A S T R I D"Hoy, babaita. Saan ka pupunta?"
Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanilang apat. Ang chismosang si Brielle ang nagtanong sa akin. Tinaasan naman ako ng kilay ni Scar habang nagtatakang nakatingin sa akin ang dalawang bunso.
"May kailangan lang akong kausapin. Mauna na kayo sa cafeteria. Susunod ako maya-maya."
"Order na rin ba kami para sayo, Ate Ash?" tanong sa akin ni Rei. Tumango naman ako sa kanya.
"Geh, mauna na kami. Bilisan mo lang ha? Masamang pinaghihintay ang pagkain," bilin sa akin ni Bri. Umalis na sila at naglakad patungo sa cafeteria.
Halos umusok na ang ilong ko habang hinahanap ang classroom ng pesteng lalaking 'yun. Mabuti na lang at nahanap ko agad. Hindi ako katulad ni Scar na mahina ang sense of direction. Sorry madam, nadamay ka pa. Sumilip ako sa bintana at nakita kong tapos na rin ang klase nila at naglalabasan na ang mga estudyante.
Nagulat ako nang may kumalabit sa akin.
Halos malaglag na ang panga ko nang makita ko siya.
"Luh, love at first sight na ata 'yan pars," sabi niya sa'kin.
Hindi ko pa siya nasstalk sa iz*tagram, profile picture niya lang yung alam ko. I didn't know he had brown hair. Mas nagmukha siyang bata kaysa sa dp niya dahil ash blue ang buhok niya dun. Scam pala ang isang 'to eh.
Natauhan naman ako kaya malakas ko siyang sinapak sa braso. Napangiwi naman siya habang nakahawak sa bahaging sinuntok ko.
"Ang wild mo naman. Hinay-hinay lang, babe," nagawa pa niyang ngumiti sa akin. Mas lalo akong nainis kaya sinapak ko siya ulit.
"Mas nakakabwisit ka pala sa personal kaysa sa chat tsk."
"Bakit ka ba sumugod dito? Sabi na nga ba, may crush ka talaga sa akin no?"
"Utot mo. Pumunta ako dito para harap-harapang sabihin sa'yo na humanap ka ng iba mong dance partner," naiinis kong sabi sa kanya. Umakto naman siya na parang nasasaktan sa sinabi ko, nakahawak pa sa dibdib ang loko.
"Nakakasakit ka na, babe. Ano bang mali sa akin?" nakasimangot niyang sabi. Medyo naguilty naman ako sa sinabi ko. Hindi ko naman intensyong laitin siya. Ayaw ko lang talaga siya maka-partner.
"Hayst. Ganito kasi 'yan. Makinig ka ng mabuti ha?" kinausap ko siya na parang bata. Tinanggal niya ang pagkakahawak niya sa dibdib niya at paulit-ulit na tumango sa sinabi ko.
"Sige lang. Hindi ko kasi gets kung bakit ayaw mo akong makasama," he pouted. I sighed. Nag-aalangan pa ako kung sasabihin ko talaga sa kanya.
"Isang buwan akong nagpractice para sa audition. It took me two weeks to create a choreography and two weeks to memorize and master it fully. Sa tingin mo ba, magagawa mo yun ng isang linggo lang?"
Nag-aalangan kong sinabi iyan sa kanya. Kinakabahan ako dahil baka ma-offend siya sa sinabi ko, pero ano bang magagawa ko? Totoo naman talaga lahat ng sinabi ko. 'Di biro ang ginawa kong practice nung nakaraang buwan.
I looked at him, waiting for his reaction. Nagulat ako nang humagalpak siya sa tawa.
"Huwag kang mag-alala. Fast learner 'tong kausap mo," sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi mo ako naiintindihan. Hindi ko pwedeng ituro sa'yo sa isang linggo yung isang buwan kong pinag-aralan at pinagpaguran," naiiling kong sabi sa kanya.
"Madali naman akong turuan, promise!" tinaas niya ang kamay niya. Para siyang bata. Cute, tss.
Ngayon ko lang na-realize na pinagtitinginan na kami. Nakalabas pa ang cellphone ng iba, halatang vini-videohan kami. Napakunot naman ang noo ko. Bakit ba ang chismosa't chismoso ng mga estudyante dito?
Nagulat ako nang hinigit ako ng lalaking parang bibe. Lagi kasing nakasimangot.
Dinala niya ako sa may hagdan. Wala masyadong estudyante dito. Sino ba naman kasing maglalakad sa hagdan kung may elevator naman?
"Tss. Huwag ka ngang bigla-biglang nanghihila!"
"Kung tignan mo kasi yung mga nakapaligid sa atin kanina, ako ang natakot para sa kanila eh," kibit-balikat niyang sagot.
Nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Malamang yung mga babaita 'yan.
"Ah basta. I'm not your dance partner. Humanap ka ng iba. Hindi kita matuturuan at mas lalong hindi mo ako makakasama sa audition," tumalikod na ako para umalis. Hinila naman niya ang braso ko.
"Hindi nga pwedeeee~" para siyang bata kung magsalita.
"At bakit hindi?" tanong ko na parang nanay.
"Baka hindi ka makapasok kung hindi ako ang kasama mo," natawa naman ako sa sinabi niya.
"Lakas ng confidence mo. Sige lang, mabuti 'yan. Kailangan mo rin 'yan. Baka sakaling gumaling ka sa pagsayaw dahil diyan," tinapik ko pa siya sa balikat.
"Dali na kasiiiii~"
"Bakit ba kasi ako ang gusto mong maka-partner?" may lihim talaga 'tong pagtingin sa akin eh.
"Bakit ba kasi ayaw mo akong maka-partner?" tanong niya pabalik. Inirapan ko naman siya at binawi ang braso ko. Mabilis akong naglakad palayo. Ang kulit talaga ng budhi ng lalaking yun. Sinabi ko na nga kung bakit ayaw ko siyang maka-partner tapos kinukulit pa rin ako.
"Teh, ang lamig na ng carbonara mo. What took you so long?" tanong ni Savy. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Naglabas lang ng sama ng loob," sagot ko. Napatango naman silang apat. Inabot ko ang mango smoothie para uminom. Mabuti na lang at malamig pa.
"Sabi ko sa inyo, tumae 'yan eh," sabi ni Bri. Naibuga ko tuloy yung iniinom ko. Sinamaan siya ng tingin ni Scar.
"You and your freaking mouth. Kitang kumakain pa ako diba?" sabi ni Scar. Nagkibit-balikat naman si Bri.
"Kasalanan ko bang ang tagal mong kumain?" napailing na lang ako.
BINABASA MO ANG
eurythmic || yeonji
Fanfiction❝ be my dance partner ❞ ❝ kilala mo ba kausap mo? ❞ ✧ in which an aspiring female dancer declines the offer of a campus crush || crown series #1 || ✧ a yeonji epistolary ✧ 07.12.20 - 08.26.20 ✧ completed © galaxiellar, 2020