My eyes were blinded with a piece of cloth. I could feel how my sweat streamed down my face.
Nang tuluyan akong magising, I could feel I was placed on a wooden chair habang nakagapos ang mga kamay at paa ko.
At this moment, all I want is to cry. My hands are shivering as well. Nababalot ng takot ang buo kong katawan because I had no idea kung sino ang nagpa-kidnap sa akin at kung ano'ng dahilan nila para gawin sa akin ito.
How about Dylan? Dinakip din kaya nila si Dylan? What if they do? W-What if---
"Gising ka na pala." A feminine voice stopped me from overthinking. "Kanina pa talaga kita hinihintay na magising, e. Mukhang mahaba-haba ang pagkukwentuhan natin... Magi."
Naramdaman kong may lumapit sa akin upang tanggalin ang tela na nakabalot sa mata ko. When I opened my eyes, sumalubong sa akin ang nakangising si Trisha.
"Bakit pa nga ba ako magtataka kung bakit ako nandito? Bakit pahihirapan ko pa ang sarili ko na hulaan kung sino ang may pakana nito?" I smirked back at her. "Wala ka na ba talagang konsensya? Talaga bang sagad na hanggang buto ang kasamaan mo?
Why are you doing this, Trisha? Gusto mo akong patayin? Do you think if you do that, makakaligtas ka na sa mga kasalanang pilit mong tinatakasan?"
"Ang daldal mo," aniya. She moved closer to me and she pressed hard on my cheeks. "I will do everything just to clear my name. Kung kailangan kong patayin ka para matahimik ang buhay ko, I'm willing to do that. After all, matagal nang nadumihan ang malinis kong kamay.
Pagdusahan ko man ito, wala akong pakialam. Ang importante lang sa akin ay hindi mawala ang matagal ko nang pinag-iingatan.
Sa loob ng mahabang panahon, I spend all my life para lang gawing matunog ang pangalan ko sa showbiz industry!" Malakas niyang itinulak ang mukha ko bago umayos ng tayo. "Because my ambition is to be on top. I want to be one of the artists that is praised by half a billion of supporters."
Now she's crying in front of me. For what? To gain my sympathy? Kung akala niya na dahil sa pag-iinarte niya sa harap ko ay iuurong ko ang kasong isasampa ko sa kanya, well, nagkakamali siya.
"Dahil sa ambisyon mong maging sikat at makilala ng maraming tao, that's why you're doing this?
Baka lang nakakalimutan mo, Trisha... Ikaw ang naglagay ng dumi sa pangalan mo. So, don't ever use anyone para linisin ang pangalan mo!"
"Kaysa makulong ako, mas mainam na gawin ito sa pag-asang malinis ang pangalan ko." Now, the evil smirk on her face came back. "Kung makukulong lang din naman ako, why would I choose to let this opportunity slide?
Hindi lang ako ang dapat magdusa... Dapat ikaw rin. I won't let myself be a prisoner without doing something horrible---"
"Demonyo ka!" I shouted. "Hindi pa ba sapat na sa halos dalawang dekadang nabubuhay ako sa mundo, 'yong hinahanap-hanap kong ama ay palaging nasa tabi mo?
Hindi pa ba sapat na pagdurusa ang ginawa mo sa akin nang patayin mo ang lola ko? Wala nang natira sa akin. Mag-isa na lang ako sa buhay ngayon. Walang magulang, wala kahit ano! Hindi ka pa ba kuntento?!"
"W-What are you talking about?"
I faked my laugh. "Seems like your father didn't tell you about me... We're siblings."
Nanginginig ang buo niyang katawan habang dahan-dahan siyang umaatras papalayo sa akin. Her face seems so shocked about the information I revealed. Hindi ko inakalang wala pa pala siyang alam tungkol sa akin.
"Your mother killed my Mom," I added. "Because your mother was dying hard to get rid of us sa buhay niyo.
Oo, Trisha... Bunga ako ng isang pagkakamali. Wala dapat ako sa mundong ito, kung hindi nangyari ang isang malaking kasalanan noon."
BINABASA MO ANG
Serendipity: Unearth My Fate
Teen FictionLOVE YOURSELF: THE SERIES 1 A college student, Magi Serrano, wants to seek justice for her grandmother's death. But her world go awry when Dylan, the man she loves, becomes the suspected person for the crime.