A S T R I D"Salamat, Kuya Manoy. Pasyal muna kayo dito. Mabilis lang po kami."
"Naku, okay lang po sa akin kung matagalan kayo, ma'am. Alalahanin niyo na lang po yung curfew. Text niyo na lang po ako kapag tapos na po kayo."
"Wala pa ngang kami, tinapos niyo na po agad. Grabe naman 'yan, Kuya Manoy."
Hinampas ko ang braso ng katabi ko at sinamaan siya ng tingin. Nagpaalam na kami kay Kuya Manoy at umakyat na para kumain.
"Ramen?" pag-aalok niya. Tumango naman ako dahil hindi na rin ako nakakakain ng noodles nitong mga nakaraang araw.
Hinila na niya ako papunta sa restaurant. Grabe, ang hyper ng bibe ngayon. Hindi naman siguro halatang gutom siya.
"Masarap ba yung inorder mo para sa'kin?" tanong ko.
"Masarap ako? Oo, masarap talaga ako, dragon," binatukan ko naman siya.
"Umayos ka nga, Hun. Kanina ka pa sa panghaharot mo. Tigil-tigilan mo ako."
"Luh, ayaw mo ba nun? Hinaharot ka ng nag-iisang Hunter Devlin."Natawa na lang ako sa kanya dahil nagpapogi pa talaga.
Dumating na ang mga inorder niya at nanlaki ang mga singkit kong mata dahil sa kulay ng mga pagkain. Japanese food is really that appetizing. Nakakaluha yung tingkad ng kulay.
"Uy, baka mahulog na mga mata mo niyan. Nandito lang ako, sasaluhin ko na, bilis!" sabi niya habang nilalapit ang mga kamay niya sa mukha ko, na parang may sasaluhin.
"Parang ang tagal ko nang hindi kumain sa isang ramen house, nakakaiyak."
"Hala, dragon. Huwag kang iiyak, nandito lang ako. Ramen lang 'yan, Hunter Devlin naman ako," natawa na lang ako sa kayabangan ng bibe.
"Diet kasi ako nung nakaraang buwan para sa audition. Ewan ko ba kung bakit ako kakain ngayon ng ramen. May auditions na sa Sabado pero ito ako, lumalamon. Hahahaha!"
Sumimangot naman siya sa sinabi ko.
"Huwag ka nang mag-diet, dragon. Sabi nga ni Kean na ulyanin, lamon lang! " at dinamay pa ang wala.
Nagsimula na kaming kumain. Nakaka-isang bowl pa lang ako nang umorder na siya ulit ng isa pa. At nadagdagan pa iyon.
"Hindi naman halatang gutom na gutom ka, Hun?"
"Bakit ba? Inaano kita diyan sa ramen mo? Ano naman kung pang-apat ko na 'to?"
"Pinagtatanggol mo ba talaga 'yan?" I asked, pertaining to the ramen.
"Siyempre! Kainin mo na lang yung sayo. Kung ayaw mo, ako na lang ang kakain sa'yo."
"Amporkchop, ang bastos mo!" binatukan ko siya nang malakas, halos dumikit na yung mukha niya sa ramen na kinakain niya.
"I mean, ako na lang ang kakain ng ramen mo kung ayaw mo na. Ano ba kasing inisip mo?"
"Ewan ko sayo, bwisit."
"Gusto mo bang kainin kita? Pwede din naman, rawr."
"Alam mo, para ka talagang bibe," natatawa kong sabi.
BINABASA MO ANG
eurythmic || yeonji
Fanfiction❝ be my dance partner ❞ ❝ kilala mo ba kausap mo? ❞ ✧ in which an aspiring female dancer declines the offer of a campus crush || crown series #1 || ✧ a yeonji epistolary ✧ 07.12.20 - 08.26.20 ✧ completed © galaxiellar, 2020