Honey's POV
Papunta ako sa locker room ko ng makasalubong ko yung ultimate crush ko. Shhh lang kayo! Kahit crush ko yan hindi ko pinapahalata.
Lagi kaming nag-aasaran ng lalaking na yan. Pero kahit ganun, love ko yan hihi <3
"Oy honey bar!" Sigaw niya sakin. Yes, you heard it. Honey bar. Siya lang tumatawag sakin niyan.
"Yes Toppo?" Actually Top lang talaga pangalan niya.
Bakit kaya hindi down? Left o di kaya Right?
"Aga aga mo namang magtaray Honey bar! Meron ka no? Talikod ka nga titingnan ko." Aba loko to ah?!
Minsan talaga kahit gaano mo pa kagusto yung isang tao, darating parin sa point na gustong gusto mo siyang sapakin!
"Shut up Choco Top!" At pumunta na akong locker room. Ang loko loko sinundan pa talaga ako. Aish!
Nagulat ako nang makakita ako ng Letter sa locker room ko. Kanino naman galing to?
"Baka sulat yan na nagsasabing umalis kana dito sa school!" Pananakot niya. As if namang matatakot ako.
Ang magandang tulad ko ay malabong mapaalis sa school na to.
"O baka naman sulat galing sa mga pulis kasi makakapatay ako?" Sabay death glare ko sa kanya.
"Easy Honey bunch. Haha sige, una na ko. See you later Honey, wag mo kong mamimiss." Sabay wink nya sakin.
Ang gwapo niya! Kyaaaa!
Letche manahimik ka malanding utak! Tss. Kanino ba kasi galing tong sulat na to?! Tinitigan ko yun at may napansin ako sa may baba.
-gwapong admirer
At aba? Ang hangin din pala nito eh. Tss, binuklat ko naman yung sulat at napanganga ako sa nabasa ko.
Alak ka ba?
Nakakasuka ka kasi.
Oy disappointed. Eto na, totoo na to.
Alak ka ba? Ang lakas kasi ng tama ko sayo
Bawal kiligin prinsesa ko.
Grabe! Nakakainis na nakakakilig. Sino naman may gawa nito?
Luminga linga ako sa paligid pero wala namang katao tao. Asa namang makikita ko pa siya dito. Lumakad na ko papunta sa klase ko. Inilagay ko sa bag ko yung sulat habang nakangiti. Hindi ko mapigilan eh. Akalain mo nga namang may admirer ako.
Pumasok na ko sa room at hinanap si Aiko. Bestfriend ko. Nakita ko naman siya sa may dulo. Nagtwitwitter na naman siguro to.
"Aiko!" Sigaw ko sa kanya habang naglalakad.
"Hany!" Yes. Isa din siya sa mga sumisira sa napakaganda kong pangalan.
"Wag mo ko umpisahan. May chika aketch!" Hihi. Di ko talaga mapigilan eh.
"Landi! Ano?" Sabay abot ko sa kanya nung sulat.
Inabot niya naman yun at binasa.
"Omg! Fagg you're so maganda! Akalain mo may admirer ka na! Hihihi." Binatukan ko naman siya ng malakas. Akala mo siya maganda.
"So hindi ako maganda ha?!" Sigaw ko sa kanya.
"Chill. Maganda ka, noong panahon mo. Hahahahaha kidding. Maganda ka wag kanang magdrama." Sabi niya habang tumatawa parin. Bwiset din talaga to eh.
Hindi ko nalang siya pinansin kasi dumating na yung prof namin. Pilitin ko mang makinig sa prof wala paring pumapasok sa utak ko. Ugh! Sino ba kasi yun? Sana naman nagpakilala siya no. Ang daming gwapo dito sa school kaya mahirap hulaan. Aish!
BINABASA MO ANG
Letter [Completed]
Teen FictionHand written love letters will never go out of style. WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.