "Just because I lent you my love when we were children doesn't mean it still grows in my heart.
Allow me to have time to think and also, I want to completely erase the past na pinagsamahan namin ni Eli. In that way, magiging madali para sa akin na magmahal muli."
"Of course. You have plenty of times to think, Magi. Hindi naman kita minamadali, e." Mula sa kinauupuan niya ay lumapit siya sa akin at lumuhod sa harap ko. "Pero sana hayaan mo kong opisyal na ligawan ka?" tanong niya habang itinataas-baba ang kaniyang kilay.
Hindi ako agad nakasagot kasi worried ako sa sasabihin ng iba. Kaka-break lang kasi namin ni Eli, and in an instant, biglang lilitaw si Dylan para ligawan ako. Ano na lang ang iisipin ng iba sa akin tungkol doon?
"Magi, hindi mo kailangang pakinggan ang sasabihin ng iba para mabuhay. We don't need their opinions, unless it will help us grow. Pero kung opinyon lang para husgahan ka, ipasok mo na lang sa kabilang tenga at ilabas sa kabila.
Hindi mo kailangang pakinggan ang sasabihin nila dahil ang ginagawa mo ay para sa sarili mo… hindi para sa kanila. Learn to ignore them and mind your own business."
Siguro nabasa ni Dylan ang iniisip ko kaya sinabi niya 'yon. Indeed, he's good at reading someone's mind, huh?
"Do as you say."
Tutal wala rin naman akong magagawa para pigilan siya, kaya hinayaan ko na. At some point, tama naman siya. Masyado lang akong paranoid tungkol sa sasabihin ng iba, when in fact, hindi ko naman kailangan ng opinyon nila.
Buhay ko 'to e, kaya sarili ko lang dapat ang pakikinggan ko.
"Pero ang isa ko pang worried ay sina Julia at ang mama mo. For sure, hindi nila ako matatanggap. Knowing na ako ang dahilan kung bakit muntik ka nang mamatay, baka isumpa nila ako sa sobrang galit nila sa akin."
BINABASA MO ANG
Serendipity: Unearth My Fate
Novela JuvenilLOVE YOURSELF: THE SERIES 1 A college student, Magi Serrano, wants to seek justice for her grandmother's death. But her world go awry when Dylan, the man she loves, becomes the suspected person for the crime.