A S T R I D"Kinakabahan ako, Scar," sabi ko habang nakanguso. Inirapan naman niya ako. Attitude talaga nito eh.
"You've been practicing for a month now, Ash. What's gotten into you?" sabi niya, nagtataka kung bakit hindi ako mapakali.
"Hindi ko rin alam pero parang nararamdaman ko talagang may mangyayaring hindi maganda. Feel ko lang," sabi ko.
"Throw those feelings away, then. Paranoid ka lang," naiiling niyang sabi. Napabuntong-hininga naman ako.
Maayos naman yung practice ko kanina. Hindi nga lang masyado nakatulong si Bri dahil wala siyang ginawa kundi purihin ako. Sinabi ko kasi sa kanya na tignan yung choreo na ginawa ko, kung may mali ba o kung may awkward o sablay na part. I asked for her help dahil sa aming lima, siya ang pangalawang pinakamagaling sumayaw.
Hindi ko nga gets kung bakit ayaw niyang sumali sa auditions. I encouraged her to join para may makasama ako sa Luminarie, an elite dance club dito sa Everleigh Academy. Tinanggihan niya ako at sinabing mas gusto daw niyang sumali sa Journalism Club dahil nandoon yung bagong crush niya.
"Anong sinabi mo kay Bri nung sinabi niyang sasali siya sa Journalism Club?" tanong ko kay Scar. Nagkibit-balikat naman siya at nanatiling nakatingin sa field.
"I warned her about her decisions. You know her, Ash. May bagong crush every week, that girl is really insane," naiiling niyang sabi.
"Yun nga rin ang sinabi ko, na baka sa makalawa iba na naman ang crush niya. Journalism club shouldn't be taken lightly. Marami ring pinagkakaabalahan mga members nila," sabi ko.
"Well, what can we do? Matigas ang ulo niya eh. I can also see how she really wants to join. Let's just be here for her and trust her with the decisions she made."
Napatango naman ako sa sinabi niya.
"Don't let it get to your head," sabi niya. Nagtataka ko naman siyang nilingon. "Ha?"
"I mean, huwag kang mastress dahil dun kay Bri na makulit. Huwag mo muna kaming problemahin. Think about your performance first," sabi niya.
"Aww. Aminin mo na kasi. Nag-aalala ka para sa akin noh?" tanong ko. Napairap naman siya ulit.
"Hell no."
Inakbayan ko siya at niyakap. May pagka-tsundere rin itong si Scarlet eh. Kunwari pang walang pakialam.
"Huwag kang mag-alala, Scar. I'll do my best and enjoy the performance later. Sigurado akong makakapasok ako. Ako pa ba?" I flipped my hair. Napangiwi naman siya sa inaasal ko.
"You and your groundless confidence."
Napansin ko namang medyo mainit na. Namumula na rin ang pisngi ni Scar dahil sa init. Tiniis niya talaga yung init dahil nirequest kong dito kami maupo sa bleachers. Medyo naguilty naman ako. Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko.
"Scar, halika na. Punta tayo sa cafeteria," pag-aaya ko sa kanya.
"For what? Don't tell me kakain ka ulit? Huwag kang tumulad kay Brielle," natawa naman ako sa sinabi niya.
"Hindi, magpapalamig lang."
Tumayo na rin siya at nagsimula na kaming maglakad.
"Thank you sa pagsama sa akin, Scar," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Whatever," umirap siya sa akin.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa basketball team na naglalaro sa field. Sobrang dami nang tao sa bleachers. Kaya naman pala.
"Good thing we decided to leave. Ang dami nang tao dito," sabi ni Scar, nakatingin rin sa mga naglalaro.
"Famous siguro ang mga players kaya ganyan karami yung pumunta sa field," sabi ko.
Nagsimula na ang mga tilian at hiyawan mula sa mga babaeng nanonood.
Iniwas ko na ang tingin ko sa mga naglalaro at nagpatuloy sa paglalakad.
"Astrid, watch ou--"
Hindi ko na narinig pa ang mga sinabi ni Scar. My vision went black.
BINABASA MO ANG
eurythmic || yeonji
Fanfiction❝ be my dance partner ❞ ❝ kilala mo ba kausap mo? ❞ ✧ in which an aspiring female dancer declines the offer of a campus crush || crown series #1 || ✧ a yeonji epistolary ✧ 07.12.20 - 08.26.20 ✧ completed © galaxiellar, 2020